Chapter 10

15 1 0
                                    

Patty's POV

Kinaumagahan ay nanatili pa din saking isipan ang tanong na yun.

Tuloy ay tulala ako sa dagat habang hawak hawak ang libro ko at kasalukuyang nakaupo sa ilalim ng matayog na puno. Ang araw ay tirik na tirik dahilan kung bakit kumikinang ngayon ang tubig dagat.

Tahimik ang buong paligid habang malamyos ang ihip ng hangin. Tila ang islang ito ay punong-puno ng magagandang tanawin. Dahil hindi lamang ang dagat ang maganda dito kundi ang ilang nakatago'ng tanawin sa loob ng kagubatan at isa na duon ang samahan naming nakatira dito. Hindi magiging maganda ang buong isla kung walang pagmamahal sa bawat isa'ng nakatira dito. Tila ang pagmamahal namin ang bumuhay at nagbigay kulay sa lugar na ito.

Napabuntong hininga ako.

Inaamin kong nakaramdam ako ng lungkot nang mapagtantong iilan lamang ang nalalaman ko kay jovan. Ang gusto ko ay makilala siya ng husto. Nakikita ko ang kaniyang mga tinatagong emosyon ngunit hindi ko alam ang ilang impormasyon tungkol sa kaniya kung kaya't ganito na lamang ako balisa.

Ngunit may karapatan ba ako?

Biglang tanong saking isipan.

Muli akong tumulala sa kawalan habang paulit-ulit sa aking isipan ang tanong na yun.

Hindi pa ba sapat ang dahilan na hinalikan niya ako? Hindi pa ba sapat ang pagkakalapit namin? Alam kong may ibig sabihin yun ng halikan niya ako. Hindi maaaring walang dahilan ang isang to kapag gumawa ito ng isang bagay.

Bakit si isabel? Hinalikan niya si jovan nuon dahil may gusto siya dito ngunit inamin sakin ni jovan na hindi niya ito gusto.

Kung ganun, siya ba'y may pagtingin sakin?

Napahawak ako saking dibdib kung saan nanduon ang aking puso. Ang normal na tibok ng aking puso ay biglang bumilis. Pinakiramdaman ko yun habang inaalala siya.

Walang duda na ako'y nagmamahal sa kaniya. Walang duda na ako'y tuluyan ng nahulog sa kaniya. Sa maiksing panahon ay minahal ko siya. Sa isang tingin ay nahulog na ako sa kaniya.

"What are you doing here?"

Natauhan lamang ako ng marinig ko ang boses nito saking likuran. Dali-dali akong umayos ng upo at inangat ang paningin dito.

Agad kong napansin na kanina pa pala ito nakayuko at nakatitig sakin.

"Nagbabasa."- tipid kong tugon sabay taas sa hawak kong libro na binigay niya nuon.

Tumaas ang isa nitong kilay ng mapagmasdan iyon bago nag angat ng tingin patungo sa payapang dagat.

"Have you decided?"- tanong nito sa malalim na boses.

Muli akong yumuko sa aking libro na malapit ko nang matapos.

"Unti-unting nagugustuhan ko ang kursong arkitekto."- sa pagkakataong yun ay napangiti na ako.

"That's good."- narinig kong tugon nito.

Natulala ako saglit bago napabuntong hininga. Inipon ko ang hangin saking dibdib at huminga ng malalim.

Buong tapang akong tumayo at bahagyang lumapit sa kaniya. Gulat naman itong napatingin sa akin at napaatras.

"What are you doing?"- sa pagkakataong yun ay nakakunot nuo na ito habang nagtataka sa aking naging kilos.

Naningkit ang aking mata atsaka tumikhim. Dinala ko ang aking dalawang kamay saking likuran habang hawak ko pa din ang libro.

"Maaari ko bang malaman ang iyong buong pagkatao?"- mabilis kong tanong habang deretsong nakatitig sa kaniyang mata.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now