Chapter 22

16 0 0
                                    

Patty's POV

"Let's talk patricia."- kausap ni khenner sa akin habang naglalakad kami sa tabing dagat.

Parang narinig naman ni jovan ang sinabi niya dahil agad siyang lumingon sa gawi namin. Nasa harapan sila kasama niya si hydie. Hindi ko alam na sa layo niya sa amin ay maririnig pa niya yun.

"Ayaw mo bang dito na lang tayo mag usap?"- nagtataka kong tanong. Hindi pinansin ang matalim na titig sakin ni jovan.

"Daddy! Let's go! What are you doing?"- narinig ko pa ang naiinis na boses ni hydie na sa pagkaka alam ko ay pilit niyang hinihila ang ama.

At dahil natigil kami ni khenner sa paglalakad ay tumigil din si jovan. Para siyang bodyguard kung umasta.

Kalmadong bumuntong hininga si khenner at sumulyap kay jovan na nanatili ang paningin sa amin. Nakaharap siya sa gawi namin at pormal na nakapamulsa. Parang hindi iniintindi ang salitang 'privacy'.

"I want us alone. I hate seeing that moron's face."- ismid niya at muli akong nilingon.

Marahan akong tumango at sinenyasan si jovan na manatili muna sila duon. Nangunot ang nuo niya at akmang lalapit ng pandilatan ko na siya ng mata. Ang kulit niya talaga. Ibang-iba sa ugaling nakagisnan niya.

Nang makita ang pagbuntong hininga nito ay inakay ko na si khenner sa kung saan. Sumilong kami sa ilalim ng puno kung saan hindi na kami makita ni jovan.

"Did hydie already knew?"- deretso niyang tanong na kinagulat ko.

"A-alam mo na? Kailan pa?"- naguguluhan kong tanong.

Tama nga ang hinala ko. Alam na niya na si hydie ang anak ko samantala si jovan ang nakabuntis sa akin. Pero bakit ngayon niya lamang sinabi sa akin? Bakit hindi agad siya nagtanong sa akin? Bakit sinarili niya?

Umiwas ng tingin si khenner kasabay ng pag ihip ng hangin. Nanatili siyang nakatayo ng maayos habang nasa likuran niya ang dalawang kamay. Tila nagtatalo ang kaniyang isipan kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. Hindi din maipinta ang kaniyang mukha sa hindi malamang dahilan.

"8 years ago."- pag amin niya.

Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya.

Ganun katagal? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"I respected your decision on not telling me about the father of hydie."- panimula niya, nanatili ang paningin sa malayo. "Jovan is my friend so I heard the news that he already had a daughter. News after news, the name of his daughter caught my attention. It's the same as you named your daughter. Plus the fact that you use Santillan as her last name. Everything finally makes sense since the day that I met his daughter."- sa pagkakataong yun ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko duon ang maraming emosyon. Emosyon na hindi ko mapangalanan.

Nasasaktan ba siya?

"She looks like you patricia. When she smiles, she reminded me of you. You both have that angelic face."- bulong niya.

"Khenner..."- sambit ko. "B-bakit hindi mo sinabi sakin?"- nagtataka kong tanong.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kaniya. Siguro ay nakokonsensya ako dahil sa dami ng tulong na binigay niya ay pinagkait ko pa ang katotohanang yun. Magkaibigan kami at magmula sa araw na dineklara ko yun ay pinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi ko siya sasaktan at paglilihiman.

Bagamat tanggap niyang ayoko munang sabihin sa kaniya ang lalakeng nanakit sa akin, alam kong nanduon sa kaniya ang pagtutol.

"I said it before patricia. I respect you so much."- seryosong aniya.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Onde histórias criam vida. Descubra agora