Chapter 7

13 0 0
                                    


Patty's POV

"Nay, sa tabing dagat lang ho ako."- nakangiti kong paalam sa kaniya habang ito'y nagluluto sa kusina.

Si tatay naman ay nasa silid pa din at natutulog.

Umagang-umaga pa lamang ay lumabas na ako upang maguhit ang dagat. Marami ng beses na naguhit ko ang dagat ngunit tila hindi pa din ako nagsasawa sa kagandahang taglay nito. Hindi din ako nagsasawa na pagmasdan ito dahil tila misteryo ito para sa akin. Dahil sa tuwing tinititigan ko ito ay paiba-iba ang gandang pinapakita nito.

Ngunit wala ng mas maganda kundi ang dagat at ang buwan sa itaas. Para sa akin, ang pinakamagandang aking nakita sa buong buhay ko ay ang kabilugan ng buwan habang ang liwanag nito ay nagrereplika sa payapang dagat.

Iba para sa akin ang pakiramdam na nasa tabing dagat habang sabay silang pagmasdan hanggang sa ako'y mapagod.

Umihip ang pang umagang hangin ng makalabas ako sa aming bahay.

Mabilis akong nagtungo sa tabing dagat at naupo sa ilalim ng malaking puno. Napangiti ako ng makita ang paghampas ng alon sa puti'ng buhangin.

Masasabi kong maganda ang isla'ng ito. Kung tutuusin maaaring gawin nila itong resort. Malawak ang isla'ng ito kung kaya't maaaring magpatayo dito si kuya khanz. Pero pinili niyang maging pribado ito upang may tirahan kami.

Binuksan ko ang aking papel na puno ng aking mga guhit. Nang mailipat ko ang pahina sa blangkong papel ay nagsimula na akong iguhit ang dagat.

Tahimik ang buong paligid at tanging paghampas ng alon ang aking naririnig.

Kung sana may pera lamang ako ay gusto kong pumunta sa iba't-ibang isla upang iguhit ang mga yun at sa gabi ay gusto kong pagmasdan ang buwan sa dagat.

"Good morning jovan!"

Ang atensyon ko ay nawala sa aking ginuguhit ng marinig ko ang boses ng aking pinsan na si isabel sa kung saan.

Nagpalingalinga ako at duon ko nakita si jovan na mabagal na naglalakad sa tabing dagat hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakasunod duon si isabel.

Sa ibang direksyon sila patungo kung saan may mga naglalakihang bato duon.

Samantala nandito ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Nabitawan ko na lamang ang aking lapis habang natulala sa kanilang dalawa.

Natigil sa paglalakad si jovan at humarap sa dagat habang nakapamulsa. Natigil na din si isabel sa tabi nito. Halos wala ng espasyo sa kanilang pagitan.

Kailan ba talaga titigil si isabel? Bakit tila ako'y naiinis na sa kaniya?

Napansin ko ang mga labi nitong gumalaw kung kaya't alam kong may sinasabi siya. Samantala nanatili namang tahimik ang katabi nito at nakikinig.

Muling kumirot ang aking dibdib. Bakit tila hindi na mawala-wala ang pakiramdam na ito? Bakit kapag nagmamahal ka ay kasabay nun ang sakit?

Dapat ko na bang tanggapin na hindi niya talaga ako kayang mahalin? Hindi naman porke sinabihan na niya ako ng maganda kagabi ay may ibig sabihin na yun.

Huwag kang umasa patricia. Sadyang ganun lamang siya.

Bakit hindi ko na lang tanggapin na si isabel nga talaga ang kaniyang gusto? Kaya siguro siya natagalan kagabi sa pagsundo sa kaniya ay dahil nagka aminan na sila at ngayon ay tila palihim pa silang nagkikita.

Ang hirap pa lang isipan na sa unang pagkakataong nakaramdam ako ng ganito ay tsaka naman ako mabibigo.

Sa hindi inaasahan ay muli akong napalingon sa kanila. Sa puntong yun ay tila tumigil ang pag ikot ng aking mundo. Tuluyan ng nawasak ang nagmamahal kong puso ng makitang magkalapat ang kanilang mga labi.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now