Chapter 17

1K 19 0
                                    

Ngayon lang ulit ako nakapag update. And I'm sorry for that. Nagka sakit kasi ako so ang promise ko na mag uupdate kinabukasan ay hindi natuloy. Btw, Happy Reading!😚

NAKARATING kami ni tito Gilbert sa harap ng Condo ni Iris.

This is it. I'm going to tell her everything she needs to know. Sana, sana tulungan nya ako. Sana pumayag sya.

Papasok na sana kami sa loob nang tumunog ang cellphone ni tito Gilbert.

Kinuha nya yon mula sa bulsan ng pantalon nya saka sinagot.

"Hello?.......Yes......Yes......Ok.....Ok, I'll be there."

Tinapos nito agad ang tawag saka ako tiningnan.

"Is there something wrong?" Tanong ko.

"May problema sa kumpanya, I need to go. Susunduin nalang kita, ok lang ba yon?" I almost forgot na may kumpanya pala sya.

"Ok dad, I'll wait."

Tumango ito bago tuluyang umalis.

Now that I'm here, masasabi ko na kay Iris ang plano ko. I need her. Hindi gagana ang planong ito kung wala sya.

Instead of ringing the door bell ay kinatok ko nalang ang pinto ng condo nya. I'm sure she's here, wala naman syang pinupuntahan tuwing weekends.

*Knock knock knock*

Ilang segundo akong nag hintay bago bumukas ang pinto.

Humahakay pa ito ng pag buksan nya ako ng pinto.

"Astrid?"

Hinila nya agad ako papasok ng unit nya saka ni lock ang pinto.

"Kuhaan muna kita ng maiinom." Tinanguan ko lang sya at umupo sa mahabang sofa.

Hindi nga nag tagal ay bumalik na si Iris na may dalang isang baso ng sa tingin ko ay orange juice.

Ibinigay nya iyon saakin at ininom ko naman yon ng isahan.

"I heard that your back. Nasa puder ka na ulit nila tito Gilbert?"

"Yes." Ipinatong ko ang baso sa mababang lamesa bago sya hinarap.

"Iris, I'm not here to visit you"

Tiningnan naman ako nito na nag tataka. She's probably thinking kung anong ginagawa ko dito maliban sa pag bisita sa kanya.

"What do you mean?"

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang mag salita.

"Remember when I told you that I have amnesia?"

Saglit na nag baba ito ng tingin at nag isip. Isang beses ko lang sakanya nabanggit ang tungkol sa pagkakaron ko ng amnesia. Siguro ay nakalimutan nya.

"Yes. What about it?"

Hindi parin nawawala ang tila naguguluhang mukha nito.

"I can remember everything now. Naaalala ko na lahat."

"And?"

"Tito Gilbert isn't my Dad."

Pagka sabing pagka sabi ko noon ay bumakas sa mukha ni Iris ang gulat. Napa nganga pa nga ito na parang may gustong sabihin pero hindi nya nagawa.

"W-who's your dad?"

"Astro Collins. Sya ang nagpa kidnap saakin. He's my father. Akala ko sasaktan nila ako, pero hindi. Kasi ang totoo, anak nya pala ako."

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon