Chapter 23

18 1 0
                                    


Patty's POV

"Patricia, are you okay?"- tanong ni khenner sa aking harapan.

Parang dun lang ako nabalik sa realidad. Bumalik saking pandinig ang mga ingay ng tao at ang mga tao'ng lumalangoy ngayon sa malaking infinity pool.

Kasalukuyan kaming nasa 50th floor ng hotel kung saan may pool dito, mini bar sa kabilang gilid at gym sa kaliwang banda. Full glass wall ang ginamit sa gilid kaya kita'ng-kita sa labas ang kalangitan. Maliwanag dito at maaliwalas. May mga sun lounger din sa gilid at mga counter na nagbebenta ng mga pagkain at mga inumin. Sa dulo ng infinity pool ay duon naka pwesto ang mini bar.

Medyo maraming tao dito dahil ang malaking pool talaga ang pinupuntahan nila. May mga ilang bata pa na naglalaro samantala may mga tumatambay lang sa mga counter at nagsisikainan.

"I-I'm fine."- mabilis kong sagot at nag iwas ng tingin sa kaniya. Inabot ko ang pineapple juice ko sa pabilog na lamesa at saka sumimsim.

Narinig ko ang buntong hininga niya habang hindi pa din tinatanggal ang paningin sa akin.

"You don't look fine. You're always spacing out."- komento niya sa malalim na boses.

Pinilit ko namang inignora ang kaniyang sinabi. Linapag ko ang juice atsaka tumayo na. Sinundan niya ako ng tingin habang nakakunot nuo. "Where are you going?"

"Lalangoy lang ako."- tugon ko at marahang tinanggal ang suot kong roba.

Unti-unti kong naramdaman ang paghaplos ng malambot na damit sa katawan ko ng hayaan ko itong mahulog sa aking paanan. Tumambad ang maputi kong katawan na nakasuot ng itim na one piece swimsuit. Malayang nakalugay ang buhok ko at sumabay yun sa galaw ko ng maglakad ako papalapit sa pool.

Nakarinig pa ako ng pagsipol mula sa hindi kalayuan kung saan may mga lalakeng nakaupo sa stool at nakatingin sila sa akin.

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil agad na akong nag dive sa pool. Nang maramdaman ko ang paglubog ng aking katawan sa tubig ay agad akong napapikit at hinayaan ang sarili na malunod sa malamig na tubig.

Muli kong naalala ang nangyari kahapon. Tuloy ay kumirot ang puso ko. Kagabi pa ako lumuluha at inaakusahan ang sarili dahil sa katangahan. Muli na naman akong nasaktan at naloko. Ang malala, sa iisang lalake pa.

Tinatanong ko sa buwan kung bakit ako pa? Bakit ganito pa ang nararanasan ko? Bakit ganito ang pinaparamdaman niya sa akin? Siya ang naging buwan ko. Siya ang nagbigay ng kinang sa normal kong buhay. Siya ang nagbigay ng aliw at kasiyahan sa akin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din siya maabot. Kahit anong abot ko ay hindi ko pa din siya mahawakan.

Bakit?

Kase magkaiba ang mundo namin. Malayong-malayo ang agwat namin. Hindi kami bagay. Hindi kami ang para sa isa't-isa.

Napasinghap ako ng makaahon ng tuluyan sa tubig. Hinanap ko si khenner ng mapansing wala na ito sa dati niyang pwesto.

"What the fvk man!"

Gulat na napabaling ako sa gawi ng mga lalakeng sumipol sa akin kanina. I gasped when I saw khenner there, his both hands are on the collar of the tallest man. I even saw his clenched jaw.

What's happening?

"Khenner!"- sigaw ko at dali-daling umahon sa tubig.

Parang hindi niya ako narinig dahil mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kwelyo ng lalakeng kaharap.

"Don't you dare fvking do that again."- narinig kong banta ni khenner gamit ang nakakatakot na boses.

Habang nagmamadaling lumapit sa kanila ay hindi nakawala ang paninindig ng balahibo ko dahil sa ginamit niyang tinig. Nakakatakot yun at alam kong sa oras na ito ay galit na siya.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now