Chapter 11

21 0 0
                                    


Patty's POV

"Congratulations to us again!"- sigaw ni mina at sabay-sabay kaming nagsitaasan ng mga hawak naming baso.

Maingay ang buong paligid at medyo madilim kaya hindi ako komportable sa bar na pinasukan namin. Idagdag mo pa ang ingay na nanggagaling sa mga naglalakihang speaker sa harapan, ang mga sigawan ng mga tao sa dance floor at ang ilang nagtatawanang tao sa iba't-ibang parte ng bar.

Isa sa mga ayaw kong lugar talaga ay dito. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong gimik kahit na minsan nagtutungo kami dito para makapag relax-relax galing sa nakakastress naming trabaho.

Kasama ang ilan naming colleagues at intern's ay nagtungo kami upang magpawala ng stress. Isa na din sa mga dahilan kung bakit sila nagyaya ay upang icelebrate ang successful na pagpapatayo namin ng isang building. Nakapag celebrate naman kami nuon sa architecture firm namin pero iba pa din kapag lahat kami ay magkakasama sa labas.

Sobra nga akong nagpapasalamat dahil sa natapos din namin ang proyektong yun. Masasabi ko namang nag enjoy ako kahit papano. I share ideas but at the same time, I learned lessons too from others. Ginugol ko talaga ang lahat ng efforts ko duon at ideas dahil medyo choosy ang kliyente namin. Mabuti naman at na meet ko ang kaniyang expectation at nagtiwala sila sa amin.

I am glad na nasuklian lahat ng efforts namin. At yun ay naging successful lahat.

"Patty eto shot ka."- saad ni mina sabay abot sakin ng isang baso na may naglalamang alak.

"No, it's okay."- nakangiti kong tanggi, hindi inabot ang baso.

Napasimangot si mina sakin. "Ano ba yan kj! Sige na ghurl! Wala namang pasok bukas."- hayag niya.

"Oo nga naman patty. Ano ba, magpakasaya tayo ngayon!"- natatawang singit ni shiela habang nakikisabay pa sa indak ng kanta.

Tuloy ay nagsimula na nila akong udyukin na inumin ang hawak ni mina. Natatawa na lamang akong napailing sa kanila.

Nakainom naman na ako ng alak pero iniisip ko lang ang pag uwi ko mamaya. Ayoko namang malasing dahil paniguradong walang mag uuwi sa akin kung sakali. Knowing mina too. Baka mauna pa siyang malasing sa akin, walang mag uuwi sa amin kapag nagkataon. Mas mabuti ng may isa sa amin ang hindi malasing. Malas lang at hindi ko nadala ang kotse ko kaya kay mina ako sasabay.

But looking at my colleagues and my friend's persistently cheering me, I don't have a choice but to take the glass from her and drink it in just one sip.

Kusa akong napapikit dahil sa init na dumaloy saking lalamunan patungo saking tiyan. Kahit kailan talaga ay hindi na ako masasanay sa lasa nun. Kahit na nakainom na ako nuon ay ganun pa din ang lasa. Mapait at hindi ko talaga gusto.

"Wooohhh! Let's party!"- tila nawawala na sa sarili ang aking mga kasama.

Ang ilan ay nagyayaan na sa dance floor at nagsasasayaw na parang wala ng bukas. Ang ilan ay may mga kasayawan na at kung saan man nila nakita ang mga yun ay hindi ko na alam pa.

"Sarap!"- hiyaw ni mina sabay lagok sa kaniyang inumin.

"Please don't drink to much, mina."- I reminded her.

Ang kulit niya kapag nalalasing siya at minsan ay nahihirapan ko siyang iuwi sa bahay nila.

"Let's just drink tonight until we'll get wasted!"- sigaw nito at lasing na tumayo.

Napapailing na pinanuod ko siyang magtungo sa dance floor atsaka napabuntong hininga. Sinulyapan ko ang aking relo at nakitang mag aalas diyes na ng gabi.

I sighed again and drink another shot before gazing every corner of the bar. May second floor din kung saan nanduon na ang mga VIP rooms. Napapansin ko din na may mga tao sa taas at nakatanaw dito sa baba.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now