Chapter 14

1.2K 33 0
                                    

"MAG IINGAT ka"

Habiling saakin ni Daddy. Si Axel naman ay nakatingin lang saakin, I can see a hint of sadness in his eyes. Perp napag usapan na namin ito. Itutuloy ko ang plano. Ito nalang ang natitirang paraan para maitakas ko si Mommy.

"You can do this. You can bring Mamá back to us."

Hinalikan ako sa noo ni Kuya Ezekiel at ginulo ang buhok ko.

Ngayong araw palang ulit kami nag kikita ni Kuya.

Hindi man lang kami nagkaroon ng oras para mag kwentuhan o mag saya man lang.

Kitang kita ko sa mata nilang lahat kung paano sila mag alala saakin. Pero lahat din sila, ay binigyan ko ng isang siguradong ngiti. Maibabalik ko si mommy. Makakabalik kami ng ligtas.

"Ate!"

Parang batang tumakbo si Margoux palapit saakin at mahigpit akong niyakap.

Margoux became a part of me. Para ko na syang kapatid. Nandyan sya lagi para saakin. Lagi nya akong tinutulungan sa lahat kahit na alam nyang sya ang mapapahamak.

"It's okay. I'll come back. I'll come back safe. With mom."

Umiiyak paring isinubsob ni Margoux ang mukha nya saakin.

Hindi ko sya masisisi. Alam kong katulad ko, kahit na sa maiksing oras ng pag sasama namin ay napalapit narin ako sakanya.

I look at Black and mouthed, 'Take care of Margoux'.

Mukha namang naintindihan nya ito dahil tumango sya.

Humiwalay na si Margoux saakin kahit na mukhang labag pa sa kalooban nya.

I smiled and waved at them.

Handa na ako.

Handa na akong i buwis ang buhay ko para sa ina ko.

Ang damit na suot ko ngayon ay ang damit din na suot ko ng kidnappin ako.

Napangiti ako ng maalala ko ang mga panahong pumapasok pa ako. I'm with my uniform.

Tinalikuran ko sila at akmang lalabas na ng bahay ng biglang may humila saakin paharap.

Huli na ng mapagtanto ko kung sino yon dahil dumapo na ang malambot nitong labi sa labi ko.

It's Axel.

Ngumiti ako at pumikit.

Hindi nag tagal ay nag hiwalay narin ang mga labi namin.

"Hindi ko alam kung makakabalik ka pa ba. Hindi ko alam kung ito na ba ang huli nating pag kikita. But always remember..."

"....I love you"

Napangiti ako sa sinabi nya.

Tama sya, pwedeng ikamatay ko ang gagawin ko.

Pwedeng hindi na ako makabalik ng buhay.

"Babalik ako. Babalik ako. Pangako. Babalik ako."

Kita ko ang sakit na namumuo sa mga mata nya.

Sana, sana matupad ko ang pangako ko. Sana makabalik ako.

Tunalikod na ako para umalis. Pero may kung ano saakin na pinilit akong lumingon.

"Axel"



"Wag mo akong kakalimutan"

Hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi. Hindi ko alam pero nararamdaman kong dapat ko yon sabihin kay Axel. Na dapat ko syang laging paalalahanan na wag nya akong kakalimutan.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon