Chapter 6

15 1 1
                                    


Patty's POV

Saktong mag aalas singko ng matapos namin ang paglalaba ni jovan. Mabilis lang naman kami dahil may katulong ako.

Bitbit ko ngayon ang palanggana at ang supot samantala ay bitbit naman nito ang basket na naglalaman ng kaniyang mga damit.

"Ako na ang magsasampay nito. Ibabalik ko din ang mga damit mo bukas na bukas."- saad ko ng makarating kami sa aming tahanan.

Sinabi ko naman sa kaniya na kaya ko na ngunit hayon at nagpumilit pa siyang ihatid ako.

"Sure."- tipid lang nitong tugon sabay lapag sa hawak niyang basket.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Maraming salamat pala sa pagtulong sakin."- sambit ko.

"No problem."- kibit balikat nitong tugon atsaka nagpamulsa.

"Sige na—"- naputol ang aking sasabihin ng bumukas ang aming pintuan.

Lumabas duon si nanay na gulat na gulat ng makita kami.

Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam ngunit ako'y kinakabahan.

"Oh iho. Iyo bang hinatid ang anak ko dito?"- pagkaraa'y tanong ni nanay ng makahulma.

"A-ah opo nay. Sinamahan niya ho akong labhan ang kaniyang damit."- ako na ang nagpaliwanag dahilan kung bakit ito'y napatingin sakin.

"Mabuti kung ganon."- ngumiti ito dahilan kung bakit unti-unting nawala ang pangamba saking dibdib.

Bumaling si nanay kay jovan pagkatapos. "Huwag mong kakalimutan mamaya ang pagsasalo natin iho. Ika'y naming hihintayin."- nakangiti niyang paalala habang magiliw itong nakatingin sa kaniya.

Marahan lang naman itong tumango bilang pag sang ayon bago tuluyan ng nagpaalam.

"Mukhang nagkakasundo kayo ng batang yun. Mailap yun sa amin ngunit siya'y sumama sayo."- panimula ni nanay atsaka lumapit sakin.

Inabot niya ang hawak kong palanggana atsaka supot.

Yumuko naman ako para itago ang aking pag ngiti. "Nay hindi naman ho. Sadyang gusto niya lang hong tulungan ako sa paglalaba kung kaya't siya'y sumama."- paliwanag ko at binuhat na ang basket na puno ng damit ni jovan.

Nauna akong naglakad patungo sa likuran ng tahanan namin habang nakasunod si nanay sakin.

"Sa tingin mo ba'y sasama siya kapag si diday ang maglalaba yang mga damit niya?"- tanong pa niya ngunit hindi naman ito galit. Puna ko pa'y nakangiti ito, tila ako'y tinutukso.

Nakagat ko ang labi ko.

"Bakit naman hindi nay?"- sagot ko sa kaniyang tanong.

Nang makarating kami sa likuran ng aming bahay ay nagsimula na akong magsampay.

Napansin ko ang pagbaba ni nanay sa palanggana at supot sa isang maliit na lamesa bago siya lumapit sakin. Tinulungan na niya akong magsampay.

"Kase nga anak, mailap ang batang iyon. Ikaw lang ata ang nakakausap niya dito ng matagal."- dagdag pa niya.

"Nahihiya lang ho siguro siyang kausapin kayo."

Hindi naman ito umimik dahil patuloy lang ito sa pagsampay habang nakangiti.

"Ikaw ba'y nagkakagusto sa binatang yun?"- bigla niyang tanong dahilan kung bakit natigil sa ere ang aking kamay sa pagsampay.

Bumilis ang tibok ng aking puso habang unti-unting lumilingon kay nanay.

Ito'y nakaharap na sa akin habang nakangiti.

Napalunok ako at tuluyan ng binaba ang aking kamay. Tinitigan ko siya sa mata.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now