Chapter 1

49 1 0
                                    


Patty's POV

"Patty, anak. Pwede mo bang kuhanin ang aking gamot?"- utos ni tatay na nasa sala.

Kasalukuyan itong nagpapahinga dahil kakatapos lang nilang mangisda kaninang madaling araw.

"Sige po tay."- sagot ko at mula sa kusina ay nagtungo ako sa silid nila ni nanay.

Wala si nanay ngayon dahil kasama niya si aling diday na nagtungo sa bahay ni kuya khanz.

Nuong pagala-gala pa kami sa lansangan ay may sakit na nuon si tatay sa puso. Wala kaming pera kung kaya't hindi namin siya nadadala sa hospital.

Tinitiis na lamang niya ang sakit sa tuwing nananakit ang kaniyang puso. Wala kaming magawa ni nanay kahit na magtrabaho kami buong magdamag dahil wala kaming sapat na pera upang dalhin siya sa hospital. Sobrang hirap ng buhay namin nuon ngunit ng makita kami ni kuya khanz ay inalok niya kami ng tulong.

Duon ko lang napagtanto na may mga tao palang may mabubuting loob at isa na yun si kuya khanz. Hulog siya ng langit sa buhay namin. Siya ang nagdala kay tatay sa hospital at siya ang nagbayad lahat ng gastos. Pati gamot ay binili niya.

Lahat ng kabutihang ginawa niya ay pang habang buhay namin siyang tatanawin ng utang na loob.

"Ito na ho tay."- nakangiting inabot ko sa kaniya ang kaniyang gamot pati na din ang tubig na kinuha ko kanina sa kusina.

Marahan akong naupo sa tabi niya habang pinapanuod itong uminom.

45 na si tatay at katamtaman lang ang pangangatawan. Dahil sa pangingisda ay kayumanggi ang balat nito ngunit kapansin-pansin pa din ang taglay niyang kagwapuhan. Matangos ang kaniyang ilong, may malamlam na mata at manipis na labi.

Ganun din ang kapatid nitong si tiyo gardo na may hitsura din. Bale sila lang ang magkapatid at si tatay ang panganay. Nang mamatay ang kanilang tatay ay umalis na kami sa bahay na tinutuluyan namin nuon. Napag alaman kase nila tatay na hindi sila ang may-ari nung lupang kinatatayuan ng bahay nila. Sa oras na yun ay duon din nakatira sila tiyo gardo kung kaya't nang mawala samin ang bahay ay nagpagala-gala na kami sa lansangan kasama si lola ora na nanay nila tatay. Kasalukuyan itong nasa tahanan nila tiyo gardo at hindi masyadong lumalabas.

Wala din kaseng trabaho si tiyo gardo sa panahong yun. Nakita lang din namin nuon ang pinsan nila papa na si tiyo tadio na tumitira sa lansangan lamang kung kaya't magkakasama na kami nuong nakita kami ni kuya khanz.

"Ang laki laki na ng aking anak. Anong gusto mong maging balang araw?"- tanong nito matapos uminom.

Hinaplos niya ang aking buhok habang nakangiti.

Napaisip naman ako saglit bago umiling. "Tay, hindi ko din alam kung anong nais ko."- nahihiya kong sambit.

Napatango-tango naman ito habang nakangiti.

"Normal lang yan anak. Ika'y labing walo pa lamang at maaaring magbago pa ang iyong isipan kung sakali."- paliwanag nito.

Napangiti naman ako at tumango.

Sa totoo lang wala pang pumasok sa isip ko kung anong gusto kong maging. Hindi naman ako nakakapag aral dahil nga malayo ang isla sa bayan. Paniguradong hindi pa ako nakakapasok ay mag uumpisa na ang klase. Hindi kakayanin ng oras ko sa layo ng paaralan.

Pero kahit ganun ay nandito naman si nanay upang tulungan ako. Sa katunayan nga, siya ang nagiging guro ko dahilan para makapagbasa ako at makapag bilang.

Natutuwa na din ako sa simple ng aming buhay. Mas mabuti na ang ganito kaysa mag aral pa ako. Paniguradong mahihirapan lamang sila ni tatay na maghanap ng pagpapa-aral sakin.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now