Chapter 30 (Part 2 end of chapter 30)

949 18 4
                                    

HINDI ko alam kung asan ako. Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Walang hinto sa pagtakbo. Ang tanging alam ko lang ay malayona ako sa lugar kung saan nag mumula ang sakit na nararamdman ko.

Nahihirapan na akong huminga at pagod na pagod ay hindi parin ako tumigil sa katatakbo. Ramdam ko na ang pag agos ng dugo sa aking paa dahil sa sugat na natamo mula sa sapatos na suot.

Malabo man ang paningin dahil sa patuloy na pag agos ng aking mga luha ay tinahak ko parin ang daan na hindi ko alam kung saan papunta.

Napatigil na lamang ako nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Pilit kong hinahabol ang aking hininga at pinunasan ang nag kalat na luha sa aking pisngi.

"AAAAAAAAAAAAAAARGH!" Malakas na sigaw ang aking pinakawalan.

"ANO BA?! HINDI NA BA ITO TITIGIL? BAKIT?! BAKIT NANGYAYARI ITO SAAKIN? BAKIT AKO? BAKIT SA KINARAMI RAMI AKO PA TALAGA?!"

"ETO NA BA YON? WALA NA BA KAYONG IDADAGDAG? BAKA MAY GUSTO PA KAYONG IDAGDAG! HINDI PA ATA SAPAT PARA SAINYO ANG NARARAMDAMAN KO! HINDI PA ATA SAPAT ANG NARARANASAN KO!"

"OKAY NA BA? SINO PA BA ANG MAWAWALA SAAKIN? ANO PA BAG MANGYAYARI SAAKIN? ANO PA? SAGUTIN NYO NAMAN AKO! BAKIT NANGYAYARI SAAKIN TO?!!!"

Pilit akong nagsisigaw sa gitna ng kalsada kahit na wala naman akong kausap. Pakiramdam ko ay mababawasan ang mga sakit at bigat na nararamdaman ko kung sakaling gagawin ko ito. Pero nagkakamali pala ako, dahil hindi iyon ang nangyari. Dahil kahit na gaano pa ako katagal sumigaw, kahit sabihin ko pa lahat-lahat, hindi na ito mababawasan. Hindi na ito mawawala.

Napalingon na lamang ako sa gawi kung saan narinig ko ang tunog ng kotse. Doon ko unti unting nasilayan ang isng itim na kotse na papalapit sa direksiyon ko. Hindi ko masyadong makita ang taong nasa loob nito dahil sa luha at ulan na pumapaloob sa mga mata ko.

"Siguro ito ang sagot..."

"Siguro kung mamamatay ako, mawawala na ang bigat na nararamdaman ko..."

Hinayaan ko ang kotse na patuloy sa dreksiyon ko. Hindi ako umalis sa kinaatayuan ko at unti-unti nalamang ipinikit ang aking mga mata.

"Siguro nga'y yoon na ang huli nating pagkikita..."

"Salamat Axel.."

"Mahal na mahal kita."

Ang huling narinig ko ay ang malakas na pitada ng kotse, bago ako nawala.

"HAAAAAAAAAH!"

Napasigaw ako kasabay ng biglaan kong pagbangon sa kama.

Para bang may pumigil saakin na huminga. Para bang nanggaling ako sa isang napaka lalim na panaginip. Para bang nalunod ako.

"Astrid? Hey, are you okay? Can you hear me?" Boses ni kuya Ezekiel ang aking narinig. Napatingin na lamang ako sakanya, kita ko sa mukha nya ang pag aalala saakin.

Sa isang malapit na upuan ay nakita ko naman si Iris, mukhang nakatulog ito at kakagising lang din.

"You're awake." Sabi nito at tumayo para puntahan ako.

"What happened? Bakit bigla ka nalang umalis?"

"Nag alala kami sayo lam mo ba yon?"

"Nang sabihin saamin ni Margoux ang nangyari, nag madali kami para hanapin ka."

Halos hindi ko na alam kung kaninong boses nanggagaling ang mga tanong na iyon, wala ako sa sarili ko at ang iniisip ko lang ay bakit buhay pa ako ngayon.

"B-bakit buhay pa ako?"

Muntik nang hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon, hindi ko rin alam kung bakit napag isipan kong magpakamatay. Hindi ako ganong klaseng tao. Pero siguro nga'y narating talaga tayo sa punto kung saan hindi na natin kaya ang mga nangyayari saatin na ito na lamang ang nakikita nating paraan para hindi na tayo mag hirap.

