Chapter 1

12.3K 192 0
                                    

NOT GONNA HAPPEN


Steven's

Nakikipaglaban ng sukatan ng tingin si Steven kay Bryce Maverick matapos niyang ilatag dito ang kanyang proposisyon patungkol sa kaso ng ama nitong si Senator Arthuro Gamboa na nasasangkot sa gulo ng mga Vergara at Gonzalez. The two powerful political families in the country.

"I am willing to help you with the information you need, Mr. Lo. But at the same time, I want you to promise... that you, will look after my sister while I'm gone."

Diretsahang pahayag ni Bryce Maverick.
Napaangat ang sulok ng kanyang labi sa sinabi nito.

Bryce doesn't sound like he's asking for a favor but commanding him to do what he just said. And that's to protect his hot model sister Beialeigh ( Be-ya-ley ) Gamboa.

What an arrogant CEO we got here!

He smirked silently. Pretending that he's not affected by the man's attitude.

If not for his goddamn mission, o kung naiiba lang ang sitwasyon ay baka tinutukan na niya ito ng baril sa ulo o kaya naman pinatulog gamit ang kanyang mga kamao. But no. He will not do that. He needs Bryce to accomplish his mission for him at para makabalik na rin siya sa US.

Ilang taon na rin siyang nagpapaka-gago sa pagpapanggap bilang isang TV Host kaya naman kating-kati na rin siyang makaalis ng Pilipinas at tumanggap ng bagong misyon. He's getting bored talking shits in front of the camera and smiling like an idiot to every people slash celebrities while he talks.

Ilang taon din niya pinaghirapan na marating ang pagkakataon na ito upang wakasan na sa wakas ang walang kwentang misyon niya dito sa Pinas. And that is to find a concrete evidence laban sa grupo nina Mr. Wei. Ang numero unong sindikato na nasa kanilang target list for execution.

"Madali lang ang gusto mo, Mr. Gamboa. And, mukhang hindi naman ako maboboring sa pagbabantay sa kapatid--

"Stop right there, you fucktard!" Bryce immediately cut him off.

Natawa naman siya sa inakto nito.

"What a dirty mind you have there, Mr. CEO. Patapusin mo muna kasi ako. You know my job is to save people and not to harm them." May mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi. Gustong-gusto niya kasi talagang inaasar ang taong 'to.

Ang hinding-hindi niya malilimutang pang-aasar na ginawa dito ay noong pinag-away niya ito at si William Alonzo. Because Bryce that time, happened to be deeply in love with William's girl which is Gabbrielle Mendel. Beialeigh's best friend.

"I know what's exactly in your mind right now, Lo. Don't you dare. Don't you dare." May pagbabanta pa sa tinig ng kanyang kausap at masama ang tinging ipinupukol sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa. "Get the fuck out!" Sigaw pa nito na mukhang lalong napikon sa kanyang tawa.

"Trust me, I'll be your bayaw soon, Kuya Bryce." Mapang-asar niya pang dugtong. Sa inis ni Bryce ay binalibag siya nito ng power bank na isasaksak sana sa cellphone nito.

Maagap naman niya iyong nasalo kaya hindi siya nasaktan.

"Not gonna happen, asshole!" Halatang pikon na wika ni Bryce.

Tatawa-tawa pa rin siyang tumayo at tinungo na ang pintuan ng opisina nito. But before heading out, he faced Bryce once again with his serious aura.

"I need the information ASAP. You know what will happen to your father and worst to this..." Ipinaikot niya ang paningin sa kabuuan ng magarbong opisina nito "...to this company or... your businesses rather."

The Secret AgentWhere stories live. Discover now