37. Away

3.1K 143 4
                                    



"Mom. . . I thought we will visit, dad," ang nagmamakaawang boses ni Ethan sa akin.

Abala na ako sa pagligpit ng lahat ng gamit namin ngayon. Inutusan ko na si Yaya at tinawagan ko na ang personal driver ni Kuya sa Makati. I've asked them to get the condo ready as we will be there by late tonight. Sa susunod na araw pa sana ang lipat namin papuntang Makati, pero mukhang hindi ko na kakayanin ito, at kailangan na namin makaalis ng anak ko.

I have called Mom and asked if she could tell Tita Amber if we can request a personal carrier pilot that can fly us back to Manila. Agad naman na tumugon si Tita Amber sa kagustuhan ko. Gusto pa sana niya akong makausap, pero hindi na muna ngayon dahil nagmamadali na ako.

"Mom, why Mom?" si Ethan sa akin at hawak sa palda ko. Panay ang sunod niya sa akin hanggang sa matapos na ako. Nakanguso at hindi maipinta ang lungkot sa mukha niya. Hawak hawak pa niya ang dinosaurs na bigay ni Lachie sa kanya.

"Yaya! Get Ethan ready now."

"Mommy, I don't want to go!" pasigaw niya at tumakbo na palabas ng kwarto.

Huminga na ako ng malalim at inayos na ang sarili ko. I don't know what to say to Ethan, and probably the best thing is to just shut up for myself!

Pagkaraan ng isang oras ay handa na ang lahat at pumasok na si Yaya Neyah sa kwarto ko. Nailabas na ni Yaya Fe at ng driver namin ang lahat ng maleta at gamit namin ngayon. Inayos ko na lang din ang buhok ko at tinali ito, habang nakatayo namang nakatitig si Yaya Neyah sa likod ko. Napakunot-noo na tuloy ako.

"Where's Ethan, Yaya? Handa na ba ang bata?"

"P-Po? A-Akala ko kasi nandito siya sa iyo, Ma'am Faith?"

Napalingon agad ako sa kanya na parang binuhusan ang boung katawan ko ng yelo.

"What do you mean, Yaya? Lumabas si Ethan kanina pa! Akala ko ba- Shit!"

Nagmura na ako at mabilis ang hakbang palabas ng bahay. Tinawag ko pa ang bata, pero halatang wala ito sa paligid ng bahay ngayon. May dalawang security guard sa gilid, pero hindi nila nakita si Ethan dito. Hindi rin nila napansin na lumabas ito.

"Ethan!!" sigaw ko sa labas.

Kinuha ko ang malaking flashlight at hiwa-hiwalay na kami ngayon. Narinig ko na agad ang inggay ng paglapag ng personal helicopter ni Tita Amber sa unahan at mas kinabahan na ako. Triple na ang kaba sa puso ko ngayon, dahil maliban sa gabi na ay baka sa dagat na nagtungo ang anak ko.

"Ethan where are you?"

Sa bawat hakbang ko ay puno ng pag-aalala na parang mababaliw na naman ako ngayon. Ilang beses na bang nangyari ito? Why can't I understand my son's feelings? Ano bang mali sa akin? Hindi ko alam. . . Nadadala na ako sa bawat emosyon at nakalimutan ko na ang damdamin ng bata.

Madilim na ang boung paligid at walang buwan sa gabing ito. Kaya ang ilaw lang din ng mga bahay na nasa gilid ng dagat ang nagbibigay gabay liwanag sa baybayin ng dagat. Hanggang sa naalala ko kung saang banda ko unang nakita si Ethan. Kaya mas binilisan ko na ang hakbang ko.

He's probably near where his dad is. I am sure he is there.

Nang makarating ako rito at tinanaw ang malaking puno ay wala akong ingay na narinig sa paligid. Kaya tinawag ko na siya.

"Ethan! Ethan!"

Pero wala pa rin. Kaya mas lumapit na ako at pumasok na sa loob ng bakuran nila. Tumingala ako sa kabuuang bahay nila, at malaki na nga ang pinagbago nito. Mas pinalaki at mas gumanda na ang lahat ng nandito. Maliwanag ang buong paligid at tahimik. May iilang cottage at mala modern style na desenyo na ginaya sa paris ang pagkakagawa. Ang dating maliit na pool sa unahan ay lumaki na rin.

Everything After ✅Where stories live. Discover now