Chapter 24

864 19 0
                                    

Sorry for the long wait. Sobrang na busy talaga ako sa online class. May time ako ngayon para mag update kasi may 1 week kaming pahinga. Happy reading! ☺️

HINDI SYA makatulog nang gabing yon. Wala syang ibang inisip kundi si Axel at kung kailan ito magigising.

Kailangan na nyang magising. Kailangan nyang malaman kung ayos lang ba talaga sya. He needs her. She needs him.

Kailangan nya na marinig ang boses ni Axel. Ni hindi nya pa nga napasasalamatan si Axel sa lahat ng ginawa nya para sakanila.

Kailangan nyang sabihin kay Axel na ayos na ang lahat.

Na handa na sya.

Na handa na sya para sakanya.

Na wala nang pipigil sakanila.

Ilang minuto pa syang nakatulala sa kisame ng kwarto nya bago sya umupo at hinilot ang ulo nya.

Medyo masakit pa iyon lalo na't hindi sya nakatulog nang maayos.

Dahil kulang sa pahinga ay naramdaman nya kung paano sya nanghina.

Naramdaman nya ang pag bigat ng pakiramdam nya at parang pag lambot ng tuhod nya.

Nahihirapan man ay pinilit nya parin na maka tayo at dumiretso sa banyo para maligo.

Matapos makaligo ay parang gumaan ang pakiramdam nya.

Nawala ang antok nya at nahimasmasam din sya.

Nag palit sya ng maong na shorts at itim na t-shirt. Wala naman syang pupuntahan kaya tama na ito.

Lumabas sya ng kwarto na nang may maliit na ngiti sa labi.

Dumaan muna sya sa kwarto na kinaroroonan ni Axel upang bisitahin ito.

Binuksan nya ang pinto ng kwarto nya at sumalubong sakanya ang amoy gamot na kwarto.

Naandon parin ito sa kama at halos walang buhay nang nakahiga.

Bakas parin ang mga galos sa mukha nito na hindi naman naka apekto sa itsura nito.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Axel at tanging pagtaas at pagbaba lamang ng dibdib nito ang nakita nya.

Muli syang umupo sa gilid ng kama nito.

Pinagkatitigan nya ang mukha ni Axel at hindi mapigilang mapangiti.

"Wake up.."

Kahit alam nyang hindi sya nito naririnig, ay kinausap parin nya ito.

"Please, wake up.."

She said slowly.

"Everything's fine now.."

She said as she brushed away a strand of hair blocking Axel's face.

"I have a lot to tell you..."

Hindi nya nilubayan ng tingin ang mukha ni Axel. Natatakot na baka mawala ito bigla. Na baka panaginip lang ang lahat. Na baka wala talagang Axel sa buhay nya.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon