32. Encounter

3K 136 9
                                    



"Ethan! Ethan!!"

Napatingin pa tuloy ang iilang bata na nasa gilid na naglalaro sa alon ng dagat. Sa bawat tawag ko sa anak ko ay parang mas bumibigat ang puso ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya. Pakiramdam ko ang tanga kong ina.

"May nakita ba kayong bata na mestiso at ganito ka taas?"

"Wala po, Ma'am," sagot ng isa sa kanila.

"Mestiso po ba? Iyon 'ata iyong kanina tumatakbo papunta roon!" Sabay turo nang batang babae.

"Salamat, hija."

Mabilis ang hakbang ko. Hindi ko alam kong saang band pero pakiramdam ko hindi pa nalalayo si Ethan ngayon. Naghiwalay kaming tatlo. Si Yaya Neyah ay sa kabilang banda at Yaya Fe ay sa kabila rin. I just need to find Ethan before it will turn dark or it will be very hard.

Naiisip ko pa lang ang iyak ng anak ko at tawag sa akin ay parang dinurog na ang puso ko ng pinong-pino. Sana nga pala hindi ko na siya sinama rito. Pero mali, dahil alam ko sa sarili ko na pagkakamali ko ito. I felt the regression, the guilt, and I am to be blame.

Anong klaseng ina ba ako sa kanya? Ni, konting oras at panahon ay hindi ko maibigay sa kanya. I hate it! I hate it so much!

Nahinto ako at nilingon ang likod ko. Ang layo na ng nilakad ko. Impossible naman na aabot si Ethan ng ganito ka layo ngayon. Napalingon ako sa kinang ng dagat. Kumikinang na ito dahil papalubog na ang araw. Naging kulay dalandan na ang kahabaan patungo sa pagtatakip-silim ng araw.

Ethan! I deeply sighed and breathed in and out. Namuo na ang luha sa mga mata ko.

"Ethan!"

Makailang ulit kong tinawag ang pangalan niya at pilit na pinigilan ang luha sa mga mata. Wala ng tao sa bandang ito at tahimik na. Hanggang sa marinig ko ang munting halakhak ng anak ko, at nakikitang naglalaro siya sa alon. He's jumping on the little waves with someone.

"Ethan!!"

"Mommy!"

Tumakbo agad siya sa akin at napatakbo na ako para salubungin siya. I kneeled down to hug him.

"Mommy! You've found me!" sa higpit nang yakap niya.

Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Nawala ang kaba sa puso ko at napalitan ng pasasalamat ito. Pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa kanya.

"Are you okay, baby?" Haplos ko sa mukha niya at kinapa ko pa ang buong katawan niya. Basang basa siya ng tubig dagat at nakapaa pa siya. Ni wala man lang stinelas ang anak ko.

"I've been looking for you, Ethan! Yaya and everyone is looking for you, anak. My goodness!" yakap ko ulit sa kanya.

"I've missed you, Mommy. We were only playing hide and seek. Was I so good Mommy? Yaya Neyah and Fe did not find me, but you did! Good job, Mommy!"

Pumatak na ang luha ko habang hinaplos ang mukha niya.

"Don't do this okay. Don't go too far away, baby. Pwede ka namang maglaro ng malapit lang."

"I'm sorry, Mommy. . . Please don't cry," sabay pahid niya sa luha ko.

"I honestly got lost, Mommy. Luckily Tito Engineer found me. . . He was about to drop me back, and we were walking down the waves and crushed our enemies. We were playing dinosaurs, Mommy and It's really fun, Mom!"

"Really?" Sabay haplos ko sa mukha niya at pinatuyo ko na rin ang luha ko.

"Ang lamig ng kamay mo. Let's go back."

Tumayo na ako at tinangal ang suot na blazer at pinalupot ito sa katawang ni Ethan. Naka maxi summer dress ako, at kitang kita na ngayon ang likod ko pababa. Ramdam ko agad ang lamig ng hangin sa balat ko.

"Are you feeling warm and okay?" Sabay ayos ko nito sa kanya at tumango na siya.

"Thank you, Tito Lach! I'll see you again tomorrow. You've promised," ngiti ni Ethan sa kanya.

Umigting na tainga ko sa pangalan na binitawan ng anak ko, kaya agad akong napatingalang napatingin na ako sa kanya. My world stopped when our eyes meet. Iyung inakala mo na hindi mangyayari sa mga sandaling ito ay nangyayari na.

We stared and he twinkle his eyes. Namaywang siyang nakatitig sa akin. The serious look of his face while clenching his jaw is making my heart weak as it pound for more. Mas tumangkad na siya at naging mas matipuno at pormal ang pangangatawan niya. From the young Lachie Henderson is now a man. . .

Napakurap na ako at umiwas agad nang titig sa kanya.

"Let's go, baby. The sun is getting down," sa mahigpit na hawak ko kay Ethan ngayon.

My knees are trembling like I am ready to fall but I have to compose myself. Dahil kung hindi ay mahahalata lang ito ni Lachie ngayon.

"Faith. . ." sa baritonong boses niya.

I swallowed hard when I heard him. Even his voice changed. Naging mas buo ito na lalong nagbigay doble kaba sa puso ko. I looked away while holding Ethan. I don't want to look at him anymore. I feel like my heart will burst in both hate and agony. Nahinto ang hakbang ko nang huminto si Ethan at nilingon ulit siya.

"Tito, Lach. Tomorrow okay?"

"Ethan!" Tugon ko sa kanya at napatingala siya sa akin ngayon.

"Mom. . . He's a friend and I like him. Without him today I would probably be lost. Have you say your thank you, Mom?" sa inosenting titig ng anak ko sa akin.

I swallowed hard, cleared my throat, and twinkled my eyes before looking at Lachie. Makailang ulit pa akong napakurap sa harapan niya. I want to say it quick, but there's a lump in my throat and its blocking my voice. Parang ang hirap bigkasin ng pasasalamat sa harap niya. Huminga na ako nang malalim bago nagsalita.

"Thank you," sa talas na titig ko sa kanya.

Nagtitigan kami at namungay ang mga mata niya. He silently nodded and looked back at Ethan. Pabalik-balik pa ang titig niya sa aming dalawa. Tumikhim na ako at hahakbang na sana siya palapit sa amin, pero tumalikod na ako at agad na inilayo si Ethan sa kanya.

"Thank you, Tito Lach! Let's play again tomorrow!" si Ethan sa kanya.

"Okay. Good night little, bud. . ."

Mabilis na ang hakbang ko at mahigpit ang hawak ko kay Ethan ngayon. Namuo na ang luha sa mga mata ko, at nagsimula na ang puot at galit sa puso ko.

I have never imagine that I will encounter him like this. Ang tagal kong pinaghandaan ito at gusto kong taas noo ako sa muli naming pagkikita. I don't want him to know about Ethan at all, but it's too late. Dahil nakita na niya ang bata.


.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now