Chapter 7

2.3K 45 4
                                    

NAGISING AKO nang naka higa na sa kama ko. Wala naman akong maalalang humiga ako sa kama. Ang alam ko lang walang tigil ako sa pag iyak kahapon sa isang sulok.

Bumangon ako at naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Dahil siguro sa sobrang iyak ko kagabi.

Diretso naman akong pumasok sa banyo at agad na pumailalim sa maligamgam na tubig na nag mumula sa shower. Kahit papaano ay napagaan nito ang loob ko at naalis ang sakit sa ulo ko.

Pagkatapos maligo ay nagpalit ako ng white v-neck tee shirt at denim shorts.

Bumaba na ako at napansing walang katao tao roon. Dapat kumakain na sila nang mga oras na ito, pero asaan sila? Si Margoux? Si Tito Astro?

"Masakit ba ang ulo mo?" Napalingon ako para lang makita s Axel.

Saglit na huminto ang pag hinga ko nang makita ko ang itsura nya.
He's wearing a tux, and he's stunning. Dagdag pa ang mabangon amoy nito kahit na medyo malayo sakanya ay amoy na amoy nya. Pinagka titigan nya ito at napansing hindi maayos ang necktie nito.

Lumapit sya palapit dito samantalang naka titig lang ito sakanya.

"Ang gwapo gwapo mo lang tapos di ka marunong mag necktie?" Nakangiting sabi nya habang inaayos ang necktie nito. Naramdaman nya ang titig nito kaya naman sinalubong nya ang mga mata nito. Hindi sya makagalaw nang mag tama ang mga mata nila, parang merong kung ano sa mga mata nito na inaakit sya, kinokontrol sya.

"I'm sorry." He whispered huskily. Umawang ang labi nya ngunit walang salitang lumabas doon. Hindi nya alam kung anong nangyari sa katawan nya ngunit parang may sariling isip itong dumikit sa katawan ng binata.

"I better get going." Sabi nito, saka lang sya natauhan at lumayo sa katawan nito. Saka lang din nya naalala na papasok pala ito sa opisina.

"B-bye" Paaalam nya, tiningnan lang sya nito at tinanguan saka umalis palabas ng bahay.

NAPAG-ISIPAN ko naman na mag linis muna ng bahay habang wala si Axel. Wala rin si Margoux at Black, hindi ako sigurado kung may namamagitan ba sa dalawang yon pero parang meron nga. Hindi nga lang ata maayos.

Habang nag lilinis ako ng mga pinggang ay naalala ko si Iris. Sya lang ang itinuturin kong kaibigan. Karamihan kasi sa mga nagiging kaibigan ko ay hindi naman pala totoo, laging mat hidden agenda. Samantalang si Iris ay napatunayan kong totoo saakin. Kumusta na kaya si Iris? Nag aalala na rin kaya sya saakin? Bumuntong hininga ako ay napansing nahulog ko pala ang tinidor.

Sabi saakin ni Iris kapag daw nahulog ang tinidor meron daw paparating na lalaking bisita, ganon rin sa kutsara amg pinagkabi lang ay babae ang darating kapag kutsara ang nahulog.

Kinuha ko yun muli at hinugasan.

Kalalabas ko ng kusina nang makita ko si Axel na pumasok sa pintuan. Bakit ang aga yata nya?

Kinawayan ko sya at ganon din ang ginawa nya, nginitian nya ako ngunit agad din namang nawala ang ngiting yon at dali dali itong lumapit saakin.

"Fuck you're bleeding!" Saad nya na ikina panic ko naman. Baka nahiwa ako ng kutsilyo kanina at hindi ko namalayan?

"Huh? Asan?" Nag tatakang tanong ko nang tingnan ko ang mga kamay at braso ko na wala namang galos.

"Look at your butt, you're bleeding! Ano bang ginawa mo at nasugatan ka ata?" Natigilan naman ako sa sinabi nya. Shit.

Mabilis kong inilayo ang sarili ko sakanya na sya namang ipinag taka nito.

"Hey come here, lilinisan natin ang pinag gagalingan ng dugo." Umiling ako at patuloy na lumayo sakanya. Ngunit hindi ito tumigil sa pag lapit saakin.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon