Chapter 19

12 1 0
                                    


Patty's POV

Marahang umihip ang hangin dahilan kung bakit lamigin ako. Napayakap ako sa sarili at hinayaan ang sarili na panuorin si hydie na nakikipaglaro sa mga bata hindi kalayuan sa pwesto ko.

Naka swim suit pa din ako pero suot ko na ang short ko. Kakatapos lang namin kumain kanina na si jovan pa ang nag order sa restaurant at dinala na lamang nila dito.

Kung hindi ako nagkakamali ay mag aalas diyes na kaya masakit na sa balat ang sinag ng araw. Mabuti na lamang at masilong ang pwesto namin.

Habang nakaupo ako sa sun lounger ay napasulyap ako kay jovan na isang metro lamang ang layo sa akin. Naka side view siya habang ang isa niyang paa ay nakataas at nakasandal ang braso niya sa kaniyang tuhod habang ang isa ay nakalapag sa kinauupuang sun lounger.

May katawag siya kaya hindi niya napansin ang pagtitig ko. Hanggang ngayon ay namamangha pa din ako sa taglay niyang kagwapuhan. Kakaiba, nakakabighani at hindi nakakasawa. Hindi yung tipo na agresibo ang mga bawat kilos niya. Not even playful and jolly. He's just mysterious, serious, cold and formal. Women would think that he's no fun because of his seriousness. He's totally different.

Tuloy ay naalala ko ang kwento niya sa akin nuon na maagang namatay ang kaniyang magulang. Siguro yun ang isa sa mga dahilan kung bakit nahubog siya sa pagkakaruon ng responsibilidad niya.

Wala na siyang oras para mag saya at gawin lahat ng mga ginagawa ng mga lalake. Ang mundo niya ay napuno lamang ng trabaho at kung ano pang kaseryo-seryosong gawain.

"Stop staring."

Tsaka lang ako natauhan ng marinig ko ang malalim niyang boses. Napakurap-kurap ako at napagtanto'ng nakatitig na pala siya sa akin habang nakataas ang kilay. Tapos na pala siya sa pakikipag-usap sa katawag.

"P-pasensya..."- nauutal kong hayag at nag iwas ng tingin.

Muling umihip ang hangin kaya halos manginig na ako sa lamig. Hinanap ng tingin ko si hydie at muling napangiti ng makita itong nakikipagtawanan sa mga kalaro.

Nagulat na lang ako ng may humarang sa aking tinatanaw. Sa mismong tiyan pa talaga ako napatitig hanggang sa bumaba iyon sa kaniyang short at natigil sa umbok na nasa pagitan.

Sa gulat ko ay napasinghap ako at napahawak saking dibdib.

"Tss."- ismid niya ng mapansin ang ginawa ko.

Nahihiya akong nag angat ng tingin sa kaniya at nakita ko kung paano ito magpigil ng ngisi. Tuloy ay namula na ang pisngi ko sa sobrang hiya.

"B-bakit ka ba kase nanghaharang?"- depensa ko at napaatras sa aking kinauupuan.

"Why do you always do that hmm?"- tanong niya, nang aasar.

Umawang ang labi ko. "Ang alin?"

Sa pagkakataong yun ay napangisi siya at yumuko habang nanatili ang mga kamay niya sa likuran.

"Palagi mo akong minamanyak."- tugon niya atsaka linabas sa kaniyang likuran ang hawak na puti'ng twalya.

"H-hindi ah!"- tanggi ko ngunit nauutal.

Ang pagkakangisi niya ay naging ngiti na.

Dinala niya ang hawak na towel saking likod para balutin ako at hindi lamigin.

Gulat akong natigilan at natulala sa maamo niyang mukha.

"Nahuli na nga tinatanggi pa."- komento niya habang napapailing.

Sa inis at hiya ay tinulak ko siya sa dibdib pero hindi naman siya napaatras. "H-hindi ako ganun."- muling depensa ko.

Gusto kong singhalan ang sarili dahil kanina pa talaga ako nauutal. Bakit kase sobrang lapit niya?

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now