Chapter 17

10 1 0
                                    


Patty's POV

"Kuya jovan, long time no see!"- bati ng isang lalake.

Lahat kami ay napa angat ng tingin dito at natigil sa pag kain.

Bumungad saking mata ang isang matangkad na lalake at mestizo. He has a rough and bad boy aura that defines his perfect jaw, pointed nose, thick lips, brown eyes and thick eyebrows.

Nakasuot ito ng blue longsleeves button down, black pants and rubber shoes while his hair was in faux hawk haircut na mas bumagay pa sa built ng kaniyang katawan.

"Alexander, how are you?"- kalmadong tanong ni jovan atsaka tumayo.

Napangiti ang tinawag niyang alexander atsaka nag tapikan sila ng balikat. "I'm fine. Kayo? Are you having a vacation here?"- tanong niya atsaka nagpamulsa.

"Ah yeah. Nagkataon din na may mga business meetings ako dito so..."- kumibit balikat si jovan habang nanatili sa likuran niya ang kaniyang mga kamay.

"Tito alexander!"- tawag ni hydie atsaka umalis sa pagkakaupo.

Napangiti ang lalake at niyakap ito. "Oww, you're a big girl now huh?"- nakangisi niyang tanong ng maghiwalay sila.

Napanguso naman ito sabay hawi sa kaniyang buhok. "I am not yet. You see I'm not even half of your height."- tugon niya sabay taas pa ng kaniyang kamay.

Natawa si alexander atsaka ginulo ang buhok ng anak ko. Magsasalita pa ata siya ng makita ako dahilan kung bakit nangunot ang kaniyang nuo at may nagtatakang tingin na sumulyap kay jovan.

Hindi ko na hinintay pa na ipakilala ako ni jovan dahil agad na akong tumayo at inabot ang kamay ko. "Patricia Fuertez. Nice to meet you."- pakilala ko at marahang ngumiti.

Sabay silang napatingin sa akin habang si jovan ay nakakapagtakang naka kunot nuo na.

"Alexander."- pakilala din niya habang may naniningkit na mata. "Alexander Gonzales. Nice to meet you too."- ngumisi siya sa akin at inabot ang kamay ko para makipag shake hands.

Napatikhim si jovan dahilan kung bakit sabay kaming nagbitaw ng kamay.

"What are you doing here, anyway?"- medyo pikon na niyang tanong.

Sabay kaming naupo muli ni hydie habang ang atensyon ay nasa kanila pa din.

"Oh, I have a business meeting here too. Kakatapos lang actually."- nakangiting baling niya sa kausap. "Anyways, I better go. Enjoy your vacation."- dagdag niya na kinatango ni jovan. Hindi ko naman inaasahan ang pagsulyap ni alexander sa akin at ang pag kindat niya. "I'm looking forward on seeing you again, patricia."- nakangiti niyang hayag.

"A-ah me too."- nahihiya kong tugon sabay tango.

Muli pa siyang nagpaalam kay hydie at jovan bago tuluyan ng umalis sa aming harapan.

Napabuntong hininga si jovan habang umiigting pa ang panga sa hindi malamang dahilan. "That punk."- narinig kong bulong niya.

Mabuti na lamang at hindi yun narinig ni hydie. Makakatikim talaga siya sa akin ng kurot kapag natutunan ni hydie ang mga ganong salita.

"We have similarity in our name miss!"- nawala ang atensyon ko kay jovan ng marinig ang boses ni hydie.

Tumaas ang dalawa kong kilay at ngumiti sa kaniya. "A-ang alin?"- tanong ko.

"My second name is ricia and your name is Patricia. Wow, that's amazing!"- nakangiti siyang napapalakpak. "We almost have the same name!"- natatawa niyang hayag.

Natigilan ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa kaniya at pinapanuod ang bawat pag ngiti niya.

Ang plano ko talaga nuon ay isunod siya sa pangalan ko pero naalala ko si jovan. Kaya pinili ko na lang na hydie ay dahil hydrex and second name ni jovan at ricia naman ang ginawa kong second name niya para kahit papano may natitira pa di siyang ala-ala sa akin. Akala ko kase hindi na kami tuluyang magkikita pa. Akala ko hindi na kailanman magtatagpo ang mga landas namin.

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon