Chapter 18

14 1 1
                                    

Patty's POV

Suot suot ang black one piece swimsuit ko at maong short ay mabilis akong lumabas ng hotel. Mainit sa labas pero hindi naman gaano nakakapaso ang sinag nito.

Napangiti ako ng matanaw si hydie na malapit sa tabi'ng dagat at nakasilong sa isang malaking puno. Nakahiga siya sa sun lounger habang nakasuot ng kulay pink na swimsuit.

"Tita!"- umaliwalas ang kaniyang mukha ng makita akong paparating.

"Hi! Sinong kasama mo dito?"- tanong ko at naupo sa kaniyang tabi. Mabuti na lamang at kasya sa dalawang tao ang kaniyang kinauupuan.

Dahil sa pagka mestiza niya ay namumula na ang pisngi niya sa init.

"Daddy has no business meeting today kaya sinamahan niya ho ako dito."- balita niya habang nakangiti.

"That's good then."- nakangiti kong tugon. "Do you want to swim?"- tanong ko at sinulyapan siya.

"OMG! I would love too!"- she giggled at that idea.

She immediately pull my hand and together, we walk towards the water.

"Waaahhh!"- tili niya ng maramdaman ang hampas ng alon sa kaniyang paa.

Natawa ako atsaka mabilis na tinanggal ang suot kong maong short.

The curves of my waist and my long legs exposed immediately when I finally took off my short. Maayos ko yun linapag sa buhangin bago ko tinipon ang mga buhok ko.

Kasabay ng pag lingon ko sa dagat ay ang pagtanaw ko kay jovan na kasalukuyang nagsu-surfing sa tubig. Natigilan ako sa pag tatali ng buhok ko at naestatwa na lamang sa kaniya.

Ang normal na tibok ng puso ko ay bumilis. Parang may mga paru-paru sa tiyan ko ngayon at para silang nagkakagulo duon at hindi mapakali.

Mula dito ay kita'ng-kita ko ang topless nitong katawan habang nakasuot lang ng kulay itim na short. Tama nga ang hinala ko na mas lumapad pa ang kaniyang dibdib at mas naging fit ang kaniyang tiyan kahit na walang abs. Napalunok ako ng mapansin ang v-line niya. Pero ang mas naka agaw ng pansin ko ay ang eksperto niyang pag su-surfing sa gitna ng mga alon.

Nagagawa pa niyang paikutin ang kaniyang surf board pagkatapos swabeng lalapag ang mga paa niya duon. Sa bawat pagtalon nito ay sumasabay pa ang kaniyang buhok na basa at magulo. Paminsan-minsan din ang pag ngisi niya dahil sa mas lalong paglaki ng alon. Tila wala itong takot at kalmado pa siyang nakikipaglaro duon.

Pakiramdam ko kinapos na ako sa paghinga habang pinapanuod siya. Ni hindi ko maramdaman ang pangangalay ng dalawa kong kamay dahil ang buong atensyon ko ay nasa kaniya.

Habang pinagmamasdan ko siya ay para bang sumisingit saking isipan ang ala-ala ko sa kaniya nuon. Gaya ng dati ay magaling pa din siya sa pagsu-surf. Hanggang ngayon, namamangha pa din ako sa mga swabe niyang galaw. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na eksperto siya sa ganun. At hanggang ngayon, nagagawa pa din niyang kunin ang atensyon ko ng walang kahirap-hirap.

"Tita!"

I blinked when I heard hydie's voice infront of me. She's now playing at the water while giggling.

"A-ah oo, p-paparating na ako."- nauutal kong tugon.

Nang bumalik ang sistema ko ay tsaka ko lang din naramdaman ang pangangalay ng dalawa kong kamay.

I hurriedly tie my hair into bun and turn my gaze again to jovan.

Kakababa lamang niya sa kaniyang surf board sa oras na yun. Agad niyang pinulot ito at napasuklay sa kaniyang basang buhok.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now