Chapter 15

13 1 0
                                    


Patty's POV

"Leighn! Take hydie away from here!"- mariing utos ni jovan at tuluyan na niyang hinila ang kamay ko ng marahas.

Hindi agad ako nakapalag ng mapatayo niya ako at kinaladkad patungo sa kaniyang opisina.

Sa gulat at pagkabigla ay hindi ko na pa kayang lumaban pa. Ang tibok ng puso ko ay patuloy pa din sa pagkabog ng malakas dahil sa takot na baka may gawin siya sa akin na masama.

I can feel it. He's mad. So mad that I even felt his hand tightened the grip on my wrist.

"Y-yes sir."- takot na tugon ng sekretarya niya na may nagtatakang tingin sa amin.

"Daddy!"- narinig ko pang tawag ni hydie pero hindi na niya ito pinansin pa.

Ng makapasok kami ay malakas niyang sinarado ang pintuan dahilan kung bakit umalingawngaw yun sa buong silid.

Agad akong napaatras ng marahas niyang binitawan ang kamay ko. Duon ay nakita ko ang pamumula nun pero tahimik ko na lamang tinago sa likuran ko.

"What the fvk do you think you're doing?"- galit niyang singhal habang may matalim na tingin sa akin.

Napansin ko pa ang panginginig ng kamao nito at ang mabibigat nitong paghinga. Dala na din siguro ng galit ay hindi na niya napigilan.

Napalunok ako at napayuko na lamang.

"G-gusto ko lang naman siyang makilala."- nanginginig kong tugon.

"Simula ng iwan mo siya sa akin, nawala na ang karapatan mo patricia. You're not her mother anymore!"- puno ng pait niyang bulalas.

Mas lalong kumirot ang puso ko sa narinig. Muling namuo ng luha ang mga mata ko habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng kamay ko.

"Ako pa din ang ina niya jovan."- tinitigan ko siya sa mata. "M-may karapatan pa din ako. At ngayong n-nagkita na kami, gagawin ko ang lahat para makilala ko pa siya."- determinadong tugon ko.

Anak ko siya. At bilang isang ina, ipaglalaban ko ang karapatan ko. Ayoko ng magtago na lamang sa dilim at pagmasdan ito sa malayuan. Gagawin ko ang dapat ko ng ginawa nuon pa man.

"Who said you can do that?"- magkasalubong ang kilay niyang tanong. Puno ng insulto sa kaniyang pananalita. "I won't let you lay a finger again on my daughter. Ako ang makakalaban mo."- madilim ang mukha niyang banta.

"Ako ang nagsilang sa kaniya jovan!"- agap ko habang nanginginig na tinuro ang sarili.

Ang pagpapasensyang nararamdaman ko ay unti-unti ng napipigtas.

"Kahit baliktarin mo ang mundo, ako ang ina niya! May karapatan akong makilala siya! May karapatan siyang makilala niya ako! I don't care what you think and what you say. I still have the rights here and no one can take her away from me. Even you!"- giit ko habang may masamang tingin sa kaniya.

Sa puntong yun ay mas namuo pa ang tensyon sa aming pagitan. I should be scared by now. Dahil sa mga sinabi ko ay parang mas tinutulak ko pa siya na gumawa na ng bayolente. Konting-konti na lang ay sasabog na siya ng wala sa oras. I can feel it. The monster inside him is now struggling to come out.

"Magkamatayan tayo, kukuhanin ko ang anak ko."- pinal kong hayag.

Kahit na magtungo kami sa korte, ipaglalaban ko ang anak ko. I have the money now. I can do whatever I want now. Hindi na ako yung dating patricia na mahirap. Hindi na ako yung dati na mahina at walang pinag aralan. May ibubuga na ako. At sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ko na iiwan ang anak ko.

I saw him gritted his teeth while his both hands were clenched. Akala ko sisigawan niya ako pero nagulat na lamang ako ng may malalaking hakbang na lumapit siya sa akin.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now