Chapter 27

92 1 3
                                    


Patty's POV

"Where's hydie?"- tanong ko kay jovan ng gabi'ng yun.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa tabing dagat at magkatabi habang tinatanaw ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Maalumanay lamang ang hampas ng alon sa buhangin at tila kumikinang sa ganda ang tubig dahil sa liwanag ng buwan.

"She's with that punk. Tommorow is his flight back to manila so he wants to spend his remaining time here with hydie."- walang ganang paliwanag niya habang nakapamulsa at deretso ang paningin sa daan.

Mas nauuna siya sa paglalakad kaya napagmasdan ko ang likuran niya. Suot niya ngayon ay white longsleeve button down shirt at black short samantala magulo ang kaniyang buhok dahil sa hangin.

Habang pinagmamasdan siya ay hindi ko mapigilang mamangha. Kahit siguro anong isuot niya ay nanduon pa din ang kagwapuhang taglay niya. Hindi pa din mawawala yung dating kase lahat ng suot niya ay palaging bagay sa kaniya.

"Bakit hindi mo pa naisipang mag asawa?"- wala sarili kong tanong habang nanatili ang paningin ko sa kaniyang likuran. Ang anino niya ay halos takpan na ako.

"I am still young."- simpleng tugon niya at napansin ko ang pagbagal ng kaniyang paglalakad, tila hinihintay ako sa kaniyang tabi.

Sa pagkaka alam ko ay 29 na siya o 30 years old. Sa edad na yun ay dapat kasal na siya at bumubuo ng sariling pamilya.

"Pero hindi ba pumasok sa isipan mo yun?"- tanong ko pa at sinabayan na siya sa paglalakad ng magtabi kami.

Sinulyapan niya ako dahilan kung bakit ako napangiti.

"Sometimes. When I think of someone."- seryoso niyang tugon habang titig na titig sa akin.

Napalunok ako at nag iwas na lamang ng tingin. Kahit ngayon ay hindi ko pa din matagalan ang kaniyang titig dahil sa lalim nun, para akong nahihipnotismo.

"Eh bakit hindi mo tinuloy? Nag break kayo? Hindi ka niya gusto?"- maalumanay kong tanong.

Natigil lamang kami ng mapansin ang malaking rock formations sa aming harapan kaya wala na kaming lalakaran. May isang malaking puno pa duon sa gilid na bahagyang sinasayaw ng hangin. Pinili ko na lamang na humarap sa dagat at pinagmasdan itong kuminang. Ginaya din ako ni jovan pero ang kaniyang mga mata ay nanatili sa akin.

"No. We didn't break up."- sagot pa lang niya.

"Edi may girlfriend ka?"- gulat akong napatingala sa kaniya.

Nagpigil siya ng ngisi at marahang linapit ang mukha papalapit sa akin. Tuloy ay tumatama na ang kaniyang paghinga sa ilong ko habang ang puso ko ay nagsimula na namang kumabog ng mabilis.

"Who do you think is my girlfriend now huh?"- taas kilay niyang tanong.

Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto na ako ang tinutukoy ko. Napanguso ako para pigilan ang pag ngiti ko pero hindi yun naitago dahil sa pamumula ng pisngi ko.

"You should stop pouting baby."- komento niya sabay sulyap sa labi kong nakanguso.

"B-bakit?"- nagtataka kong tanong at pinaglapat ang labi ko.

"Seeing you do that makes me want to kiss you more until I'm sated."- walang halong biro niyang bulong habang titig na titig sa akin.

Muli pang bumaba ang paningin niya sa labi ko bago tumitig sa akin at marahang dinilaan ang pang ibabang labi.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa klase ng kaniyang titig. Parang mahihimatay ako ng wala sa oras dahil sa bigat ng kaniyang presensya.

Natawa ito ng mahina at umayos na ng tayo. Ganun na lamang ang paghinga ko ng malalim at ang mabilis kong paglingon sa dagat habang pilit na kinakalma ang sarili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now