Chapter 25

37 1 1
                                    


Patty's POV

"Is tito khenner going home the next day?"- tanong ni hydie habang sinusuklay ko ang buhok niyang mahaba.

Hiniling niya sa akin na tabihan ko siya sa pagtulog ngayon kaya bumalik ako dito matapos naming maghapunan.

"Oo daw. Isang linggo lang siyang magbabakasayon dito."- tugon ko habang nakangiti.

Napansin ko ang pag nguso niya. "Sayang. Gusto ko pa naman po siyang makalaro ulit. Is he that busy tita?"

"Tito khenner has many works to do. Besides nandito pa naman siya bukas, so why not play with him all day?"- suhestiyon ko at inayos ang kaniyang buhok.

Nang masuklay ko na ng tuluyan ay linapag ko na sa lamesa ang suklay at marahan siyang humarap sakin.

"Oh you're right tita! Maglalaro kami buong araw sa labas!"- nakangiti niyang hayag. Ang lungkot sa kaniyang mga mata kanina ay nawala na parang bula.

Natawa ako at kinurot siya sa ilong. "Kaya matulog ka na para magising ka ng maaga. Sleeping late at night is not good for your health."- malambing kong paalala.

"Okay."- nag thumbs siya kaya sabay kaming natawa. "You know what tita, I realized we have the same smile."- bigla niyang puna.

Agad akong natigilan at ang normal na tibok ng puso ko ay bumilis. Bigla akong kinabahan.

"Look! Our hair is the same too! OMG! We have the same shape of face too! I think you're my mom."- malungkot niyang sambit sa huling salita.

Napalunok ako atsaka nag iwas ng tingin. Masakit para sa akin na makita siyang malungkot. Hindi ko kakayanin kapag tuluyan na siyang magalit sa akin.

Nanginig ang kamay ko sa kaba at takot. Parang naputol ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita. Natatakot ako. Ayokong magsinungaling pero ayoko ding malaman niya na ako ang ina niya. Natatakot ako sa posibleng mangyari.

"I-It's already 9 pm. M-matulog ka na."- nauutal kong sabi at inalalayan siyang mahiga sa kama. Ang mga paningin ko ay hindi nagtutungo sa kaniya.

"Goodnight tita."- bulong niya kasabay ng kaniyang paghikab.

Ngumiti ako. "Good night. Sweet dreams."- tugon ko at mariin siyang hinalikan sa nuo.

Sa pagkakataong yun ay hindi ko magawang makatulog sa kaniyang tabi. Nanatili sa isipan ko ang kaniyang sinabi. Habang tumatagal ay nakakahalata na siya. Hindi kaya niya nararamdaman? Hindi kaya naghihinala na siya?

Anong gagawin ko kapag tuluyan na niyang malaman? Anong sasabihin ko sa kaniya?

Napabuntong hininga ako sa kakaisip. Ni hindi ko namalayan na mag aalas onse na. Malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ng anak ko pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako mahila-hila ng antok.

Muli akong nagbuntong hininga at tahimik na umalis sa kama. Nilingon ko muna si hydie pagkatapos lumabas sa kaniyang silid. Ang tanging ilaw lamang na nakabukas ay ang teresa sa labas samantala lahat ng ilaw sa loob ay patay na.

Marahan akong naglakad sa malawak na pasilyo pero agad akong natigilan ng makita ang silid ni jovan na nakabukas.

Nangunot ang nuo ko sa pagtataka. Hindi pa ba siya tulog? Nagta-trabaho pa ba siya? May ginagawa?

Bahagya kong sinilip ang nakaawang na pintuan at hinanap ng paningin ko ang kaniyang bulto pero hindi ko siya makita bukod sa madilim ang kwarto niya.

Saan nagtungo yun? Gabi na ah.

"What are you doing here?"

Gulat akong napahawak sa dibdib at mabilis na napaayos ng tayo nang marinig ang malalim niyang boses sa likuran ko. Nilingon ko siya habang may nanlalaking mata.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now