Chapter 26

39 0 0
                                    


Patty's POV

Kinaumagahan nagising akong katabi ni jovan. Nakatalikod ako sa kaniya samantala nakayakap sa akin ang isang braso niya at nakaunan ako sa isa pa. Nakakumot kaming dalawa at ramdam kong wala kaming suot na anumang saplot.

Marahan kong inangat ang paningin sa bintana. Napansin ko pa duon ang kurtinang hindi pa naaayos dahil nanatili ito sa sahig. Kung hindi ako nagkakamali ay mag aalas sais na ng umaga.

Wala sa sariling nakagat ko ang labi nang unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Bumaba ang paningin ko sa braso niya at mabagal na hinaplos yun gamit ang mga daliri ko. Ang ilang ugat sa kaniyang kamay ay bakas na bakas samantala ang mga daliri niya ay mahahaba at mukhang magaspang pero sa paningin ko ay mas nakakadagdag yun sa kaniyang dating. Lalakeng-lalake.

Tahimik at dahan-dahan akong humarap sa kaniyang gawi, nanatili ang braso saking bewang. Nang makita ko siya ng tuluyan ay napangiti ako.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang tulog na tulog. Ang kaniyang buhok ay magulo at natatakpan ang kaniyang nuo. Ang kapal ng kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang labi, mapormang panga at kapansin-pansin din ang adam's apple niya sa lalamunan. Napaka lambot at kinis ng kaniyang mukha kaya hindi mo talaga maiisip na may pagka gaspang ang ugali niya minsan.

Napalunok ako ng bumaba ang paningin ko sa kaniyang katawan. Kalahati lang ang natatakpan ng kumot at yun ay ang pang ibaba na niyang katawan. Tuloy ay kita'ng-kita ko ang malapad at matigas niyang dibdib na nagtataas baba pa, patungo sa kaniyang tiyan na walang abs pero fit, at pababa sa kaniyang v-line. Pinagsasalamat ko na lang talaga na bahagya ng natakpan nang kumot ang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Inosente akong nag angat muli ng tingin sa kaniyang mukha at napanguso ng muli akong namangha sa taglay niyang kagwapuhan. Sa lumipas na walong taon, wala kaya siyang naging kasintahan? Wala kaya siyang nagustuhan at niligawan? Hindi na ako magtataka kung meron. Sa gwapo niyang yan. Imposibleng wala. Kahit naman na may anak na siya ay paniguradong hindi yun titignan ng mga babae.

Ilan kaya ang naging girlfriends niya? Magaganda din ba sila? Mga modelo? O mga anak ng mga kasosyo niya?

Hindi ko talaga mapigilang mag isip. Sa gwapo niya ay imposibleng walang magkakagusto sa kaniya.

"Stop pouting..."- he whispered using his bedroom voice.

Nawala ang pagkakanguso ko at gulat na napatitig sa mukha niyang nakapikit pa din.

"Kanina ka pa gising?"- nahihiya kong tanong.

"Hmmm..."- tugon lamang niya at mas hinila pa ako papalapit sa kaniya.

Halos magdikit na ang mga labi namin dahil nakatingala ako sa kaniya. Napalunok ako ng maamoy ang natural niyang bango. Ang paghinga niya ay tumatama sa nuo ko.

"H-hindi pa ba tayo babangon?"- nag aalinlangan kong tanong.

"Not yet baby."- kung gaano siya kakalmado ay ganun naman ang paghuhurumentado ng aking puso.

Bakit ang gwapo pa din niya kahit bagong gising?

"K-kagabi mo pa ako tinatawag ng ganiyan. Magseselos si hydie."- nakangiti ko ng pahayag.

Hindi ko alam kung nakikita niya ako pero nakapikit naman siya kaya paano niya nalaman na nakanguso ako kanina?

"She will understand."- simpleng tugon niya at hinalikan ako sa labi sa isang mabilis na kilos!

Nanlaki ang mata ko at napakurap kurap sa nangyari. Sa pagkakataong yun ay unti-unti ng nagmulat ang kaniyang mga mata. Tuloy ay mas nadagdagan pa ang kaba'ng nararamdaman ko sa dibdib. Pati ba naman sa paggising ganun pa din ang tingin sakin? Para bang binabasa niya ang isipan ko at hindi nilulubayan ng tingin.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang