Chapter 13

10 2 1
                                    

Patty's POV

"Good morning ma'am. Pinapatawag niyo po daw ako?"- tanong ko ng marahan kong naisarado ang pintuan ng opisina ni Mrs. Magno.

Kumpara sa akin ay mas malawak ang office niya. Glass wall sa kanang bahagi ng kaniyang silid samantala sa kanan, may sofa duon at center table. Sa gilid ng magkabilang lamesa niya ay may tig iisang malaking flower vase at bulaklak. Sa gitna ang lamesa habang sa likuran nito ay nakadikit ang malaking litrato niya. She looks classy and obviously elegant in that potrait.

Sa kisame ay may malaking pabilog na ilaw, sa tabi ng pintuan ay may eleganteng divider na nanduon kung saan nakasalansan ang mga papeles, folders, libro at iba pa.

Light lamang ang aura ng kaniyang opisina at sosyalin talaga. Kailanman ay wala siyang pinapadapuan na alikabok at dumi sa loob ng kaniyang opisina.

Umikot paharap sakin ang swivel chair at duon ko nakita si Mrs. Olivia Magno. Wearing a red Serwaa Amihere corporate dress that highlights her white skin and long jet black hair that was tied into ponytail.

Nasa mid 30's pa lamang at nakaka agaw ng pansin pa din ang kagandahang taglay niya. As always, she still looks stunning and sophisticated. Kahit kailan ay hindi siya nagpapatalo pagdating sa mga ganitong fashion. Palaging siya ang nangunguna sa sobrang mamahalin ng kaniyang mga kasuotan.

Her red lips curve when she saw me. "Sit, my dear."- tinuro niya ang upuan na nasa harapan ng kaniyang lamesa.

Mabilis naman akong tumugon at napangiti ng makaupo ako.

"I need you to make a design proposal for our next client, hija."- wala ng paligoy-ligoy niyang utos.

Sanay naman na ako sa ka straight forward niya pero nagulat na lamang ako ng marinig yun.

"Pero ma'am magli-leave po ako ng one month. Pinasa ko na kay boss ang leave of absence letter request ko."- imporma ko habang deretsong nakaupo saking kinauupuan.

Nagulat naman ito saking sinabi.

"Really? Did he sign it already?"- tanong niya ng makahulma.

Nagpandekwatro siya at naghalukipkip.

"Sa tingin ko po napirmahan na niya ma'am. Next week po ako magbabakasyon."- tugon ko.

Napabuntong ito saking sinabi atsaka marahang hinawi ang mahaba niyang buhok. Nag isip ito saglit bago siya lumingon sakin. Tumaas saglit ang makapal at makurba niyang kilay.

"Hija, you can still make a design proposal before you have your leave. Please do me a favor. This is one of our biggest client."

Nakagat ko ang labi atsaka nag iwas ng tingin.

Sa totoo lang ay ayaw ko munang tumanggap ng mga ganito dahil gusto ko na talagang magpahinga muna at lumiban ng trabaho.

"Pwede naman pong si mina na lang."- suhestiyon ko at sinulyapan siya.

"No, no hija. I want you to do it. It's not like I don't trust minerva, don't get me wrong. I know you've been tired because of your last project but this will be the last patricia. Just do the design proposal and I will take care of the rest."- nangungumbinsi niyang tanong sabay pakita pa ng kaniyang hintuturo.

Palihim akong napabuntong hininga bago napatitig saking kamay na nasa kandungan.

For the sake of our company, sige. I will do it. Next week, makakapagbakasyon na ako. Away from stress and work. Away from this place. Away from everything. I just needed some time to think and find myself again.

"HEY,"- tumaas ang paningin ko sa pintuan ng marinig ko ang malamig na boses ni khenner.

Agad akong napangiti ng makita ito. "Hi. Anong ginagawa mo dito?"- tanong ko at muling tinuon ang atensyon saking laptop.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum