Epilogue

5.4K 179 10
                                    


Lachie's POV


"Russel!" Suntok ko sa mukha niya.

Wala na akong pakialam ngayon. I am so furious and I could no longer control my deep anger and emotion. Bumagsak siya sa lupa. Pero bumangon at sinuntok din ako. Napailag ako at nagpakawala ng isa, dalawa, at tatlong suntok pa. Tumama ito sa mukha at katawan niya.

"Hayop ka! I'm going to kill you!"

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at pilit na tinangal ito sa sa leeg niya. If no one will stop us now I will definitely going kill him, at wala na akong pakialam pa. Pinagkalat niya sa lahat na may nangyari na sa kanila ni Faith. Pinagtatawan ako ng iilan kong barkada, pero hindi ako nakinig sa kanila.

I believe in Faith. Mas naniwala at nanaig ang pagmamahal ko sa kanya. Pero sa pool party ay mas pinamukha ni Russel sa akin kong ano ang kakayahan niya. We fought there and did made such a mess. Ang lakas pa ng loob ng Mommy niya na baliktarin ang sitwasyon at nagpa-blotter pa sa mga pulis.

Nakiusap pa si Daddy para e-urong ang demanda. I was grounded and all my cards and allowance stopped. Wala na akong pakialam pa. Mabubuhay naman ako para kay Faith. Iyon lang naman ang mahalaga. Kahit pa puro insulto ang narinig ko mula sa Tita Amber niya ay wala akong pakialam. Pero idinamay pa nila ang negosyong hinawakan ni Papa.

But I had enough. Naniwala ako sa matibay na ebedensya ni Russel na sila na ni Faith, na may plano na ang bawat pamilya nila sa isa't-isa. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa bahay nila. It's always her Tita Amber. Her hurtful insults and harsh words belittling not just me, but my entire family. Pinakiusapan na ako ni Daddy. Wala raw akong mapapala kay Faith, dahil nagkasundo na raw ang bawat pamilya nila ni Russel.

So I kept my distance but I am still looking at her from a far. Pero ngayon? Ang malaman na buntis siya ay tumalon ang puso ko. Umaasa ako na akin ito. Pero napuno ng galit at nanguna ang ibang bagay sa isip ko. Kaya hindi ako sigurado at nasabi ang masasakit na salita sa kanya.

"Faith is pregnant, Russel! Ngayon sabihin mo sa akin na hindi ikaw ang ama!" Suntok ko sa mukha niya.

Bumanat din siya nang suntok at nagsuntukan na kaming dalawa. Wala na akong pakialam kong maliligo kami sa duguan naming mga mukha ngayon. Hanggang sa nanghina na siya at hindi na lumaban. Susuntok pa sana ako sa huling pagkakataon. Pero bahagya na siyang natawa at mas lumakas lang din ang tawa niya.

"Ang gago mo, Lachie! At sa akin ka pa talaga naniwala? Walang nangyari sa amin ni, Faith. I did this to ruined you!!"

Mas napakuyom-kamao na ako at mas sinuntok na siya nang tudo. Wala na akong maramdaman ngayon, dahil nabasag na ang puso ko dahil sa mga binitawan kong salita kay Faith kanina.

"Lachie!!" Sabay hawak ni Daddy sa katawan ko.

"What is wrong with you?!" galit na tugon niya.

"What the hell is happening here! Oh, my god!" ang mommy ni Russel.

Natawa na si Russel at nanlisik na ang mga mata ko sa kanya. Kung hindi ako hawak ni daddy ngayon ay tiyak mapapatay ko na talaga siya.

"You will pay for this!" sigaw ng Mommy ni Russel sa akin.

Umalis na sila at kinaladkad na ako ni Daddy pabalik sa bahay. Pilit na nilinis ni Mommy ang mukha ko at panay ang iyak nito.

"I don't know what to do with you, Lachie! Ililipat kita sa Cebu at doon ka mag-aral!"

"Franco!" si Mommy kay Daddy.

"Hindi kasalanan ng anak mo! Kung hindi ginugulo ni Russel sila ni Faith. Hindi mangayayari ito."

Everything After ✅Where stories live. Discover now