Chapter 32 (Part 2)

742 18 0
                                    

"Ikaw?! Sino ka?!" Tanong ng lalaking naka lugmok sa kama ngayon.

Bakas sa mukha nito ang galit na nararamdaman. Imbes na matakot at kabahan ito ay namayani ang galit sa buong pagkatao nya sa pagkakataong iyon.

Lumapit sakaniya nang mahinahon ang isang babaeng may mahabang buhok. Dahil na rin siguro sa madilim na paligid ay hindi niya maaninagan ang mukha nito.

May kung ano dito na para bang bumubugso sakaniya na kilala niya ang babaeng iyon. Pero isinantabi niya iyon dahil gusto niyag malaman ang dahilan nito kung bakit siya nito ipinadakip sa matalik niyang kaibigan at kung ano na rin ang kailangan nito sakaniya. 

Nang tuluyang itong makalapit sa dulo ng kama, saka lang niya napagtanto ang dahilan kung bakit hind niya makita ang mukha nito.

Hindi ang dilim ang bumabalot sa aligid nito kung kaya't hindi niya masilayan ang mukha nito.

Isang babaeng nakaitim na may suot na mask ang bumungad sakaniya.

Pansin niya ang maganda nitong labi na may suot ng matingkad na lipstick na kulay dugo.

Maliban dito, napansin din niya ang mapupungy nitong mata. Dahil dito, pansamantala siyang nalunod sa titig nito at nakalimutan ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. 

"S-sino ka? Bakit mo ako dinala rito? Anong meron sainyo ni Black? Bakit niya ako niloko? Anong kailangan ninyo saakin? Kung pera ang kailangan niyo saakin madali akong kausap. Kung papatayin niyo ako patayin niyo na agad ak-"

"Shh"

Natigilan si Axel nang lumapat ang daliri ng babae sa mga labi niya, ang mahinang pagpapatigil nito sakaniya ay tila bang parang hele na makapagpapatulog sa isang sanggol.

Dahan dahang umupo ang babae sa tabi niya. Hindi na siya gumalaw dahil nararamdaman niyang hindi siya nito sasaktan.

"Hindi kita sasaktan."

"Hindi pera ang kailangan ko."

"Hindi rin kita papatayin."

Nang sabihin ng babae sakaniya ang mga yon ay hindi ito makatingin sakaniya, hindi niya alam kung nahihiya ba ito sakaniya o ayaw lang talaga nitong ipakita ang ekspresyon nito para hindi niya mabasa ang nararamdaan nito.

"Then, what do you need?"

Unti unting itinaas ng babae ang tingin sakaniya at inilapit ang mukha nito sa kaniya.

Para bang may bumubulong sakaniya na lumayo ngunit hindi niya ito magawa, ang katawan man niya ay tinraydor siya nang hindi ito gumalaw sa pagkakaupo sa kama. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata habang pinakikinggan ang nakakabinging katahimikan.

Sa mga oras na iyon, lubusan niyang tinanggap ang malambot na bagay na dumikit sa mga labi niya.

Nang imulat niya ang mga mata niya, naramdaman niya ang mainit na likido na hindi niya napansin na kumawala sa kaniyang mata.

Ang pamilyar na pakiramdam nang magdikit ang mga labi nila ay gumugulo sa kaniyang isipan.

Higit pa rito, isang babae lamang ang nakita niya sa kaniyang isipan sa mga oras na iyon.

Ang babaeng nagpapanggap na si Astrid.

"Ikaw"

"Ikaw ang kailangan ko"

"I need you Axel"

"I want you..."

Ang pamilyar na boses at ang mga salitang iyon ang naging sanhi ng naramdamang hilo ni Axel kung kaya't walang kontrol sa katawan siyang napahiga at nawalan ng malay.

MADILIM NA  nang magising si Axel. Kahit na sumasakit ang ulo niya ay pinilit pa rin niyang bumangon. Naroroon parin sya sa silid kung saan siya muling nawalan nang malay kanina. Hindi niya alam kung paao at akit siya nawalan ng malay gayong wala namang siyang naramdaman kanina. Tila ba ang presensya ng babaeng kaharap niya kanina ang nag silbing dahilan ng biglaang niyang panghihina.

Tumayo siya at tinanaw ang kinaroroonan ng light switch. Sobrang dilim ng silid na wala syang maanigan na kahit ano.

Para siyang bulag na kinakapa ang bawat madadaanan niya. Natatakot pa nga siyang makabasag ng kung ano na baka maging sanhi ng pagkagalit ng babae at saktan siya.

Kung iisipin ay hindi naman natatakot si Axel sa babae. Mas malakas siya rito at alam niyang kaya niya itong saktan anumang oras. Pero dahil sa ito ang may hawak sakaniya at kasabwat nito ang kaibigan niya, naisip niyang sigurado ay may iba pa itong kasama kung kaya't hindi pa siya makakilos ngayon. 

Habang patuloy ang pagkapa niya sa dilim ay may nahawakan siya.

Napangiti siya sa pag iisip na ito na ang kanina pang hinahanap.

Nang pindutin niya ito ay umalat ang pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa malambot na nahawakan.

'Hindi ata light switch ang nahawakan ko...'

Kasunod nito ay nakarinig siya ng mahinang pag pitik ng isang bagay. Lumiwanag naman ang buong paligid kaya napapikit siya sa biglaang pagkasilaw. 

Nang unti unti siyang nasanay sa liwanag ay tuluyan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

Una niyang nakita ang babaeng naka itim na hanngang ngayon ay may suot parin na mask.

Hindi man niya nakikita ang mukha nito ay bakas niya ag galit sa mga mata nito.

Tila nanginginig din ang mga mapupula nitong labi.

Nag taka naman siya sa ekspresyong nakita niya sa dalaga.

Ngunit hindi nawala ang pakiramdam ng kamay niya na may hawak na isang malambot na bagay.

Nang ibaba niya ang kaniyang tingin sa kamay niya ay nanlaki ang mga mata niya at napatingin muli sa mukha ng babae.

'K-kaya pala malambot'

Agad niyang tinanggal ang kamay niya nang hindi tumingin sa babae.

Narinig lang niya itong bumuntong hininga at saka siya kinausap.

"Kung gisising na gising ka na-"

Napansin niyang tumingin muna ito samay hita niya saka ibinalik ang tingin sa kaniya.

"-bumaba ka nalang. Nakahain na, gutom ka na ata."

Agad niyang tinakpan ang nasa pagitan ng hita niya nang makuha ang gusto nitong sabihin.

Tumalikod na ang babaee at naglakad papuntang pinto.

Dahil na rin ata sa nabanggit ng babae ay lumikha ng kakaibang tunog ang tiyan ni Axel.

Napahinto naman ang babae nang akmang ipipihit na sana ang doorknob.

Tiningnan siya nito mula sa balikat nito at saka nagpatuloy sa paglabas.

Nang masiguro nyang wala na ang babae ay saka niya hinampas ang kaniyang tiyan at pinagalitan ito.

'Don't do that in front of a beautiful lady'

Saka siya sumunod sa babae para mawala ang gutom.

-DK-

 

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon