Everything After

5.3K 210 41
                                    





"Ayusin mo ng mabuti sa gilid," tugon ko sa wedding designer ko.

Napatingin ako sa salamin at halata na talaga ang tiyan ko. Hindi ko na maitatago ito. Isinuot na niya sa akin ang petticoat at kasunod ang damit ko ngayon. Lumawak ang ngiti ko sa labi. Ang cute ko. I look so--

"You look so beautiful, Faith!" si Hope.

Nilagay agad niya sa gilid ang bulaklak. Nilingon ko muna ito bago tinitigan ang mukha niya. The colours of the peach, red, and white roses matches my wedding dress too.

"Okay ba?"

"Super! Ang ganda mo nga ang blooming!"

Tumulong na siya sa pag-aayos nito.

"Hindi ka talaga makapaghintay ah," tipid na ngiti niya sa akin habang tinititigan ang mukha ko.

"So, ano ang gender ng bata?" taas kilay niya.

Umikot na ako at ngumiti. I was so excited and with all the precautions I took a CVS test. Gusto ko lang kasing makasigurado na okay ang baby at lahat ng nasa loob ko. Mabuti na lang at kompleto siya at okay ang lahat. Sumeryoso ang mukha niya at natawa na ako. I don't want to tell her, but I guess I left with no choice. Hindi ko talaga matitis ang kakambal ko.

"Kambal ba?" kinang ng mga mata niya.

"No!" sabay iling ko.

"Ibibigay ko na sa'yo ang korona ng kambal, dahil ayaw ko," sabay ikot ko ulit.

"Ayaw ko rin ng kambal. Ibigay na lang natin kay Ate Fenella," sa malakas na tawa niya. Buntis din kasi si Ate Fenella.

"Come on, Faith!" padabog niya. Natawa na ako. Ang sarap inisin ng kakambal ko.

"Mommy!" si Ethan.

"Yes, baby?" higpit na yakap at halik ko sa kanya.

"Daddy gave this for you."

Napanguso ako at tinangap ito. Isang maliit na puting box. Binuksan ko agad ito. May maliit na note sa ibabaw, kaya ito muna ang una kong nabasa.

Darling Faith,

Remember this? I kept this for years. Thank you for all the wonderful memories my girlfriend and hello my wife. . .

I love you.

P.S. Is it a girl? I can't wait.

Lachie

Napangiti ako nang mamasdan ito. This is the bracelet that I had given him, that night, in the tree house. Pero pina-personalized na niya ito at bawat beads ay yari sa ginto. May letra ang bawat isa, at kasama na ang pangalan namin dito at kay Ethan. Kumunot pa ang noo ko dahil may apat na bakante pa para sa pangalan, kaya tinawagan ko na siya.

Patakbong umikot si Ethan dahil hinahabol siya ni Hope, at lumabas na sa kwarto.

"Hello, darling," malambing na boses niya.

"Are you ready to be tied up with me? Wala ka ng kawala? Umatras ka na habang maaga pa," bahagyang tawa ko at taas kilay pa.

"Kahit pa ipagtabuyan mo ako, Faith. Hinding-hindi ako bibitaw sa'yo."

Lumundang ang kilig sa puso ko at napangiti na akong lalo. Wala ng mapaglalagyan ang saya sa puso ko. Kompleto na ako, kompleto na ito.

This wedding is special. Kahit pa na kami lang pamilya lahat ang nandito. We actually want the wedding to be done in the Philippines. Pero gusto niya muna na mauna kaming magpakasal dito bago sa Pinas. It's only the immediate family that are here. Ang buong pamilya niya at pamilya ko, at kasama na rin ang iilan na pinsan ko.

"Do you like it?"

"I do. Pero bakit may bakanting apat pa? Walang nakasulat eh. Pero okay na rin maganda ang design. Thank you!"

"That four is a reserve. Tatlo na lang pala may nagmamay-ari na sa isa."

"Ha?" nalito pa tuloy ako sa sinabi niya.

"The baby in the tummy. Sa kanya 'yan, at may tatlo pa. So, we need three more kids to complete our family."

Natawa na ako. After all, it was all for the initial name of our family members. Nakakaloka talaga ang utak ni Lachie. It's the same with Ethan, they've got the same thinking. I shook my head while caressing my tummy.

"Is it a girl?" malambing na tanong niya.

"Hmm, secret. Hindi puwede."

He groaned in the line and I laugh.

"I'm coming there. . ."

"Hoy! Hindi puwede-"

I am about to say more but the line went dead. Pinatay na niya ang tawag at napailing lang akong lalo. I turn around and looked at myself in the mirror again. Isunuot ko na rin ang bracelet na bigay niya. It's like a pandora type, pero kulay ginto nga lang ang lahat.

"Darling, Faith," agad na yakap niya sa likurang bahagi ko. Humarap na ako sa kanya at yumakap lang din sa leeg niya.

"Hindi ka talaga makakapaghintay ano?" taas kilay ko.

I looked at him and he looks - perfect! He's wearing a full white tuxedo. Gusto ko kasi na puti lahat kaya nakikibagay na siya sa gusto ko.

"No, I can't. I just cant wait," dampi ng halik niya sa ilong ko.

We stared at each other with our smiles and then he kissed me again. His kiss was never boring at all. It is never boring, and it will never fade. It's always sweet like it's always the first time for us.

"I love you. . ." mahinang bulong niya.

"I love you too," dampi ko nang halik sa labi niya.

"Ang by the way it's a girl. So prepare for trouble," bahagyang tawa ko sa kanya.

Imbes na humalik siya ay napaluhod na siya sa harap ko at pumailalim na sa petikot ko.

"Lachie! What the - "

Ramdan ko lang ang kiliti niya sa hita ko at ang gapang ng kamay niya patungo sa tiyan ko. He kissed my tummy and hugged me inside. Nakakaloka at nakikiliti ako. Kaya panay ang tawa ko ngayon.

"Daddy, what are doing?"

Ang boses ni Ethan ang nagpataranta sa aming dalawa, at agad lang din na napatayo ang Ama niya. Humalakhak na ako ng tawa. Hindi ko nakayanan kaya wala na akong masabi maliban nga lang sa tawa ko ngayon.

"Your dad is fixing mom's petticoat, Ethan," agad na tugon ni Hope. Sumenyas pa siya at itinaas ang kilay niya sa aming dalawa ni Lachie.

Umayos nang tindig si Lachie at namula lang din ang mukha niya.

"Come on, bud, let's go!" Karga niya nito at humakbang palabas ng kwarto. Pero bago paman niya isinara ito ay ngumuso muna siya nang halik sa akin at ganoon din ako.

I took a deep breath and smile while Hope shook her head.

"Ang baliw ninyo talaga ano?" ngiti niya at pumasok na ng banyo.

Nilingon kong muli ang sarili ko sa salamin. I am happy and contented now. I saw the seventeen-year-old Faith in me. She was once in love, broken, and devastated. But life is full of surprises. Hindi matatapos ang ikot ng buhay mo habang nabubuhay ka pa sa mundo. So, learn to forgive and to forget. If you were once broken don't lose hope because, in life, a broken heart can remain unbroken too, and whatever troubles that life has given us, at the end of the line, after everything after our love always survive. 


THE END


- Faith and Lachie -

Everything After ✅Where stories live. Discover now