Chapter 26

881 15 0
                                    

"YUNG TOTOO, saan nyo ba ako dadalhin?"

Kanina pa ako nag tataka kung saan ba kami pupunta. Para kasing walang hanggang ang daang tinatahak ni Black.

At saka bakit ba ako lang ang kasama nila? Pwede naman namin isama sila kiya Ezekiel. Pero bakit mas pinili nilang kaming tatlo lang?

Di kaya nananadya talaga itong si Margoux? Gusto nya talaga ata akong gawing chaperone o baka naman gusto nya talaga ako gawing third wheel.

Pero bakit nga ba ako magiging third wheel? Meron bang relasyon si Margoux at Black? I mean, ayaw ko naman silang pangunahan pero masyado kasing obvious na may namamagitan sakanila. Pero hangga't wala silang sinasabi na magpapatunay na may relasyon nga sila ay hindi ako pwede mangealam.

Tiningnan ko ang dalawa na nakaupo sa harapan. Nalimutan kona ang tinanong ko at hindi na ako nag abala panh ulitin yon. Mukha kasing may sariling mundo ang dalawa kong kasama ngayon.

Kahit na medyo wala ako sa sarili ay hindi nakawala sa mga mata ko ang mga simpleng pagtitinginan ng dalawa.

Anong klaseng relasyon kaya ang meron sila?

Mula sa pagkakatingin ko sa mukha nilang dalawa ay bumaba ang tingin ko sa kamay ni Margoux na unti unting inaabot ni Black.

Aba at nananantsing pa nga.

Hokage moves pa nga.

"Ehem."

Pasimple akong umubo para kunin ang atensyon nila.

Si Black na tila nadismaya ay binawi ang kamay at ikinamot sa ulo nya.

Si Margoux naman na parang alam ang nangyayari ay napatakip nalang ng kanyang bibig at pilit pinigil ang kanyang tawanin.

"Pansin ko lang ha, mahigit dalawang oras na tayong nagbbyahe. Saan nyo ba talaga ako balak dalhin?"

Nag tanong akong muli dahil alam kong sasagutin na nila ako ngayon.

Mas naririnig na kasi nila ako at hindi na sila busy sa isa't isa.

"Chill ka lang dyan ate, makakarating din tayo. Hindi ko pa pwedeng sabihin kung saan tayo pupunta kaya pwede ka pang matulog. Gigisingin nalang kita pag nandon na tayo."

Wala akong nagawa kundi marahang tumango.

Kahit na sobrang na cucurious ako at na eexcite ay kailangan ko rin ng tulog.

Hindi kasi ako masyadong nakatulog sa bahay.

Laging nasa isip ko na kahit anong oras ay pwedeng magising si Axel.

Sobrang nag aalala lang ata ako sakanya.

Sino man bang makakatulog nang maayos kung ang taong pinaka pinagpapahalagahan mo ay nakaratay sa kwarto nya ng ilang linggo at hindi pa nagigising.

Kahit na labag sa kalooban ko ay pinili ko parin sundin ang sinabi ni Margoux.

Natulog muna ako at nagpahinga.

"SURE ka ba na magugustuhan nya dito?"

"Ano ka ba? Ikaw ang nag pili ng lugar tapos saakin mo itatanong?"

"Eh ikaw ang pinag check ko ng buong lugar eh, sa tingin mo ba bet nya yung place?"

"Hindi naman mapili yang si Astrid eh, na aappreciate nya ang mga maliliit na bagay. Kahit nga ata sa tabi ng ilog mo pa sya dalhin sobrang saya na nya. Dito pa kaya sa sobrang gandang lugar na ito?"

"Sige sige, gigisingin ko lang si ate Astrid."

Dinig ko ang pagpapalitan ng salita nila Margoux at Black.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon