Chapter 34

769 18 0
                                    

AXEL INHALES the beach like smell. It is coming, obviously, from the beach in front of him. Ramdam nya ang kapayapaan sa lugar at ang masayang pag tanggap nito sa kanila. Nang itapak niya ang kaniyang paa sa buhangin ay naramdaman niya kung gaano to kapino at kung paano ito dumikit sa paa niya. Matagal tagal na rin kasi mula ng huli siyang makatapak sa buhangin. He sighs and smile at the sight. It's beautiful.

But a question is still lingering in his mind.

"What are we doing here?" Tanong niya sa dalawa niyang kasama.

Sa wakas ay nakalabas na mula sa kaniyang bibig ang tanong na kanina pa hindi maalis sa isipan niya.

Black just stood there, leaning on the car. He crossed his arms and stared at the beauty of the sunset. Hapon na nang makarating sila, hindi nga niya inaasahan na ganon pala kalayo ang kanilang lalakbayin para makarating dito.

"We'll be staying here."

Napalingon siya sa babaeng katabi na tinanggal naman ang salamin na suot. Pinanood niya kung paano mag sayaw sa hangin ang buhok at ang laylayan ng suot nitong bistida.

They both stared at the sky. Nag aagaw kasi ang kulay ng kahel at rosas dito. Napaka gandang tanawin kasama ang mga ibon na lumilipad sa sikatan ng araw.

"Ibababa ko lang yung mga maleta niyo." Black breaks the silence and went to the back of the car. Kinuha at ibinaba niya lahat nang naroon.

Axel saw bags and boxes. There's so much in there. Ni hindi niya namalayan na may dala pala silang ganon karami. He thought they will just go for a swim at uuwi na rin.

Axel was shocked. Ni hindi man nga lang niya alam na may dala palang mga maleta ang kasama niya. And him? Nothing. Wala siyang kadala-dala. Mag sstay ba sila dito nang ganon katagal kung kaya't may dalang mga maleta ang isang to?

Nauna na ang babaeng mag lakad at iniwan silang dalawa ni Black. Nagkatinginan na lamang sila at sumunod dito. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang lumingon ito sa kanila at inihagis sa kaniya ang bag na dala nito.

"Take it."

Kita niya ang lihim na pagngiti ng babae nang makitang muntik na siyang madapa dahil sa bigat ng bag na inihagis nito. What's inside this bag? Dumbbells?

He just followed her in silence hanggang sa marating nila ang isang malaking bahay na malayo layo mula sa dagat.

It's a two storey house with a balcony on the second floor. He can see the big windows surrounding the house. Kahit na puti ang pintura nito, wala man lang ni isang bahid ng dumi ang makikita dito. Kahit na nga ang paligid ng bahay ay walang makikitang basura. Halatang iniingatan at inaalagaan ito ng tagapagbantay ng bahay.

Nang makarating sila sa harap ng pinto ay si Black na ang kumatok.

"Manang Josie! Manang Josie andito na po kami!" Sigaw ni Black. Maya maya pa nga ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang ginang. Medyo matanda na dahil kita na ang mga uban pero nakapaskil sa mukha nito ang isang malaking ngiti. Naka suot ito ng kulay ube na bistida na halos kapareho ng suot ng dalagang kasama niya.

Kaya nang tiningnan niya ito ay sinamaan siya agad ng tingin.

'Wala pa naman akong sinasabi ah.'

"Sir Black andito na po pala kayo! Akala ko po kasi bukas pa ang dating ninyo kaya po nag asikaso muna ako sa loob at di na kayo naintay." Bati ng matanda at niyakap si Black. Halatang magkasundo ang dalawa dahil sa palitan ng usapan nila.

"Ayos lang po manang, sila nga po pala yung sinasabi ko sa inyo na tutuloy po muna dito. Nabanggit ko na rin naman po sa inyo ang gagawin diba po ba?" May isinenyas si Black sa matanda na tila hindi agad nito nakuha. Pero kalaunan ay napa tango na lamang ito at nginitian ang dalawa pang kasama ni Black.

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon