Chapter 3

49 3 0
                                    


Patty's POV

"Diba nakapunta ka na sa malaking bahay?"- tanong ni isabel ng makita niya ako sa labas ng aming tahanan.

Kasalukuyan akong nakaupo habang hawak-hawak ang aking papel at lapis habang nakatanaw sa dagat.

"Oo. Nuong naglinis kami ni aling diday."- tugon ko habang naka angat ang tingin ko sa kaniya.

Nakasuot ito ng maiksing short na kulay pula at puti'ng sando. Ang buhok niya ay malambot at mahaba hanggang bewang. Sa ibaba nito ay kulot. Samantala maputi ito at sakto ang pangangatawan. Sa katunayan nga ay may curves siya kung tawagin. Matangkad din siya gaya ko ngunit mas maganda siya sakin. Pwede siyang maging model at artista kung sakali.

Napatango-tango ang aking pinsan habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Kung ganon nakita mo na ba ang bisita?"- tanong pa niya na para bang sabik na sabik.

Gulat ko siyang tinitigan.

Bakit niya tinatanong?

Napalunok ako.

"Oo."- tipid kong tugon.

"Gwapo ba? Mayaman? Sosyalin? Ano?"- dere-deretsong niyang tanong.

Nangunot saglit ang nuo ko ngunit agad ding nawala. Umiwas ako ng tingin atsaka nilipat yun sa dagat na malakas ang hampas ng alon.

"Gwapo siya."- sagot ko habang inaalala ang kaniyang mukha. Muling bumilis ang kabog ng puso ko ng bumalik sa aking isipan ang kaniyang imahe.

"Sabi ni aling diday mayaman daw ito."- dagdag ko pa.

Narinig ko ang pagtili nito habang pumapalakpak.

"Siguradong yayaman ako kapag nakatuluyan ko siya."- masigla niyang saad.

Agad akong napatingin sa kaniya, hindi makapaniwala at nagugulat sa tinuran.

Bakit may kung anong kirot saking puso? Anong nangyayari? Bakit nararamdaman ko ito? Bakit labag sa aking loob na mangyari yun? Tila gusto ko siyang pigilan sa kaniyang balak.

"Bagay naman kami diba?"- nakangisi niyang wika habang nakahalukipkip na.

Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Tama nga siya. Paniguradong bagay sila kapg sila'y nagkatuluyan. Kahit na mahirap si isabel ay hindi nila mahahalata dahil sa angkin nitong kagandahan. Para siyang prinsesa at galing sa mayamang pamilya. Tiyak na magugustuhan siya ni jovan kapag nagkita na sila.

Kumpara sakin na balot na balot ang katawan at walang kumpyansa sa sarili. Takot akong magsuot ng mga short at sando dahil nahihiya ako. Isa pa, baka hindi ko bagay at pagalitan ako ni nanay.

Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya. Dali-dali na itong nagtungo sa kanilang tahanan, tila sabik na sabik na makita na ang aming bisita.

Bumuntong hininga ako at napayuko sa hawak kong papel. Kanina ko pa ginuguhit ang dagat ngunit tila bigla akong nawalan ng gana.

Malungkot akong tumayo at nagtungo sa paborito kong lugar. Alas dies na ng umaga kung kaya't sobrang init sa labas. Ngunit dahil malakas ang simoy ng hangin ay hindi ako pinagpapawisan at hindi ko yun inalintana.

Nagsimula akong pumasok sa parte ng isla kung saan sa loob ng kagubatan. Ngunit hindi ako natakot dahil sa wala namang mga hayop na pagala-gala rito. Siniguro na yun nila kuya khanz upang hindi kami masaktan at mapahamak kung maaari.

Ang daming naglalakihang puno dito dahilan kung bakit maraming mga tuyong dahon sa daan.

Nang marinig ko ang agos ng tubig sa talon (falls) ay nawala agad ang kirot na nararamdaman ko saking dibdib.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now