Chapter 20

987 16 0
                                    

"NASAAN ANG ANAK KO?!"

Sigaw ni Astro kay Gilbert na kalalabas lang sa isang silid.

Napatingin sakanya ang lalaki at mabilis na itinutok sakanya pabalik ang hawak nitong baril.

Napatingin si Gilbert sa mga tauhan nyang naka handusay sa sahig. Malamang ay si Astro ang nagpabagsak sa mga ito.

"Nandito kana pala."

Pagbati ni Gilbert sa lalaking pumatay sa kaisa isang anak nya.

Kahit anong gawin nya ay hinding hindi nya makakalimutan ang maamong mukha ng walang buhay nyang anak. Habang buhay na ata itong naka tatak sa isip nya. Gabi gabing napapanaginipan. At araw araw sinisisi ang sarili nya.

"Anong ginawa mo sa ang anak ko!"

Diretsong sabi ni Astro. Hindi nya pinansin ang pagbati ni Gilbert. Wala syang panahon para sa mga sasabihin nito, ang kailangan lang nya ay malaman kung nasaan ang anak nya at mailayo ito mula kay Gilbert.

"Bakit hindi natin ibalik sayo ang tanong? Anong ginawa mo sa anak ko?"

Mahinahong pagkakasabi ni Gilbert. Pinatay ni Astro ang anak nya, si Astro ang dahilan kung bakit ito nawala sakanya. Kaya sisiguruhin nyang mawawalan din ito ng anak.

"Wala akong ginawa sa anak mo"

Ilang segundo muna syang tiningnan ni Gilbert bago ito humalakhak.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"

Halos hindi makahinga si Gilbert sa pagtawang ginawa nya.

Si Astro naman ay nag tataka itong tiningnan at hindi parin ibinababa ang pagkakatutok ng baril kay Gilbert.

"NILOLOKO MO BA AKO?!"

Nagulat si Astro sa ginawang pag sigaw ni Gilbert na naging dahilan ng pag urong nya.

Mula sa tuwang tuwang mukha nito kanina ay bigla itong sumeryoso.

"Alam nating dalawa na pinatay mo ang anak ko!"

Nakita nya kung paano namuo ang mga luha sa mata ni Gilbert. Kahit sya ay naaawa sa nangyari dito.

Kahit sinong mawalan ng anak, siguradong gagawin ang ginawa ni Gilbert.

Ang kamalian lang dito, ay hindi nya pinatay ang anak ni Gilbert.

"Hindi ko sya pinatay! Hindi mo ako pinakinggan noon! Kilala mo ako! Hindi ko magagawa yon sa anak mo!"

Pag depensa nya sa sarili nya. Alam nyang kahit anong sabihin nya ay hindi maniniwala si Gilbert.

Pero ang mahalaga ay malaman nito ang totoo. Na wala syang kinalaman sa pagkamatay ng anak nito.

"Nang malaman kong nasa kapahamakan ang anak mo kumilos agad ako!"

"Pinatay mo sya"

Tanging sinabi ni Gilbert, nakatulala lang ito at parang ayaw syang pakinggan.

"Iniligtas ko sya! Inilayo ko sya mula sa mga putok ng baril na alam kong ikapapahamak nya!"

"Pinatay mo sya"

"Ginawa ko ang lahat para mailayo sya! Pero nang makalabas kami ng gusaling yon saka ko lang nalaman na may tama sya!"

"Pinatay mo sya"

"Pinigilan ko ang pagdudugo ng sugat nya pero huli na ang lahat, patay na ang anak m—"

"PINATAY MO SYA!"

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon