10. Falling

2.1K 104 4
                                    




Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya. E, halos araw-araw ang bigay ng bulaklak niya.
He always visit for a practice, kasi nga may invitation sila sa Maynila sa mga susunod na buwan. They'll play in a  famous bar together with the other bands, and after that everything will go back to normal. Balik eskwela na ang lahat.

Niyaya pa niya ako ngayon. Nasanay na ang mga pinsan ko na kami ang magkasama palagi, kaya okay lang din sa kanila.

"Saan ba tayo?"

"Sa bandang dulo."

"Di ba doon din ang bahay ninyo?"

"Oo, curios kasi si Mommy sa'yo kaya ipapakilala kita."

I smile at him but honestly I'm nervous. Kinakabahan ako. Wala pa kasing lalaki na ipinakilala ako sa Mommy nila.

"Pinakilala mo rin ba sina Ava at Bria?"

Napangiti na siya at umiling na. Naglalakad kami ngayon at maingat na tinatahak ng mga paa ko ang puting buhangin dito.

"Iba ka naman kasi," ngiti ulit niya na mukhang nahihiya pa.

"Ba't iba? Ako pa lang ba ang ipapakilala mo sa Mommy mo?"

"Parang ganoon na nga."

"Naku! Nakakahiya! Bukas na lang kaya?"

Huminto na ako at nahinto agad siya at nilingon na ako.

"Madali lang 'to. Mabait si Mommy ko."

Lumapit na siya at maingat na hinawakan ang braso ko. Humakbang na ako kasabay niya.

"Nasa bahay rin ba ang Daddy mo? Nakakahiya wala man lang akong dala para sa Mommy mo."

"No need for that, Faith. Ikaw lang ay okay na, at wala si Daddy nasa Maynila, busy."

Natahimik na ako at sumunod na lang din sa gusto niya. Parang nabalot ng hiya ang buong katawan ko nang makarating kami sa bahay nila. Tinanaw ko pa 'to. Tatlong palapag na yari sa kahoy. Mala vacation house ang bahay nila rito. Malaki ang bahay, pero mas malaki ang bahay ni Tita Amber ko.

Katabi ng bahay nila ang isang resort. The Henderson Beach Resort. Malaki at malawak at marami ang cottages na nandito. May pool pa ito sa gitnang bahagi. So, this is the family business that the family owned.

Naghintay na ako sa gilid na bahagi ng pool. Mas gusto ko rito dahil presko ang hangin at wala pang masyadong tao sa paligid. Pumasok siya sa loob ng bahay nila at nagpaiwan lang din ako rito.

Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid. Tama nga ang sinabi ni Bria. Medyo mahina ang negosyo nila ngayon at makikita mo na marami ng cottages na dapat ipayos. Nagiging luma na kasi ito.

Natanaw ko ang paglabas ng Ina niya na nakangiti sa akin. May bitbit pa siyang pagkain at bitbit naman ni Lachie ang inomin. Tumayo na ako at ngumiti sa kanila. Nahiya pa tuloy ako ngayon.

"Magandang hapon po," bigay galang ko.

"Hello, hija. So, this is Faith? How pretty," ang Ina ni Lachie sa akin.

Malinis ang pananalita niya. Halatang galing sa marangyang pamilya nang Mommy ni Lachie. Nilapag niya ang pagkain sa maliit na mesa rito.

"Sit down, Faith, and have some snacks," ngiti niya.

"Thank you, po."

"Oh, I never thought that you'll be this pretty face, Faith. Kaya pala..." Sabay tingin niya kay Lachie ngayon at ngumiti na ako.

"Mom..." sa tipid na ngiti ni Lachie sa ina.

"I know, I get it." Sabay kindat ng Mama niya sa kanya.

Naupo na si Lachie sa tabi ko habang inihahanda ng Ina niya ang pagkain. Siya pa mismo ang naglagay sa plato ko nito.

