Chapter 28

836 21 2
                                    

"ANO KAMO?"

Agad akong bumaba sa stage at ganon din ang ginawa ni daddy.

Si mommy na mukhang inireready pa ang mga pagkain ay lumabas narin para puntahan kami.

Lahat ng nandito ay nag tipon sa harap ni Margoux.

Ang iba ay mukhang walang alam at naguguluhan pero nag punta rin dito para malaman ang nangyayari.

"Primo called me."

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Margoux ay pinakikinggan namin. Nakatuon lang ang mga mata sakanya na sya sigurong nakapagpa ilang sakanya.

Parang nag dadalawang isip pa itong ulitin ang sinabi kanina dahil na rin siguro sa kabang nararamdaman dahil sa atensyon na binibigay namin sakanya.

Ilang segundo pa ang lumipas at hindi nya sinundan ang huling sinabi.

Lahat kami ay sabik na malaman kung ano ang sinabi nya kanina.

Narinig ko man ito ay gusto ko parin marinig ng isa pang beses upang masigurong tama ang narinig ko.

"Anong sabi ni Primo?"

Ako na ang bumasag ng katahimikan.

Ang kaninang mga mata na nakatutok kay Margoux ay nabaling saakin.

Nanginginig din ang boses ko at halata dito ang kaba kung ano man ang sakaling mangyari kay Axel.

"G-gising na daw si kuya."

Hindi ko alam pero hindi saya ang dumaloy sa katawan ko ng mga oras na yon.

May masamang kutob ako.

Gusto kong pilitin ang sarili kong maging masaya dahil gising na si Axel pero tila yata ayaw makinig saakin ng sarili ko.

Narinig ko ang masayang hiyawan ng mga tao sa paligid ko. Lahat sila nakangiti at si Margoux pa nga ay naluluha dahil sa wakas ay gising na daw ang kanyang kuya.

Pero ang mundo ko naman ay parang tumigil at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko na may nilalamang kaba.

"Ate Astrid! Kuya is awake! He's finally awake!"

Niyakap ako nang mahigpit ni Margoux at ibinaon ang mukha nya sa leeg ko. Doon ko naramdaman ang pag daloy ng likido sa leeg ko. Saka ko lang na realize na umiiyak na pala sya.

Hindi ko masisisi si Margoux. Si Axel lang ang nakasama nya simula bata sya. Si Axel nalang ang tinuturin nyang pamilya.

Mabigat ang kamay kong hinagod ang likod ni Margoux. Hindi ko sya magawang yakapin. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang mag saya kasama sila. Hindi ako tinitigilan ng pakiramdam ko.

May hindi tama.

"Ate Astrid? Aren't you happy that kuya is now awake?"

Humiwalay saakin si Margoux at pinahiran ang luha nyang nagkalat sa mukha nya.

"H-Ha?"

Saka lang ako bumalik sa dati.

Tinitingnan nila akong lahat nang may pag tataka sa mukha.

Malamang napansin din nila ang reaksiyon ko.

Dahil higit saaming lahat ay ako dapat ang pinaka masaya.

"N-no, I'm happy. Nagulat lang ako."

Pilit akong ngumiti sakanila kahit na labag ito sa kalooban ko.

Hindi na namin pa itinuloy ang birthday party dahil lahat kami ay mas excited na makita si Axel. Naisip namin na sa bahay na lamang ito ituloy kung saan kasama na namin si Axel.

Gising na si Axel.

Ito na ata ang pinaka magandang birthday gift na natanggap ko.

"I'm coming home.."

Bulong ko sa sarili ko habang nasa kotse kami at pauwi na.

Pagkababa na pagkababa ko sa kotse ay sumalubong saakin ang kakaibang hangin na lalong nagpa bigat ng nararamdaman ko.

Tinanaw ko sila na papasok na ng bahay at handa ng makita si Axel.

Samantalang parang may pumipigil saakin sa bawat hakbang ko.

Para bang may bomba sa bahay na yon at alam kong masasaktan ako.

Nang makapasok ako ay ine expect ko ang pag iingay nila sa kwarto ni Axel.

Pero kabaliktaran ang nangyari.

Wala man lang akong narinig kahit na isang salita na nanggaling sa kahit na sino sakanila.

Then there I saw him.

There I saw Axel.

Sitting in his bed.

Smiling at all of us.

But then, when his eyes landed on me, a confused look can be seen on his face.

The moment I saw his face, ipinalangin ko na na sana hindi nya sabihin ang dalawang salita na kinatatakutan kong lumabas sa bibig nya.

And then he smiled.

Nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Umaasa ako na lalabas ang pangalan ko sa bibig nya.

Ang unang babanggitin nya.

But when he opened his mouth to say something, bigla nalamang gumuho ang mundo ko.

"Sino ka?"

-DK-

I'm back with a short update. Hehe sorry hehe.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon