23. War

2.2K 96 12
                                    


Kinabahan akong nakakulong sa kwarto na kasama si Bria. Everyone was quiet until we heard a car outside. Lumingon na kami sa bintana at nakitang paramedics ito. Kasabay rin na nahinto ang sasakyan ng ina ni Russel, at mabilis ang paglabas nito sa sasakyan niya.

I really want to know what happened but I can't get out. Bilin ni Auntie Bebe na wala ni isang lalabas sa aming mga babae. Pabalik-balik ang tingin ko sa bintana. Hindi ko nakita ang pag-alis ni Lachie, pero sabi ni Auntie Bebe ay umalis na ito, at naiwan si Russel ngayon.

Pagkaraan nang dalawang oras ay umalis na ang Paramedic at naiwan pa ang sasakyan ng ina ni Russel. Maingat na bumaba kaming dalawa ni Bria. Nagkukunwari kaming uhaw at kukuha ng tubig habang nagtatago sa gilid. Tahimik na nga naman ang kusina, at mukhang okay na ang lahat.

"I want to file a complaint," ang boses ng ina ni Russel.

"Mom, I don't want. Hayaan mo na kami, pwede ba!" ang boses ni Russel.

"How can you say that, son? Look at your face? Babalik ka na sa University next week and look? Hindi agad maghihilum ang sugat mo? Mas mabuting turaan ng leksyon ang anak ni Franko!" tigas na boses ng ina ni Russel.

Tumayo na agad si Russel at umalis na.

"Russel!"

At sumunod na ang ina niya sa kanya. Naiwan sina Tita Amber at Tito Jaime sa lamesa. Nagtitigan pa silang dalawa. Bakas ang galit sa mukha ni Tita.

"Hon, ang mga bata... They're just teenagers and they-"

"I don't want to hear it, Jaime!" Sabay tayo ni Tita at iniwan na si Tito. Pero sumunod din si Tito sa kanya.

Huminga ako nang malalim, dahil abot-abot ang kaba sa dibdib ko ngayon. I walk towards the kitchen to grab a drink and Bria followed me. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Lachie. Kahit papaano ay nag aaalala rin naman ako. Pero unattended ang phone niya. Halatang pinatay niya ito.

I tried ringing a handful of times until it was midnight, and still the same it was unattended.

THE next day Tito Jaime left early and so are the others. Naiwan ako sa bahay at pati na ang mga katulong. Nag aalala ako kay Lachie kaya panay ang tawag ko, pero ganoon padin ito, unattended padin.

Then I've heard someone's outside. Nilingon ko agad kung sino ang bisita ni Tita Amber dahil siya na mismo ang sumalubong nito. I seen a man probably the same age as Tito Jaime. He's tall and manly with a decent posture. Nang pinagmasdan kong mabuti ang sasakyan at ang plate number nito ay kinabahan na ako. It's Lachie's dad... It's Franco Henderson.

Maingat akong bumaba para sana makinig man lang. Nasa pintuan lang sila ni Tita Amber, dahil hindi niya pinapasok ito.

"Please, Amber. I'm begging you... Para sa anak ko. Huwag niyo naman sanang sirain ang buhay niya," mababang boses ng Ama ni Lachie kay Tita.

"And what about Russel? It happened here at home, Frank. And I have to state it. Kasalanan ng anak mo!"

"Russel and Lachie wanted to forget it. I promise to keep my son away from everyone. So please, help me out and let's forget everything."

"Ang dali lang sabihin ano? How can you easily say things now, Franco?"

Lumalim ang boses ni Tita Amber sa kanya na parang may pinaghuhugutan ito. Kinabahan na ako.

"Have you forgotten how you ruined mine and left me hanging?"

Napatakip bibig ako. Don't tell me? Tita and Lach's Dad are... No way! Umatras na ako nang bahagya. Ayaw kong makinig sa pinag uusapan nila. Pero nahinto ako nang maalala si Lachie. Ang alam ko pumunta sa precinto sina Tita Amber at ang Ina ni Russel na kasama siya. Pinilit lang din ito para makasuhan si Lachie.

"That's all in the past, Amber. Oo, pinagsisihan ko iyon nang higit pa sa buhay ko ngayon. I choose Lach's Mom after I saw how happy you are with Jaime. Ang mga panahon na gusto kitang balikan at kunin sa kanya ay hindi ko na magawa. I am sorry. I know I inflicted so much on you, Amber... Pero huwag naman sana nating idamay ang mga bata."

"My son is in-love, at nakikita ko ang sarili ko sa kanya. I don't want his name taunted with all of this just because of my own mistake. Please, Amber..."

Matigas ang mukha ni Tita pero biglang nagbago ito. She still looks hurt, but in the end she smile at him.

"Sana pinaglaban mo ako noon, Franco... But that's all in past. Masaya ka na at masaya na rin ako," sa pait na ngiti ni Tita.

"Kahit na ipinaglaban kita noon, Amber. Hindi pa rin magiging tayo..." basag na boses ni Tito Franco sa kanya.

I stood in shock while listening to them. Then Tita Amber smirked and laugh a bit before she take her step backwards and shut the door. Umatras na ako at mas nagtago na sa gilid. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko ngayon. I want to move but my body numb as it solidify inside me.

Iilang minuto rin akong wala sa sarili bago umakyat at nakita si Tita sa balkonahe. She's talking on the phone with someone.

"Valeen pabayaan na natin ang mga bata. Let's withdraw the case... I don't want to hurt them both. Ilayo mo na lang muna si Russel. I know things will be okay soon..."

"No, I know, Val. This war is long overdue and I've grown tired from it. Hindi ko na napansin na may iba na akong prioridad ngayon, at ito ang mga anak ko at si Jaime. Thank you again."

Namilog ang mga mata ko nang humarap si Tita sa akin. Binaba na niya ang tawag dahil tapos na din naman sila mag usap. She seriously stared at me and smile.

"Hindi ka sumama kina Bria? Bakit?"

"E, kasi, Tita..." tulala kong tugon sa kanya.

Gumuhit lang din ang ngiti sa labi niya.

"It's okay, Faith. You can have your rest. May pagkain sa baba, nagpaluto ako. Kumain ka okay." Sabay ayos niya sa buhok ko, at tumango ako sa kanya.

"Look at you... This beauty will break many hearts," ngiti niya habang mas inayos ang buhok ko.

I smile at her with a heavy heart. Tita Amber's words remind me of what Mom and Dad told me. I miss them, I miss them so much...

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon