Chapter 15

1.1K 26 0
                                    

IT'S been a day. Isang araw na ang nakalipas nang makarating akong muli dito sa bahay na ito. Isang araw na ang nakalipas mula ng umalis ako sa puder nila Axel. Isang araw na ang nakalipas mula ng iwan ko sila.

Isang araw pa lamang ang nakakalipas pero ramdam ko na ang pangungulila. Ramdam kona ang pag aalala sa tunay na pamilyang iniwan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil na rin sa mga nangyari kaya sobrang naging close kaming lahat. Kaya siguro nahirapan akong mag desisyon.

I'm spacing out again, here in my room. Hanggang ngayon ay wala paring napasok sa isip ko na paraan kung paano ko ba maitatakas si mommy. There's a lot of way, i know. Pero hindi ko mahanap ang mga way na yon.

I need to escape with mom as soon as possible.

Hindi ko kakayaning may mangyari pang masama kay Mommy o saakin bago pa ako makakilos.

Isang araw palang ang nakakalipas pero nasa punto na ako na gustong gusto ko nang mailayo si mommy dito. Nakita ko, nasaksihan ko kung paano sya saktan ni tito Gilbert sa hindi ko malamang dahilan. Just because Mom asked me a simple question sasaktan na nya ito? Anong karapatan nya? Ang daddy ko nga na asawa nito ay hinding hindi sinaktan si Mommy, sya pa na sinungaling na ginagamit lang kami para lang makapag higanti?

Mom didn't do anything. Mula ng maaksidente ako noon ay alam kong sinusunod nito ang lahat ng utos ni tito Gilbert. Kahit pa hindi masaya si Mommy. Kahit na naiipit na sya. Kahit na gustong gusto na nyang bumalik kay Daddy. Lahat yon tiniis nya para saakin. At hinding hindi ko hahayaan pa na maulit ng maulit ang mga ginagawa sakanya ni tito Gilbert. Hinding hindi ako papayag. Hindi inalagaan ni Daddy si mommy para lang ganunin nya.

Now what to do? Ano ang gagawin ko? Paano ko sya maitatakas? Paano?

*Knock knock*

Napa baling ako sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ng dalawang katok.

"Can I come in?"

Boses yon ni Mommy!

"Yes." Maiksing sagot ko.

Hindi nag tagal ay bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Mommy. Katulad ng suot nito kagabi ay nakasuot itong muli ng long sleeves. Still, hiding her bruises from me.

"Can I talk to my Astrid?" She said and sit in front of me.

"Ofcourse Mom"

She then hold both of my hands.

"Tell me, tell me kung paano ka nakatakas. Sinaktan kaba nila?"

The moment she asked me those questions, alam ko na agad na wala ngayon sa bahay si tito Gilbert.

Hindi basta bastang mag sasalita at mag tatanong saakin si Mommy kung andito si Tito Gilbert.

"Mom, hindi ako tumakas"

Mahina lang kung kausapin ko si Mommy. Hindi ko alam kung may nakikinig ba saamin ng palihim o may listening bug na nasa kwarto ko ngayon.

"What do you mean? Diba kinidnapped ka nila? Sabi mo tumakas ka."

Alam kong naguguluhan pa sa ngayon si Mommy. But I'm going to explain everything to her. Para maging madali ang pag takas namin dito.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon