16. Steve Del Capio

2.1K 95 3
                                    



Naging tahimik ang tatlong araw ko na wala si Lachie. They're all in Manila, him and the group. Litrato lang din ang nakikita namin ni Bria at Ava na padala ni Riley. He break the news to us that they will play in the wide Arena as a back-up ground support of a famous band. Kaya ang dapat sanang isang linggo ay magiging dalawang linggo sa kanila.

Panay lang din ang chat namin ni Lachie sa messenger tuwing umaga at gabi.

[How's the stage play?"]

[Yeah, all good, love. Nakakapagod lang din. Pero matatapos na din."]

Nag uusap kami ngayon sa messenger at panay message lang dahil maaga pa. We likely do video chat before we go to bed. Pero kapag sa umaga ay mensahi lang, dahil abala na rin siya.

[How's the weather there?"]

[Maulan... Pero okay naman. Diyaan? Kumakain ka ba ng maayos?"]

[Sunny here and all good. I've missed you and miss you more..."] Flying kiss emoticon niya.

[I miss you too... I can't wait to see you in person."] smiley emoticon ko.

[Same here, Love... I can't wait to hug you."] Evil emoticon niya at may katabing puso pa.

Natawa na ako. Ano kaya ang iniisip niya. Ang baliw lang rin!

[What are you having for breakfast?]

I've changed the topic. Namula na rin kasi ang mukha ko ngayon.

[I'm waiting for Tadeo and Riley. Sabay na kaming sa baba.]

Napatingin agad ako sa relo ko. Alas syete y medya na. Tulong pa ba ang dalawa?

[Kumain ka ng marami okay.] kiss emoticon ko ulit.

[You take care, Love. Bye for now.]

[Okay, Love. I love you.] Flying kiss emoticon niya.

Ang katok agad ni Ava ang mas nagpakaba sa akin. Ngayon kasi ang dating ni Tita at Tito Amber galing sa kabilang Isla. Natagalan sila dahil sa negosasyon sa bagong investor sa negosyo. Mom told me about it last night. It's an old friend of them. Kaya medyo excited si Mommy na makita silang muli. Mag vi-video call kami mamaya, kasama sina Tita Amber.

"Nandiyaan na ba Mommy at Daddy mo?" mabilis na ayos ko.

"Wala pa."

"Akala ko tuloy!" buntonghininga ko.

"No, I came here because of this!" Sabay pakita niya sa cellphone.

Tiningnan ko na ito. Video ito ng tugtug nila ni Tadeo at Riley kagabi. Napangiti ako nang makita si Lachie sa center stage na kasama nila. Pero nawala ang ngiti ko ng marinig ang kabuuang inggay sa plaigid. Lahat ng babae ay ang pangalan niya ang sinisigaw. Naloka na!

"See? Ang sikat na nila! Lalong lalo na si Lachie. Heartthrob nga naman!" lawak na ngiti niya.

"At dahil dito matatagalan pa sila. My God! Kung makikita 'to ni Mommy magwawala iyon! Ayaw na ayaw pa naman niya ng ganito kina kuya, dahil gusto ni Mommy na magtapos sila."

Tumango na ako. Tama nga naman si Tita. Kinuha ko ulit ang cellphone niya at pinanood kong muli ang video. I shook my head. I'll be having a lot of fan girl competitors. Halata naman kasi na si Lachie talaga ang nagdala ng kinang sa grupo.

Kumatok na si Yaya at sumilip sa amin.

"Nasa baba na ang mga magulang mo, Ava."

"Oh my! Okay, susunod na kami, Yaya."

Mabilis kong inayos ang sarili at ganoon din siya. Maingat pa kaming bumaba dalawa. Hanggang sa nakita ko na kung sino ang mga kasama nila. Lumapit agad si Ava kina Tito Jamie at Tita Amber. Humalik na siya at ngumiti na ako.

"Remember Venette, James?" si Tita Amber.

"This is Faith. Venette's daughter. She's the eldest of the twins," pagpapakilala ni Tita Amber sa akin sa dalawang tao dito na kasing edad din nila.

"Talaga? Ang ganda niya. She's definitely the carbon copy of Venette," ngiti ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad na rin ni Tita Amber.

"Alam mo ba Faith na naglalaro pa kayo noon ni Steve noong mga tatlong taong gulang pa lang kayo?"

Kumunot na ang noo ko. Wala kasi akong maalala na may kalaro akong Steve. The fact that I was only three years old at that time. I can't remember at all.

"Hindi niya iyon maalala, James," tugon ng asawa niya.

"Oo nga pala." Tawa niya at tawa nila.

Nagkwentuhan pa sila at pasimpli naman kaming umalis ni Ava. Mabilis kaming humakbang patungo sa harden sa labas. Abala ang lahat sa set up at maganda ang tanawin sa paglubog ng araw. Sabay naman na umilaw ang mga ilaw sa paligid dito. Nagsihanda ang mga staff sa food catering at lumapit na ako para kumuha ng cupcake sa gilid.

Tinitigan ko lang sa 'di kalayuan sina Bria at Ava. Isang grupo sila na may kasamang mga kaibigan na babae. Tagarito rin ang mga ito. Napatingin na ako sa paglubong ng araw. Hindi ko masyadong nakikita ito, pero ang kulay ng langit ang kumuha sa atensyon ko.

"Ang ganda!" sambit ko sabay nguya.

"Oo, ang ganda nga 'di ba?" baritonong boses niya.

Tumikhim na siya at nilingon ko pa. He's the same tall as Lachie and same body built. He's foreign because of his accent. His skin is fair and the brush of his hair is neat. Gwapo at malinis.

"Hi, Faith," he smiled.

I smiled too. Hindi naman ako snob pagdating sa mga bagay na ganito. Nasanay na ako sa Italya. Kaya ngumingiti talaga ako kahit kanino.

"You haven't change at all," sabay turo niya ng labi niya.

"Oh! Sorry," sabay punas ko sa labi ko.

Nagkalat din ang icing sa gilid ng labi ko. Kumunot na ang noo kong tinitigan siya. Wala kasi akong maalala na kilala ko siya.

"Do I know you?"

Hindi rin ako nakatiis at nagtanong na. Umiling na siya at mas ngumiti pa.

"Steve Del Capio." Sabay lahad kamay niya. Tinitigan ko lang ito. Nag iisip kasi ako.

Del Capio...Del Capio... Hanggang sa nanlaki na ang mga mata ko. No way! Is he?

"Are you?" I surprisingly said while covering my mouth.

He nodded and smile again. He even shook his head.

Damn it! How can I forgot him? Hindi talaga! Siya lang naman ang naging kapit bahay namin noon sa Italya. Naalala ko lang noong grade one pa ako at inagawan niya ako ng cupcake, kaya sa pangalawang agaw ay agad na inubos ko ito at nagkalat sa labi ko ang icing. Masyado akong iyakin noon at mas lalo lang niya akong pinapaiiyak ng tudo.

Natawa na ako. Okay, I get it! He's the son of the Del Capio Corporation. They used to be our neighbours but then a year after that they moved back to Greece.

"Kumusta ka na?" ngiti ko sa kanya.

"Okay lang... Ikaw kumusta? Iyakin ka pa rin ba?" pabirong tawa niya.


C.M. LOUDEN/Vbomshell

Everything After ✅Where stories live. Discover now