Chapter 21

17 1 0
                                    


Patty's POV

"Khenner?"- gulat kong bulalas ng mapagbuksan ko siya ng pintuan.

Nakasuot siya ng blue khaki short at white longsleeves button down habang may sunglasses pa na nakasabit sa leegan ng kaniyang damit.

Napakurap kurap ako atsaka kinusot ang mata ko. Pakiramdam ko namamalikmata lamang ako o nananaginip.

"Good morning."- tsaka lang ako naniwala ng marinig ko ang malalim at baritono niyang boses.

"What are you doing here? Kailan ka pa nandito? At sinong kasama mo?"- sunod-sunod kong tanong at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

Ngumisi siya sakin atsaka marahang naglakad paabante. Tatabi na sana ako ng hilahin niya ang kamay ko at mahigpit na pinulupot ang isang braso saking bewang para yakapin.

Napasinghap ako sa gulat at hindi agad nakagalaw.

"I miss you."- bulong niya sa seryosong paraan. Halos manindig lahat ng balahibo ko.

Nananaginip ba ako?

"H-ha? Ah, n-na miss din kita."- naiilang kong tugon ng makahulma. "B-bakit ka naparito?"- tanong ko ng kumalas na siya sa yakap.

"I wanted to have a vacation too."- simple niyang sagot at nagpamulsa. Naglakad siya patungong sala at nilibot ang paningin sa buong hotel room ko.

Agad ko namang sinara ang pintuan atsaka kinalma ang sarili.

Hindi ko maintindihan ang kaniyang kinilos kanina. Sanay naman na ako kapag nagyayakapan kami pero parang may nagbago na. Wala na yung pagkakaibigan na nakapagitan sa amin. Tila...tila...

Marahas akong napailing sa biglang naisip.

Hindi dapat ako nag iisip ng ganun. Magkaibigan kami ni khenner. Walong taong ganun ang relasyon namin. Parang nakakabatang kapatid niya ako at parang kuya ko na din siya. Kaya imposible ang iniisip ko. Siguro na miss lang niya talaga ako dahil matagal-tagal na kaming hindi nagkikita.

"Kumain ka na?"- casual kong tanong at nagtungo sa kusina.

Narinig ko ang mga yabag niya pasunod sa akin.

"Let's eat outside?"- tanong niya sa kalmadong boses.

Ngumiti ako. "Sige, maliligo at magpapalit lang ako. Kailan ka ba dumating dito?"- tanong ko at nagpunas ng kamay sa ilalim ng sink ng makahugas ng kamay.

Hinarap ko siya at nakitang nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip at mariing nakatitig sa akin.

"Last night. I was thinking on having my vacation with you so I followed you here."- he shrugged his shoulder nonchalantly before licking his lower lip.

"Wala ka bang trabaho? You're not busy?"- tanong ko at naglakad papalapit sa kaniya.

"Not quite busy. I cleared my schedule for the whole week."

Napatango tango ako. "Maupo ka muna duon. Magpapalit lang ako."- sambit ko sabay turo sa sala.

"Hmm sure."- tango lang niya pagkatapos akong talikuran.

Agad na akong pumasok sa kwarto at naligo. Kakagising ko lang kase ng marinig ko ang katok niya sa labas kaya medyo papikit-pikit pa ako kanina.

As for my outfit today I choose to wear my off shoulder vintage floral printed long maxi dress with a pair of white sandals. I also tie my hair into a bun since alam kong mahangin sa labas. Hindi naman ako masyadong mahilig sa mga make up kaya nag pulbo lang ako at lipstick.

Nang makitang handa na ako ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa sala. Duon ko nakita si khenner na kalmadong nakaupo sa sofa at nakapandekwatro pa habang nakahalukipkip.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now