9. Yes

2.1K 103 6
                                    




Today is our date. Tinapos ko lang ang umagahan ko at nagpaalam ako ng husto kina Lola at Lolo. I never mention anything to Tita Amber. Medyo mahigpit kasi si Tita pagdating sa aming mga babae. And I bet she already notice that Lachlan is amongst the team. Hindi na siya magdududa pa. Kami lang din magpi-pinsan ang nakakaalam sa kasunduan nila.

I came out with Ava and Bria in a small coffee shop in the corner. Dito rin ang usapan namin ni Lachie.

Nang matapos na sina Ava at Bria ay umalis na din sila. Naiwan na ako, pero dumating din naman si Lachie pagkaraan ng iilang segundo.

He looked so cool when I saw him enter the room. Most of the girls were staring at him. He came walking towards me with his dashing smile, holding a bouquet in his hand.

"Hi, for you. Kanina ka pa ba?"

"Hindi, bago lang din. Kaalis lang din nila ni Bria at Ava."

Umupo na siya at tinitigan ang menu na nasa mesa.

"I just had cold coffee. But if you like one, it's okay just don't include me."

He nodded and folded the menu back on the table.

"Have you tried all the food delicacies here?"

I shook my head. Wala pa naman talaga akong natitikman na ibang pagkain dito. Maliban nga lang sa luto ni Auntie Bebe na banana que at kamote. Minsan naman nagluluto sila ng bibingka at suman.

"Yes, I've tried some. Pero ang luto lang din ni Auntie Bebe at Yaya," ngiti ko sa kanya.

"Do you want to walk around the Island? And if it's okay with you we can try the other foods there. Marami naman sa kanto at masasarap, mura lang din," sa lawak na ngiti niya.

"Sige," tango ko sabay tayo na.

It was awkward at first. Ang tahimik kasi naming dalawa hanggang sa nagkwento na ako at nagsimula na ang pagiging daldadera ko sa kanya.

I kept telling him the difference between the stuff here and in Italy. Pero kahit papaano ay may pagkakapareho din naman ang bawat cultura ng dalawang bansa.

"Have you tried chicken feet? Adidas?"

Kumunot ang noo kong nakatingin  sa inihaw na paa ng manok at bituka. Napalunok na ako. Bria and Ava doesn't even eat this kind of stuff. While Maya and the boys are okay with it. I've seen them eating this last time. At mukhang hindi naman masama ang lasa.

"H-hind pa." Sabay iling ko.

"Try mo," maingat na hawak niya sa braso ko.


Um-order siya ng tatlong adidas at bituka. Sinamahan pa niya ng ulo ng manok at betamax. Napangiwi na ako. Parang gusto ko pa 'atang kainin ang fish ball sa gilid at ang tempura kaysa sa mga binili niya.

"Tempura at fish ball din po," tugon niya sa tindero.

Mabuti na lang at nabasa niya agad ang iniisip ko.  Dahil kapag wala akong magustuhan sa ipapatikim niya, at least may makakain ako mamaya.

Nang maluto na ito ay nilagay na lahat sa plastic na plato. Bumili rin siya soft drinks at nilagay ito sa plastic ng tindera at binigay sa kanya. Siya na ang humawak ng lahat at inabot lang din sa akin ang soft drinks na para sa akin talaga.

"Let's walk around while eating this," excited na tugon niya.

"Okay..."

We walk around the side of the beach. Low tide na at mas maganda maglakad na nababasa ang mga paa sa tubig dagat. Nakastinelas lang ako. Mas gusto ko ang ganito dahil nararamdaman ko ang malamig na tubig dagat.

Everything After ✅Where stories live. Discover now