Chapter 8

16 0 1
                                    

Patty's POV

"Saan ho kayo pupunta nay?"- tanong ko ng mapansin itong bihis na bihis. Naka bestida ito ng kulay puti at sandal.

"Magsisimba kami ngayon sa bayan anak. Enero na kung kaya't napagpasyahan namin nila diday na magsimba."- nakangiti nitong paliwanag atsaka naupo saking tabi.

"Kung ganun nay, sasama din sina tatay?"- tanong ko.

Tumango naman ito. "Oh siya ikaw na muna ang bahala dito anak. Hindi pa kami makakauwi ng tanghalian kung kaya't ika'y magluto na lamang ng iyong pagkain."- paalala niya.

Tumango naman ako habang nakangiti. Sakto namang paglabas ni tatay habang nakasuot ito ng kulay itim na slacks atsaka white polo na pinaresan niya ng itim na sapatos.

"Ika'y nakainom na ng iyong gamot?"- tanong ni nanay atsaka tumayo upang lapitan ito.

Tumango naman si tatay habang inaayos ang kwelyo ng kaniyang polo.

"Oh siya, ako na diyan. Ka'y bagal mo talaga kahit kailan."- napapailing na inabot ni nanay ang kwelyo nito atsaka inayos.

Napangiti naman si tatay. "Oo na, oo na. Ako'y palaging natatalo kapag magsasalita pa ako."- natatawa nitong sabi.

Natawa na lamang din ako at tinitignan silang mag ngitian.

Sana makahanap din ako ng pag ibig na gaya ng kanila. Yung kahit na mahirap lamang kami ay masaya kami dahil puno kami ng pagmamahal.

Alas siete ng maka ayos sila kung kaya't agad na silang lumabas ni nanay. Sumunod naman ako sa kanila.

Kung maaari sana ay sasama ako ngunit dahil hindi kami kakasya kaya pinili ko na lamang na manatili. Sasama din kase sina tiya paulina at tiya ising kaya baka kapag sumama pa ako ay lulubog na ang kanilang sinasakyan.

"Ay nakalimutan ko."- biglang bulalas ni aling diday ng may maalala. Papaalis na silang lahat kasama ang kani-kanilang asawa ng muli itong bumalik at nagulat ako ng lapitan niya ako.

"Iha, ikaw na lamang ang magluluto ng pagkain ni jovan ngayong tanghalian. Huwag kang mag alala, maraming mga kasangkapan duon sa malaking bahay kung kaya't dun ka na lamang magluto."- nagmamadali pa nitong hayag.

Mas lao pa akong nagulat sa narinig.

Bakit ako?

Gusto ko sanang tanungin yun ng tapikin ako ni aling diday sa balikat bago dali-daling tumakbo patungo kila nanay.

Samantala nanatili naman akong nakatulala sa kinatatayuan niya kanina. Tila hindi pa din tanggap ng aking isipan ang narinig.

Bakit tila hindi tumitigil ang tadhana na pagtagpuin kami?

ALAS onse ng marahan akong kumatok sa malaking bahay. Bagamat kinakabahan ay pinili kong ipakita ang aking kalmadong mukha ngunit tila hindi umaayon sa akin ang aking puso.

Wala itong tigil sa pagkabog ng malakas kung kaya't ako'y nababahala na baka marinig ito ni jovan—

Naputol ang aking pag iisip ng bumukas ang pintuan. Gulat akong bumaling duon at bumungad saking paningin si jovan. Sa isang sulyap ko lamang sa kaniya ay napansin ko ng nakasuot ito ng kulay abo'ng jogging pants atsaka sando'ng kulay itim. Tuloy ay hindi din nakatakas saking mata ang kaniyang hindi kalakihang muscle sa braso. Sakto lamang yun hindi gaya ni kuya khanz na kapansin-pansin talaga.

Napalunok ako ng mariin atsaka nag iwas ng tingin. Bahagyang kumapit ako sa aking saya.

"Wala si aling diday ngayon kung kaya't ako muna ang magluluto ng iyong tanghalian."- dere-deretsong sambit ko.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now