"Have a taste of this, hija. Ako ang gumawa nito," lawak na ngiti niya.

"Talaga po, Tita? I love biscotti," sabay tikim ko.

"Nang sinabi sa akin ni Lachie na ito ang paborito mo, nagluto ako. Mahilig din kasi ang Ama niya rito."

"Ang galing niyo naman po gumawa nito. Masarap po!"

It honestly tastes good. Lachie's Mom is a good cook.

"My Mom loves this too, Tita."

"Really? What does your Mom does, Faith?" tanong ng Ina niya.

"Managing our business po," simpling tugon ko.

"Oh! Really? What sort? Magkakasundo 'ata kami," ngiti ng Mommy niya at naupo na ito sa harap naming dalawa.

"The BIC po," tipid na ngiti ko sabay subo nang pagkain.

Nahinto ang Mommy niya at nakatitig lang din kay Lachie. Halatang walang alam si Lachie sa nais na ipahiwatig ng Mommy niya.

"You mean the Benevente Inc. Corp. In Italy, hija?"

"Opo, Tita."

Tumango na siya at napatitig lang din kay Lachie ngayon.

"Why, Mom? Do you perhaps know them? Kung hindi mo naitatanong, Faith. Nag trabaho noon si Mommy sa Italy, at doon niya nakilala si Daddy. Di ba Mom?" si Lachie sa Mommy niya.

"Talaga ho, Tita?" ngiti ko.

Tumango na siya at tipid lang din na ngumiti. Tumayo na agad siya at nagpaalam sa amin.

"Marami pa akong tatapusin sa loob. Lachie ikaw ng bahala kay Faith. Have fun, hija Faith and nice meeting you again," ngiti niya.

"Thanks, Tita."

Natahimik na kami habang pinagmasdana ng pagtalikod ng Ina niya palayo sa amin. Hindi ko tuloy napansin kung ilang biscotti na ang naubos ko. Ang sarap naman kasi ng pagkakagawa ng Mommy niya nito.

"Nagustuhan mo. Magpapabalot ako. Marami pa sa loob."

"Naku huwag na! Nakakahiya sa Mommy mo."

"That's fine... May gagawin ka ba sa katapusan?" Sabay bigay niya sa aking ng inomin.

"Wala, bakit?"

"Is it okay if I take you somewhere?"

"Where?"

"Basta, secret muna," sabay yuko niya.

Tumango na ako. Wala rin naman akong gagawin, pero ang alam ko pupunta ang lahat sa kabilang Isla. Magpapaalam lang din ako na hindi sasama.

"Okay, I'll free my time for you on that day!"

"Thank you, Faith."

Sumeryoso agad ang mukha niya at parang naiilang na ako.

"F-for what?"

"For giving me a chance. Alam ko marami kang naririnig tungkol sa akin sa ibang tao."

Natawa na ako. "Oo, marami nga. Sabi nila playboy ka raw?"

Napailing na siya at lumitaw lang din ang dimple sa pisngi niya. Hinawi agad ang buhok niya. Tsk, ang gwapo niya talaga. Hay naku Faith! Ang puso ko.

"Hindi ko alam kung ba't nila nasabi iyon. Pero hindi ko naman sinasabay ang mga babae."

"Masyado ka kasing friendly sa mga babae," ngiwi ko.

"Ayaw mo? Okay, from now I won't entertain them."

"What? I didn't say anything."

Pero sa kaloob-looban ko kinilig na ako!

"I'm sincere, Faith... Seryoso ako," sabay titig niya.

Napakurap ako at nag-iwas agad nang titig sa kanya.

"I'm falling, Faith... Whenever I'm with you, my feelings draw deeper than I expected."

"Huh?"

I grab the water and drink it. My heart is beating so much. Nabaliw na naman ang puso ko!

"But I love the feeling, Faith... I love the feeling of falling in love with you," seryosong titig niya.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora