40. Breakfast

2.9K 127 6
                                    



"Here comes Nemo, Mommy! Weeee!"

I giggled and laughed when his Nemo plane landed on my back. Nagbabasa kami ng plane story at heto ngayon nakasakay sa siya sa likurang bahagi ko.

"Oh dear, you're getting heavier, Ethan!"

I rolled over and tickles him so hard and the beautiful giggles he made was like a music in my ears. Halos hindi na nga siya makahinga dahil sa pigil at lakas na tawa, kaya huminto na ako. Hanggang sa kinuha na niya ang flush toy dinosaurs niya at tinapat ito sa mukha ko. Ang lakas pa nang tawa niya at panay iwas sa akin.

"Did I win this time?" I laugh.

The little boy face flushed red and nodded while laughing so hard. Napahiga na ulit ako at agad lang din na yumakap siya sa tagiliran ko.

"I love you, Mom!" He pouted his lips.

"And I love you too!" I kissed him back.

Nahiga na ulit ako pabalik at tumingala sa kisame ng kwarto. I felt happy and complete while playing with him. Parang exercise na rin ito dahil nakakapagod nga naman makipaglaro sa kanya sa umagang ito. Akala ko tapos na kami pero tumalon lang ulit siya sa gilid ng kama at pabagsak na humiga sa tabi ko.

"Here comes dinooo weee!!"

Lapag niya nito sa mukha ko at panay lang din ang tawa. Kumunot na ang noo ko habang pinagmamasdan ito. Ito kasi ang isa sa mga dinosaurs na bigay ni Lachie sa kanya. Binasa kong muli ang nakasulat sa nametag. Hindi ko alam kung nabasa na ba ito ni Ethan. Natawa na ako dahil sa panay na kiliti ni Ethan sa gilid ko.

"Of all the dinosaurs, Mommy. This one is my favourite!" Sabay taas niya nito.

"And why is that, baby? Hmm?" Halik ko sa pisngi niya.

"Because this one is from Dad in heaven, Mom."

Napakurap ako at natahimik na. May kong anong kirot ang gumuhit sa puso ko ngayon.

"Daddy Lach told me that this one is special because it is really from Dad in heaven. . . Like for real!" sa lawak na ngiti ni Ethan sa akin.

I nodded and smiled. "At ba't daddy pa rin ang tawag mo sa kanya? Ang dami na nila," sa tipid na ngiti ko.

Inisip ko kasi mas madali na huwag niyang tawagin si Lachie sa pangalan na ganito. Aalis din naman kami pagkatpos ng project na pinahawan sa akin ni Daddy.

What's the point of addressing him as his Dad? I have no plan in telling him that Lachie is actually the real one. Tama na sa akin na si Paul ang tawagin at kilalanin niyang ama.

"You have Daddy Paul and Daddy in heaven, ang gulo na 'di ba? Ang dami na nila," sabay haplos ko sa buhok niya.

Napakurap na siya at nag-isip habang nakatitig sa akin. Panay lang din ang titig niya sa dinosaur na nasa kamay niya ngayon.

"Hindi ba pwedeng Daddy and itawag ko kay Tito Lachie, Mommy?" sa lambing na boses niya.

Napailing na ako at bahagyang ngumiti na. Mas niyakap ko na lang ang anak ko nang husto. I know I am depriving his right to know who really is his father. Ayaw kong maguluhan pa ang utak niya. Kaya hangga't maari ay maging simpli na lang din ang lahat sa kanya.

"You can call him dad when playing dinosaurs. But after that you call him by his name or tito and I'm okay with that," sa buntonghininga ko. Nawala ang ngiti sa labi niya at tumitig lang din nang husto sa dinosaur na hawak. Mukhang nag iisip siya at yumakap lang din sa akin ngayon.

Everything After ✅Where stories live. Discover now