Chapter 16

11 1 0
                                    

Patty's POV

Hindi ko alam na kanina pa ako nakatulala. Bumalik lamang ako sa realidad ng tuluyan ng tumigil ang yate sa tabing dagat.

Napakurap kurap ako at pinaglapat ang labi ko na kanina pa pala nakaawang.

Lumayo ako sa tabing dagat para hindi ako maabot ng tubig. Binitawan ko ang layalayan ng dress ko at napasulyap sa kakababang jovan.

Anong ginagawa niya dito? At bakit nagkataon pa na sa bakasyon ko pa siya dadating? Sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa?

Nandito pa din yung sakit na binigay niya nung mag away kami sa kaniyang opisina. Kahit ata dumaan ang maraming araw ay hindi ko pa din yun kayang kalimutan. Lalo na kapag involve na yun sa anak ko. Hindi ko kayang kalimutan ang sakit at mga salitang binitawan niya sa mismong harapan ko.

Kung kailan gusto ko munang mapag isa at ipahinga ang sarili ay tsaka naman siya darating. Kung kailan gusto ko munang umiwas sa sakit, tsaka naman ang pagsunod niya. Bakit ganito?

Napalunok ako ng muling magtama ang paningin namin. Bigla akong nataranta kaya mabilis akong tumalikod sa kaniya. Akmang aalis na ako sa kinaruruonan nang marinig ko ang boses ni hydie.

"Daddy! This place is so beautiful!"

Napako ako sa kinatatayuan. Kumirot ang puso ko at nanlambot ang tuhod. Nakaramdam ako ng kalungkutan na may halong kasabikan at saya.

Kung ganon, magbabakasyon din sila dito? Bakit? Sinong kasama nila? Magtatagal ba sila dito?

Napalunok ako ng mariin at marahang pumihit paharap sa kanila. Kita'ng-kita ko duon si hydie na nakasuot ng kulay orange summer dress. Hanggang tuhod lamang ang laylayan habang nakasuot din ito ng beach hat gaya ng akin.

Napangiti ako ng mapagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit ano pang isuot niya ay maganda pa din siya at mas namumukod tangi ang maamo niyang mukha.

"I want to swim daddy! Let's swim!"- yaya nito habang hila-hila ang polo ng ama. Si jovan naman ay nakatingin sa kawalan habang nakapamulsa at maayos na nakatayo. Sa puntong yun ay nakatalikod na ito sa akin habang naka side view naman si hydie.

Sa hagdanan naman ng yate ay may bumaba duon na lalakeng matanda habang may bitbit na mga bagahe. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kagamitan nila jovan yun.

Teka, silang dalawa lang ba ang magbabakasayon? Wala ba ang girlfriend o asawa niya?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaginhawan ng magsimula na silang maglakad paalis. Ibig sabihin silang dalawa lang ang magbabakasayon.

Isa lang din ang nasa isip ko ngayon. May pag asa na ako para mapalapit sa anak ko. Hindi ko alam na malaki ding tulong ang pagbabakasyon nila dito.

"MARAMING salamat."- nakangiti kong sabi ng mailapag ang buko juice ko sa harapan ko.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kubo habang pinagmamasdan ang buong paligid. Lumipas na ang dalawang araw. Ganito palagi ang ginagawa ko kapag umaga. Sa totoo lang ay nag aabang ako. Baka kase makita ko ang anak ko sa kung saan. Gustong-gusto ko na talaga siyang makausap. Kung alam ko lang kung saang room sila ay baka pumunta na ako duon.

Sa dalawang araw na lumipas ay hindi ko pa din siya nakikita dito sa labas. Baka naman ayaw ni jovan na palabasin siya at mamasyal? Kung ganon, anong ginagawa nila dito kung palaging nasa loob lang sila? Hindi naman tama na ikulong na lang siya sa kwarto at hindi payagan sa kaniyang mga gusto.

Napabuntong hininga ako atsaka sumimsim sa buko juice ko. Sa tatlong araw ko dito ay hindi pa talaga ako tuluyang nakakapamasyal. Dito lang sa parte ng lugar ako palaging nakatambay. Kung hindi ko lang inaalala si hydie ay baka nag island hopping na ako.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now