Chapter 2

40 1 0
                                    


Patty's POV

"Si piyang iha?"- tanong ni aling diday ng pagbuksan ko siya ng pintuan.

"Nasa kwarto po siya habang nagpapahinga."- sagot ko habang malungkot na nakangiti.

"Aba'y bakit?"- gulat nitong tanong.

"Nagkasinat po si nanay kagabi kung kaya't nagpapahinga po siya."- tugon ko at tumabi upang may madaanan siya. "Pasok po kayo aling diday."- yaya ko pa.

Agad naman niyang winasiwas ang kaniyang kamay bilang pagtanggi. "Ay naku huwag na. Ang sabi ko naman kase sa kaniya kahapon ay magpahinga na siya ngunit hayon at nagpaka pagod pa. Mas maigi nga munang magpahinga yang nanay mo."- mahaba pa niyang lintanya habang nagpupunas sa kaniyang pawis.

May katabaan kase si aling diday at hindi pinalad sa katangkaran. Ang buhok niya ay palaging nakapusod. Palagi din siyang nagsusuot ng duster at sa pagkakaalam ko ay 42 na ito. Halos magkasing edad lang sila ni nanay. Ngunit mas matangkad si nanay ng ilang pulgada lamang sa kaniya, sakto ang pangangatawan ni nanay at hanggang balikat lang ang kaniyang buhok. Gaya ng sakin ay palagi siyang nakasaya ngunit hanggang sa tuhod ang haba.

"Bakit nga ho ba kayo naparito aling diday? May kailangan ho ba kayo kay nanay?"- magalang kong tanong habang hawak ko pa din ang seradura ng aming pintuan.

"Naku! Mabuti't pinaalala mo iha. Ngayon kami maglilinis ni piyang sa malaking bahay. Pinag uutos kase ni khanz na kada isang linggo ay maglinis kami duon lalo na't may bisita."- paliwanag ni aling diday.

Palihim ko namang kinagat ang aking labi dahil muli ko na namang naalala ang nangyari kagabi.

"Give me back my towel."- utos nito sa malalim at malamig na boses.

Napanganga na lamang ako sa gulat at bumaba ang paningin ko sa hawak kong twalya.

Hala! Nahila ko ang suot niyang twalya kanina!

Bumugso ng hiya ang aking buong pagkatao dahil sa nangyari. Bagamat ramdam ko ang kaba ay nahihiya kong iniangat ang aking paningin ngunit sa pagkakataong yun ay tila may sariling isip ang makasalanan kong mata at natigil muli yun sa kaniyang nasa pagitan.

Nanlaki muli ang mga mata ko dahil sa takot.

"Tss."- narinig ko pang ismid nito at tila dun ako natauhan saking ginagawa!

Agad akong nagtakip ng mata gamit ang isa kong kamay. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hiya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya! Parang gusto ko na lamang mawala na parang bula dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang aking ginagawa ay isang kabastusan. Hindi ko dapat nakita ang kaniyang tinatago! Ano na lamang sasabihin ni nanay kung malaman niya ito?

Nakakahiya ka patricia!

Dahil sa pagkakayuko ko ay hindi ko namalayan ang pag abot nito sa twalyang nasa aking kamay. Nang maramdaman ko ang balat nito saking kamay ay tila may dumaloy na kuryente sakin patungo saking puso dahilan kung bakit mas bumilis pa ang kabog nun.

Tila hindi ako makahinga sa paninikip ng aking dibdib.

Taranta kong iniwas ang aking kamay at ginawa na ding takip saking mata.

Ilang segundo lamang ay narinig ko muli ang pag ismid nito, tila hindi makapaniwalang nasa harapan pa din niya ako.

Tuloy ay muli akong nataranta sa sobrang pagkapahiya.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now