29. Come again

2.9K 123 3
                                    



"Susunod ako, Faith," si Paul sa kabilang linya.

"I miss you, Daddy Paul!" pasigaw ni Ethan sa kanya.

Naka-loud speaker kasi ito at rinig na rinig niya kaming dalawa ni Ethan ngayon. We're sitting in the Business Class departure area. Katabi ni Ethan ang Yaya niya at pinapakain ito. Samantalang abala naman ang mga kamay ko sa laptop, kaya naka-loud speaker na si Paul.

"I miss you too, baby. . . Are you being good to Mommy?" tanong ni Paul sa bata.

"Yes, Daddy. . . I am so behave!" gigil na tawa niya Ethan.

"Eat your food properly, Ethan," suway ko.

Abala kasi si Yaya sa paghawak ng kutsara at naghihintay kay Ethan na tangapin ito. Nakaupo naman ang isa pang yaya na kasama namin. Dalawa ang isinama ko, dahil alam kong kailangan ni Ethan ng dalawang yaya talaga.

"Mommy, why don't you eat too! Kanina ka pa sa laptop mo!"

Nanlaki ang mga mata ko at natawa na si Paul sa kabilang linya. Uminit ang tainga ko sa inis.

"Since when did you start learning tagalog? Yaya!?" Taas kilay kong titig sa kanilang dalawa.

Pinagbawalan ko kasi na matutu si Ethan ng tagalog. And now he's speaking tagalog. I can't believe this!

"Ma'am hindi po ako. . ." takot na tugon ni Yaya sa akin at napailing lang din ang isa pa.

"Babe it's me. . ." si Paul sa kabilang linya.

Napako na ang paningin ko sa cellphone. Hindi ko tuloy alam kong maiinis ba ako, o babatukan ko ang cellphone sa harap ko. Natawa na si Ethan na puno ng kanin ang bibig.

"The look on Mommy's face Daddy. You should have seen this!" si Ethan kay Paul.

"Why, baby? Is Mommy's face frowning?" kantyaw ni Paul sa kabilang linya.

Pinaikot ko na ang mga mata ko. Ang dalawang ito talaga. Ewan ko ba!

"Paul! How many times I've told you. I don't want Ethan to learn this language," inis na tugon ko.

"Yes, yes, I know. . . But Babe, he's clever and-"

"And I pushed Daddy's limits, Mom. . . Kaya huwag ka ng magalit kay Daddy, please, and by the way Daddy we will visit my Daddy's grave too. So hurry up Daddy Paul so that you can come with us too!" pasigaw ni Ethan sa kanya sa cellphone.

Natahimik na ako at rinig ko lang din ang pagtikhim ni Paul sa kabilang linya. Natahimik din siya.

"Ahm, okay baby. I'll do my best. In two weeks or three, I'll be with you, okay," si Paul sa kabilang linya.

"Okay, Dad!"

Tumayo na si Ethan at patakbong kumuha nang orang juice na nasa dining food area. Agad naman napatakbo ang isang yaya para sundan siya. Tumayo na rin ang isa pang yaya, at agad lang din na nahinto ang mundo ko nang makita ang dalawang pamilyar na lalaki rito.

"Did Dad send his bodyguards here?" kunot-noo ko.

"I've sent them, Faith," si Paul ulit.

"But why? You know I hate body guards, Paul! Ayaw ko, at may mga body guards naman dito. Hindi ko na kailangan."

"Babe, I'm just worried. . ." sa mababang boses niya.

"No, take them out now, Paul! Or else makikipaghiwalay ako sa'yo!" pagbibiro ko at natawa lang din siya.

"Hindi talaga ako mananalo sa'yo, babe," sa mahinang tawa niya.

"Please, Paul. . . Ayaw ko ng may bantay. You know what I've been through right?" lambing na tugon ko.

"Oo, alam ko. Hanggang airport lang naman sila. Ipapauwi ko na. . . Promise."

Napangiti na ako. Alam kong hindi mananalo si Paul sa akin. He's very considerate when it comes to my own feelings. He's making sure that everything works well with me. This is what I love about him. He's so responsible in everything. Siya na ang tumatayong Ama kay Ethan.

"I love you, babe. . . "

"And I love you too, babe. You take care, okay and I'll see you soon," siglang tugon ko.

"I will, at susunod ako."

Natapos na ang tawag niya at napansin ko agad ang guwardya na ibinilin niya. Sumenyas ito sa akin at tinawag ang dalawang kasama niya. Umalis na din sila.

"Faith!" si Anna Lyse, ang flight attendant namin ngayon.

"Oh my god, I've missed you!" Yakap namin sa isa't-isa.

"Sinadya ko talaga ang booking na ito dahil alam kong ikaw ang isa sa mga crew."

"Oo, Paloma told me. My goodness! Look at you? Hindi halata na may Ethan ka na. Still looks so young and so beautiful, friend!" lawak na ngiti niya.

"Of course! Kanino pa ba ako magmamana ng ganda! Nasa lahi natin 'to 'di ba?" malakas na tawa ko.

Siya lang 'ata ang nagpapaalala sa akin ng kabataan ko. Wala rin nagbago sa hitsura niya. She looks so gorgeous as well.

"How's everyone? May balita ka ba sa kanila?"

Nagkibit balikat ako sa tanong niya. As far as I know I have no news from anyone at all. And no news means good news. Walang chismis at walang gulo.

"No, I don't know. . . Probably everyone is doing fine? Who knows."

"It's Maya's wedding right?"

"Yes, it is! Hindi nga sana ako sasali but you know. . . I've made her wedding gown with personal delivery," ngiti ko.

"Oh my goodness! Nakalimutan ko. Fashion designer ka din pala! Akala ko kasi boss ka ng mafia," sa lakas na tawa niya.

"Ang baliw mo talaga ah!"

Ganito naman talaga kasi kami. Halos puro biro. We always exchange emails and chat's through messenger. Kaya hindi na bago sa akin ang nagaganap sa buhay niya, at ganoon din sa buhay ko.

"Hi, Tita Lyse!" si Ethan sa kanya.

"Hello, baby!"

Napaupo siya at agad niyakap si Ethan nang mahigpit.

"Ang gwapo mo talaga! Nagmana ka sa Daddy mo!" Pisil ni Anna Lyse sa ilong niya.

I cleared my throat and I know she looked at me with a grin on her face. Nag-peace sign pa siya sa akin ngayon.

"Tita, Have you seen my daddy's face before? Do I really look like him?" seryosong tanong ni Ethan sa kanya.

Tumango agad si Anna Lyse sa anak ko at ngumiti pa.

"Yes, baby. . . Carbon copy ka ng daddy mo," halik ulit ni Anna Lyse sa pisngi ni Ethan.

"Kaya ikaw, huwag mong gagayahin ang ama mong playboy! Maging mabuting anak ka okay!" Turo ni Anna Lyse sa kanya.

"Tita, can you talk slowly in Tagalog, because I'm still learning. . ." si Ethan sa kanya.

Napatakip bibig agad si Anna Lyse at nabigla pa. Napatingala siyang nakatitig sa akin ngayon. Ang buong akala niya siguro ay hindi siya naiintindihan ng anak ko!

"Yes, he can fully understand you. . ." ngiwi ko.

"Tinuruan mo?" Tumayo na siya, at hinawakan ang kamay ng anak ko.

"Hindi ah! Itanong mo kay Paul. Kasalanan niya!"

Natawa na siya at napailing na.

"Hindi mo nga naman makukulong ang usok, Faith." Irap niya at humakbang na papasok sa loob na kasama ang anak ko. Kinabahan na ako. Sana hindi mag krus ang landas namin dalawa. Matagal ko na siyang pinatay sa buhay ko. At sana hindi ko na siya magpakita pa. Masaya na ako, at sana ganoon din siya. . .

Okay, here I go again, Philippines. . . I silently utter.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now