"Ano? Gusto mo na bang mamatay? Astrid bakit? Tell us, anong problema." Nakaupo na si Iris sa gilid ng kama samantalang naka luhod naman si kuya Ezekiel habang nakatingin saakin.

"Lahat, lahat problema. Hindi ko na kaya. Yung kotse na dumating noon, dapat sinagasaan niya ako. Patay na sana ako ngayon. Pero tingnan niyo, buhay parin ako. Hindi ko alam kung malakas lang ba talaga ako, kung hindi ko pa ba oras, o kung hindi ako mamatay matay kasi gusto talaga akong pahirapan." Halos patawa kong sabi, ngunit gayunpaman ay wala ni isa sakanila ang tumawa.

"Naligtas ka, kasi hindi ka pa dapat mamatay. Kasi marami ka pang hindi nagagawa. Marami ka pang hindi natatapos. Marami ka pang hindi pwedeng iwanan, at kami yon." Sabi ni Iris habang hinahawakan ang buhok ko na para bang pinapakalma ako.

"Yung kotse na tinutukoy mo, kami yon. Hinahanap ka namin, hindi ka pa patay dahil hindi ka naman nasagasaan. Niligtas ka namin, kasi hindi ka pa pwedeng mamatay. Kasi kailangan ka namin." Muling sabi ni Iris.

"Bunso, I'm a man but still you can trust me. You can tell me everything. I'm always here for you bunso." Muntik nang tumulo ang luha ko sa sinabing yon ni kuya Ezekiel. Hindi siya nag sasalita ng ganito pero this time pinilit niya para lang mapagaan ang loob ko.

I smiled at them.

As long as I have them, there's no reason to give up.

They're my strength.

"Magpahinga ka na muna, huwag kang mag alala you won't be seeing him today. So rest."

Kasabay ng pag sara ng pinto ay siya ring pag sara ng mga mata ko.

MGA bandang eight na rin ng gabi nang ako ay magising. Kahit na nanghihina pa at ramdam na rin ang gutom ay wala paring ibang pumasok sa isip ko kundi si Axel.

hmm..

Naglakad ako palabas ng veranda at nilasap ang simoy ng hangin. Kita ko ang pag kinang ng mga basang dahon na naiilawan ng maliwanag na buwan.

"Bakit kaya ganon no? Bakit ako pa ang nakalimutan mo? Sa dinami-dami ako talaga yung napili mong kalimutan." Bulong ko sa buwan.

"Kasi mahal ka niya."

Bahagya akog nagulat nang may narinig na mag salita sa aking gilid.

Nang tingnan ko ito ay mukha ni mommy ang bumungad saakin.

"Kung mahal niya ako, bakit niya ako kinalimutan mommy?"

Ngumiti ang aking ina at unti unti akong niyakap habang nakatingin kami pareho sa buwan.

"Naalala mo ba ang sinabi ng doctor?"

Tumango naman ako.

"Nawala ang pinaka mahalagang ala-ala ni Axel, ibig sabihin ikaw yon. Ikaw ang nakalimutan niya dahil ikaw ang pinaka mahalaga sakanya. Dahil mahal ka niya."

"Alam mo ba, noong nabubuhay paang lolo at lola mo ganiyan din ang nangyari sakanila."

"Talaga po?"

"Makakalimutin na kasi ang lolo mo, kaya araw araw tinatanong niya kung sino ang lola mo."

"Pero alam mo kung anong sagot ng lola mo?"

"Ano po?"

"Mahal kita. At tuwing sinasabi niya yon, nangiti ang lolo mo at sinasabing mahal din niya ang lola mo."

"Tatandaan mo Astrid, ang utak nakakalimot pero ang puso? Hindi. Kahit malimutan pa niya ang lahat lahat sayo, maaalala niya na mahal ka niya."

"Dahil ganon din ang nangyari sayo anak, hindi nakalimutan ng puso mo si Axel kaya naalala mo sya. Dahil alam ng puso mo, na minahal mo siya."

"Kaya anak, mag desisyon ka. Isusuko mo ba si Axel o ipaglalaban mo siya? Hahayaan mo nalang ba na makalimutan ka niya o maalala niya ang pag mamahal niya sayo?"

-DK-

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon