Chapter 5

15 0 1
                                    

Patty's POV

"Ate dalian mo!"- sigawan ni faye at sandra habang hila hila nila ako.

"Bakit? Anong nangyayari?"- gulat kong tanong habang nagpapahila sa kanila.

"Gusto din naming mag surf ate!"- nakangiting bulalas ni sandra.

Sa pagkakataong yun ay patungo kami sa tabing dagat. Alas otso na ng umaga kung kaya't mainit ngunit hindi naman nakakapaso ang sinag ng araw. Mahangin din kung kaya't ayos lang.

Nang makarating kami sa tabing dagat ay nagulat pa ako ng makita si isabel na may hawak na payong at twalya habang nakatanaw sa malayo.

Liningon ko ang mga kasama kong bata.

"Anong ibig niyong sabihin na gusto niyong mag surf?"- taka kong tanong.

Napangiti sila at sabay na may tinuro sa dagat.

Kumunot ang nuo ko at sinundan ang tinuturo nila.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si jovan duon sakay-sakay ang surfboard na palaging nakatambak sa bahay ni kuya khanz.

Napanganga na lamang ako ng mapanuod kung gaano siya kagaling sa pagsu-surf! Kung minsan ay tatalon pa siya at saka babaliktarin ang surfboard pagkatapos ay swabeng lalapag ang paa nito muli sa surfboard.

Ni hindi ko man lang nahulaan na magaling siya duon.

Kung gumalaw siya sa tubig at sumabay sa alon ay para siyang propesyonal.

Yung tahip ng puso ko ay sobrang lakas habang walang patid ang pagkamangha ko sa kaniya.

Wala akong masabi kundi ang galing niya.

Sa bawat pagtalon nito ay sumasabay ang buhok niyang basa dahilan kung bakit nag iiba ang istilo ng kaniyang buhok. Kung nuon ay maayos na nakatagilid ito, ngayon naman ay natatakpan na ang kaniyang nuo. Tila sa isang iglap nag iba ang imahe niya.

Wala pa itong suot na t-shirt dahil naka itim lang ito na short.

Napalunok ako habang hindi mawalay-walay ang paningin ko sa kaniya.

Tuluyan ng napapalakpak ang dalawang batang kasama ko ng papalapit na sa amin si jovan habang sakay nito ang kaniyang surfboard.

Nang makalapit ito ay dinampot niya ang ginamit na surfboard atsaka ginulo-gulo ang buhok na nabasa.

Tila nag slow mo ang paligid habang nakatitig ako sa kaniya. Yung paghinga ko ay tila naputol habang natigilan din sa pagkabog ang puso ko.

Parang wala nang gumagana sa sistema ko. Tanging ang mga mata ko lang ang gumagalaw dahil nakasunod ang paningin ko sa kaniya habang ito'y papalapit.

"Ito oh towel."- mahinhing sambit ni isabel ng makalapit si jovan. Inabot nito ang twalyang hawak niya.

Parang dun lang ako bumalik sa realidad. Bumalik sa maayos ang paghinga ko, bumilis muli ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanila.

Bumaba ang paningin ni jovan sa twalya atsaka linipat ang paningin kay isabel na matamis na nakangiti.

Tumagal saglit ang mata ni jovan sa kaniya hanggang sa muli itong naglakad palampas dito.

Nanlaki ang mata namin ni isabel. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni jovan na pambabalewala sa aking pinsan samantala tila nainis si isabel dahil sa pagkapahiya.

Napatingin sakin si isabel atsaka iritado akong inirapan. Padabog siyang umalis sa aming harapan habang nagmumura pa.

Samantala, sinundan ko naman ng tingin si jovan na kakapasok lamang sa malaking bahay.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now