Chapter 25

873 14 0
                                    

WALA SANA akong balak maging third wheel, pero wala naman din akong choice.

Pwedeng hindi na sana ako sumama at nag stay nalang sa bahay.

Pero hindi ko naman alam ang gagawin ko sa bahay. Sobrang bored na ako, ayaw ko naman manatili sa kwarto ni Axel. Dahil sigurado akong hindi ko mapipigilan ang sarili kong umiyak.

Kelan na ba sya magigising? Magigising pa kaya sya?

I can't help but to blame myself. Kung sana hindi palpak ang plano ko hindi sana nya ako doon susunduin. Hindi sana kami naaksidente.

I wonder if he'll be fine sa oras na magising sya.

Sana.

Sana maging ok kana.

Sana maging ok na ang lahat.

"Ate Astrid?"

Naglaho ang mga iniisip ko at napatingin kay Margoux na nasa passenger seat.

Kanina pa pala ako nito kinakausap at tinitingnan pero hindi ko man lang namalayan.

Naglalayag ang isip ko kung saan saan. Dapat ay nag enjoy ako ngayon at mawala sa isip ko ang mga problema.

Nasa kotse kami ngayon ni Black, hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ng dalawang ito pero inakit nila akong lumabas.

Pati siguro sila ay napapansin na rin ang pagiging matamlay ko.

Pero hindi ko naman maiiwasan yon. Axel is in a coma.

It's been weeks pero hindi parin sya nagigising.

Lalo pa't alam kong ako ang dahilan kung bakit sya nasa ganong kalagayan.

Siguro masyado lang akong nag iisip, pero sa palagay ko ay may magbabago sa oras na magising si Axel.

Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano yon.

"Are you ok?"

Tanong ni Margoux na may bahid ng pag aalala sa boses nya.

Napatingin din saakin sa rearview mirror si Black.

"Y-yeah, I'm fine."

Pagsisinungaling ko.

Siguro kahit na anong gawin ko, saan man ako pumunta, hindi parin maaalis ang pag aalala ko kay Axel.

Ngumiti saakin si Margoux at mas humarap pa saakin.

"I know what you're thinking. Nag aalala ka kay kuya diba?"

Kalmadong pagkakasabi nya.

Hindi ko kayang mag sinungaling nang ganon kay Margoux. Sya ang nandyan ng mga panahong kailangan ko ng kabigan. Sya ang nandyan ng mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Sya ang nandyan ng nga panahong kailangan ko ng tulong. At hindi sya nawala sa tabi ko na kahit sarili nyang buhay ay handa syang ibuwis para lang mailigtas ako.

Kaya kahit na ayaw kong mag alala pa sya ay tumango nalang ako.

"You're mind's full of what ifs right?"

Sa ikalawang pagkakataon ay tumango ako.

"You're probably thinking na kahit saan ka pumunta o kahit anong gawin mo sya at sya parin ang laman ng isip mo diba?"

Wala akong nagawa kundi tumango.

"Hay, ate Astrid. Wala ng ibang ibig sabihin yan maliban sa mahal na mahal mo ang kuya ko."

Napatingin ako sakanya at bahagyang natawa.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kasi ate Astrid, wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay kuya. Ang gusto mo lang naman ay mailigtas ang mommy mo. At isa pa, wala namang perpektong plano. Kaya natural lang na medj nag fail ang pagtakas mo."

Nakatingin parin saakin si Margoux habang ako naman ay nakatungo.

Yes, I think my plan wasn't that good kaya it didn't work. But atleast, nasaamin na ngayon si mommy.

"Alam mo ba ate Astrid, when kuya found out na hindi ka kasama nila kuya Ezekiel nag panic agad sya. Walang ibang nasa isip nya kundi ang mailigtas ka. Sorry ate ha. I tried. I tried to convince him not to go pero hindi sya nagpa pigil. Ang sabi nya saakin, kahit na ikamatay nya gagawin parin nya mailigtas ka lang."

Mapa tingala ako sakanya dahil sa narinig ko.

Nakita ko pa ang pag kurba ng labi nya.

Ibig sabihin, desidido talaga si Axel na mailigtas ako?

"Halos sabunutan kona nga sya non wag lang tumuloy eh."

Natawa ako sa huling sinabi nya.

Kahit na seryoso ang pinag uusapan. Kahit na sobrang nalulungkot ako. Lagi parin talaga gagawa ng paraan si Margoux mapa gaan lang ang pakiramdam ko.

"Yan! Yan yung ngiti na gustong gustong nakikita ni kuya!"

Medyo nagulat pa ako dahil sa biglang pag sigaw nya.

"Inutusan si kuya ng daddy mo para kidnappin ka. Pero bago pa ang utos na yon ay may ginawa ng hakbang ang kuya ko."

Medyo madaldal ata si Margoux ngayon. Pero hindi narin masama. Mas natutuwa pa nga ako dahil ang dami kong nalalaman na hindi ko alam dati.

"Hakbang? Ano yon?"

"Ini stalk ka nya."

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway.

Me? Stalked? By Axel?

"Paanong?"

"Simula nung maaksidente kayo, pina imbestigahan ka ni kuya. Pina hanap ka nya. Sya mismo, sinusundan ka. Sinisiguro nya na hindi ka mapapahamak. Yung para bang, nag silbi syang Guardian Angel mo."

Creepy siguro to kung iisipin. Pero kung ginagawa lang naman nya ito para sa kaligtasan ko ay hindi ako aangal. Isa pa, parang normal lang saakin ang narinig ko dahil hindi naman na iba si Axel saakin. I'm glad he always keep me safe.

"Naalala ko nga noon eh, umuwi si kiya na may pasa at dumudugo ang labi. Tinanong ko sya kung anong nangyari. Ang sabi nya, sinusundan ka daw nya non nang biglang may nakita syang isa pang sumusunod sayo. Mukha daw lasing at may masamang balak sayo. Kaya ayon, nakipag bulbugan ang gago."

Napa ngiti nalang ako.

Totoo palang hindi mo ako iniwan kahit kailan.

"Oh, remember Geneva Lacson?"

Na alarma ako sa pangalan ng babaeng yon kaya agad ako tumango.

That's the girl with a great figure na todo lumingkis kay Axel.

"What about her?"

"She used to be kuya's fiancé."

Agad na nag iba ang timpla ko.

Ang kaninang naka ngiti kong mukha ay binalot ng pagtataka.

Fiancé? Used to be?

"What do you mean? Nagkaroon ng ibang girlfriend ang kuya mo? At bakit ginamit mo ang 'used to be'? Anong nangyari at hindi natuloy ang kasal nila?"

"Hindi naman halata na interesado ka diba?"

Nakapanloloko ang ngiti na ibinigay saakin ni Margoux.

"Uhm, no actually—"

"Akala nila mommy ay patay kana. Kaya pina arrange nila ang marriage ni kuya. At si Geneva ang pinalad na babae na napili nila mommy. So hindi talaga nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Kuya told me that Geneva ain't his ideal type."

"Kaya nga nang malaman ni kuya na buhay ka pa, agad nyang sinabi kela mommy na ipa cancel ang kasal. At simula non, hindi na tinigilan pa ni Geneva ang kuya ko."

"Sa tingin mo, gusto kaya ni Geneva si Axel?"

"Aba! Maghahabol man ba ng ganon yon kung hindi? Hindi nga lang ata gusto eh. Gustong gusto!"

I have a bad feeling about this.

-DK-

Short ud brrt brrt


Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon