Chapter 16

1.1K 21 1
                                    

"BAKIT PO ba naisipan nyong mag shopping tayo ngayon?" Tanong ko kay tito Gilbert na nag mamaneho. Ako naman ay nakatingin lang sa labas at pinapanood ang mga nadadaanan naming buildings.

Kung dati ay sobrang saya ko kapag mag shoshopping kami, ngayon ay wala man lang akong kasigla sigla.

Matagal tagal na rin mula nang mag update ako sa mga followers ko sa Insta. Hindi ko nga alam kung aware ba sila na ang finafollow nila ay na kidnapped na pala.

Pero kahit na ngayong nandito na ako at nakabalik na, I just don't feel like posting anything. All I want is my mom. Wala akong ibabalik na kung ano maliban sa mommy ko.

"Aren't you excited?" Pinasadahan ako nito ng tingin na agad rin namang itinuon pabalik sa kalsada.

No, I'm not.

Gusto ko mang sabihin ang mga salitang yon ay napilitan nalang akong ngumiti.

"I'm excited! Siguro po pagod pa ako pero I can manage naman po." Sabi ko na may pekeng sigla. Tito Gilbert just smiled to me and keep on driving.

Meron na akong plano ngayon. Ang kailangan ko nalang gawin ay masigurong aakto lahat sa plano ko. And for that to happen, I will be needing her.

"We're here." Imporma nito saakin. Kaya naman napatingin ako sa mall na nasa harap namin ngayon.

Kaparehong mall na pinuntahan namin ni Axel.

"Let's go?" Hindi ko namalayan na naka baba na pala si tito Gilbert at iniintay ako.

Tumango lang ako at sumunod sakanya.

Dire-diretso lang kami hanggang makarating kami sa isang boutique.

Vergo's

Nakita kong naka lagay sa itaas ng entrance ng boutique. Never heard of this before. Pero kung titingnan mula sa labas ang mga damit na nasa loob ay hindi maipag kakaila na magaganda ang mga ito.

"This one's new. Baka magustuhan mo ang mga damit dito." Ngumiti pa ito at nauna na sa loob.

Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng lamig. Kung may aircon ang buong mall ay higit na mas malamig dito.

Ang buong paligid nito ay napalilibutan ng puting pintura with a touch of baby pink. It looks aesthetic. Maayos at by color ang pagkaka lagay ng mga damit. There's also a section full of women shoes, kung siguro ay ako parin ang dating Astrid, siguradong nag takbo na ako papunta roon at sinuot lahat ng mga sapatos na makita ko. At dahil ayaw kong mapag halataan ay agad nga akong tumakbo roon.

"Can you give me that black pump?" Sabi ko sa isang babaeng nag babantay na agad namang sinunod ang sinabi ko.

Nang mahawakan ko ang sapatos ay agad kong napansin ang ginamit dito. This is fab. The black pump has a real diamond on it. Merong maliit na bilog na kumikintab sa gitna nito. And yes, that's a real diamond.

"How much for this black pump?" tanong ko sa kaparehong babae na kumuha nito.

"That will be $2.7M" Alam kong hindi lang din ako ang nagulat kundi pati narin ang babae dahil pinag papawisan ito. Siguro ay sinabi ko na agad na "I'll take it, so cheap naman", pero dahil nakaka alala na ako ay hindi ko mapigilan ang gulat na bumakas sa mukha ko.

This simple black pump with a very small diamond on it is more expensive than the Stuart Weitzman Cinderella Slippers. How?

"Is—"

"We'll take it"

Napa tingin ako kay tito Gilbert na kinuha mula sa kamay ko ang sapatos.

"You want it? We'll take it." Simpleng sabi nito at ibinigay sa babae ang sapatos.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon