Chapter 36

532 14 0
                                    

SINALUBONG niya ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat, ang tagal na niyang hindi nakaranas ng ganito dahil na rin siguro sa dami ng mga nangyari sa buhay niya. Ngayon nalang siya muling nakaramdam ng kapayapaan at pagiging kuntento. 

Nang tuluyan siyang makalapit samay tubig ay saka niya hinubad ang malaking tshirt na suot. Kita ang maputi at madulas niyang balat sa swimsuit na suot. Ilaw na lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag niya. Unti unti siyang naglakad patungo sa dagat hanggang maramdaman niya ang pagdikit ng tubig sa mga paa niya. 

Lumubog sya sa tubig hanggang sa natakpan na nito ang dibdib niya, katamtaman lamang ang lamig ng tubig kaya naman napangiti siya. 

"He's probably looking for me now." 

Banggit niya nang mapatingin siya sa bahay na malayo layo mula sa kinaroroonan niya. Si Axel ang tinutukoy niya na naiwan mag isa sa bahay, ni hindi nga nito alam na nag alis niya. 

Tumalikod siya at nag langoy papalayo. Pabalik na sana siya samay mababaw na parte ng dagat nang biglang may humawak sa bewang niya. 

Agad siyang nagpupumiglas at pilit tinanggal ang mga kamay nito. Ramdam niya ang malakas na paghatak nito sa kaniya. Ngunit imbis na hatakin siya nito pababa ay pataas siya nitong iginiya. 

Habol ang hiningang tiningnan ni Astrid ang taong humila sa kaniya. 

"Anong problema mo?!"

Sigaw niya kay Axel. 

Hindi naman siya nito inimikan at pinagmasdan lang siya.

"Bakit mo ako ginulat ha? Alam mo bang muntik akong mamatay sa nerbyos?!"

Napa hawak naman ng buhok ang binata at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Ikaw, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Iniisip mo siguro na makapangyarihan ka kasi pinadukot mo ako. Hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta, basta ka nalang umalis. What if you drowned huh? Your body is so light those waves could kill you." 

Itinuro pa nito ang malalakas na alon na malayo naman sa kanila.

"Eh ano naman sayo? I am your kidnapper, why so concerned?" 

Saglit itong natahimik at hindi na nasundan pa ng kahit isang salita. Malamang ay naisip din nito na tama ang sinabi niya. 

Dapat pa nga siya maging masaya na mapapahamak ang kidnapper niya at sa wakas ay makakatakas na rin siya. 

Ano ang biglang nakapagpabago sa isip ng binata? 

"Tayo na gumagabi na."

Sabi niya at nauna na sa binata, muli niyang isinuot ang tshirt at ibinalik ang tingin sa lalaking hanggang ngayon ay hindi gumalaw sa kinalalagyan niya. 

"Hindi ka ba aalis dyan?" 

Nang hindi pa rin siya nito pansinin ay tuluyan na niya itong iniwan at bumalik sa bahay. She quickly searched for a towel and dried her body. Nagpalit na rin siya ng damit at naghanda sa pagtulog. Hindi niya alam ang mga susunod niyang gagawin. Kung tutuusin ay nandito siya para magisip ng plano, pero paano niya yon magagawa kung kasama niya ang binata sa iisang bubong. 

"Lintik ka talaga Black." Sambit niya at hindi na inintay pa ang binata, basta na lamang niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at natulog. 

SHE'S HAVING a not-so-good night sleep when she heard her phone ring. Sa tingin niya ay hindi pa siya nakakatulog nang ilang oras ay nagising na agad siya. It's still dark outside nang silipin niya ang bintana, malamang ay madaling araw pa lang. When she looked at her phone nasiguro niya na madaling araw pa nga lang, it's 2:45 a.m, sino naman kaya ang tumatawag sa kaniya ng ganitong oras?

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon