Chapter 32 (Part 3)

782 14 0
                                    

NANG MAKABABA sa hagdanan ay natahimik si Axel.

Kahit na dadalawa lamang silang naroon ay puno ng mga kagamitan ang bahay at tila ba ang gandang pagmasdan.

Dahil na rin sa laki nito ay hindi niya agad natanaw kung nasaan ang kusina.

Dahil sa pagkawala ng gutom ay napag-isipan niya na maglibot libot muna.

Una niyang napuntahan ang sala.

Sa loob nito, kapansin pansin ang mahabang fireplace na mayroon malaking flat screen na TV sa ibabaw non. Sa harap nito ay ang mahabang red velvet na sofa. May mataas na lamp sa tabi nito at marami pang mga lumang kagamitan na bumagay sa bahay. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan ang nag sisilbing ilaw nito.

Sinundan niya ang liwanaag ng buwan na tumatagos mula sa bintana ng sala.

Tumingala siya para pagmasdan ang bilog na buwan at pilit tinanaw ang paligid pero tanging mga puno lamang ang nakikita niya.

"Fuck, where am I?"

Tanong ng binata sa kaniyang sarili.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakidnapped siya.

Siya anng tipo ng tao na gagawin ang bagay na ito, pero mahirap palang tanggapin kung ikaw mismo yung nasa posisyon.

Axel just smiled to himself and he only got one thing in his mind in that very moment.

'Nakahanap ako ng katapat ko'

Napatawa na lamang siya sa naisip.

"Having fun?"

Kanina pa niya nararamdaman ang presensiya ng babae sa likod niya, pero pinili niyang hindi ito pansinin.

Mukhang hindi rin ito nakatiis na kausapin siya.

"I'm hungry."

Sabi niya at nauna nang pumunta sa kusina.

Ang babae naman ay walang imik na sumunod sakaniya.

Nang makarating siya sa kusina ay isang pagkain lang ang bumungad sakaniya.

"Spaghetti.."

Umupo sya at pinag masdan ang pulang pasta na nakahain sa harap niya ngayon.

Umangat ang tingin niya sa babaeng umupo sa kabilang dulo ng lamesa.

Natigilan naman ito dahil naramdaman ang titig ng binata.

"Just eat."

Walang ganang sabi nito at sinimulan na ang pagsubo ng pagkain.

Wala namang nagawa si Axel kundi kanin ang pagkaing nasa harap niya.

He's not a fan of pastas, pero nang malasahan niya ang pagkaing nakahain ay di nalang niya namalayan na naubos na pala niya ito.

"You cooked this?"

Huli na nang itanong niya iyon. Naubos na niya ang pagkain at nahihiya pa nga siyang uminom.

Napatingin na lamang ang dalaga sa kaniyag plato na walang bahid ng kung ano. Napansin din niya na nangangalahatian pa lamang ang dalaga sa kinakin nito.

The girl did not answer his question. Tumayo lamang ito at saka naglakad patungo sa pinto.

"You can eat mine."

Bulong nito nang makalapit samay uupuan niya. Saka ito tuluyang lumabas.

Kahit na gusto pa niyang kumain ay di na niya ito nagawa.

Mas importante sakaniya ngayon na malaman kung sino nga ba talaga ang babaeng nasa likod ng maskara na yon.

Mabilis syang tumayo at hinabol ang dalaga.

Sa pagtatangkang matatanggal niya ang maskara nito ay basta na lamang niyang hiniklas ito.

Pero mabilis itong nasalag ng dalaga at mahigpit na hinawakan ang kaniyang pulsuhan.

"Sino ka ba talaga?"

May sasabihin sana ito pero hindi niya tinuloy.

"Malalaman mo rin sa takdang oras."

Saka lang nito binitawan ang kaniyang kamay at lumabas ng bahay.

-DK-

Another short update!!! This will be the last part of chapter 32.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon