Note 176

83 7 33
                                    

"kuya, kumalma ka nga diyan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"kuya, kumalma ka nga diyan. halata ang pamumula mo oh." bulong ni freesia sakin.

Daisy's parents invited us to eat lunch with them. hindi na nakasama si mama kasi may kailangan pa siyang ayusin sa cafe. kaya kami lang ni freesia.

kanina pa tanong ng tanong sila tito sakin at sinasagot ko naman ito ng maayos. di ko magawang maging pilosopo kasi baka hindi ako payagan na manligaw. advance lang dapat ako mag-isip.

"anyway, kamusta na ang pag-aaral mo daisy? are you having a hard time ba?" tita asked.

"okay lang naman po. hindi naman po ako nahihirapan. actually, tinuruan po ako ni asher kung nahihirapan po ako sa sub."

tita looked at me and smiled.

"that's good then. pasado naman pala. pwede mo na siyang maging personal tutor."

awit si tita gagawin pa akong tutor ni daisy. di po ba pwedeng husband nalang? syempre joke lang.

masyado na akong nagiging advance.

"it's my pleasure to help naman po. haha hindi rin naman po kasi mahirap turuan si daisy. matalino din naman po siya." i said.

tumahimik na kami at pinagpatuloy ang pagkain. ilang sandali lang ay nagpaalam si daisy na magbabanyo siya.

naramdaman ko naman na nagpipigil tawa si freesia. kaya naman inapakan ko ang paa niya. ang kalat talaga nito. pati ako nahahawaan eh.

"do you have a girlfriend ba asher?" biglang tanong ni ate ysa.

bakit ate jojowain mo ba ako? sorry po pero naka reserved na po ako para kay daisy. baka pag-agawan niyo pa ako.

"ate walang pong jowa si my dear cousin. hinihintay niya kasi si daisy--" singit ni freesia kaya naman sinundot ko ang kilid niya.

"ay joke. sabi ko nga mananahimik na ako."

"hahaha so you like daisy pala. i think she also like you."

pahamak to si freesia. nambubuking ng secreto. tumawa nalang ako sa sinabi ni ate.

"may balak ka bang manligaw sakanya?" hot seat ako dito ha.

tito hindi lang po ligaw. gusto ko din po pakasalan. ackk

"asher relax ka lang. don't be shy. welcome kana sa family namin. you already have our blessing. okay lang samin na ligawan mo siya. just make sure na alam mo kung ano ang limitation." natatawang sabi ni tito sakin.

"hala tito. totoo?"

natawa ito sakin at tumango.

oras na talaga para gumalaw ako. madami ng nagaabang oh.

"actually po, I'm planning to confess. naghihintay lang po ako sa magandang oras para umamin sa kanya. gusto ko po kasi memorable ang pag-amin ko. pero thank you po kasi pinayagan niyo akong ligawan siya."

"huwag mo masyadong patagalin iho. baka maunahan ka ng iba. kawawa ka naman."

"opo tito."

"we trust you kasi alam namin na maalagaan at mamahalin mo siya ng buo. gusto din namin na mapunta siya sa mabuting kamay. hindi ka naman mukhang scammer kaya pumayag na kami."

"nako tita hindi nga scammer pero ggss po to." singgit na naman ni freesia.

"bakit ba? pogi naman talaga ako." saway ko sakanya.

"tignan niyo tita. diba true?" natawa naman sila tita samin.

"it's okay. totoo naman din ang sinabi niya." tita said while laughing. clown siguro ako. tawa lang kasi ng tawa si tita.

"bagay sila ni daisy. maganda at pogi. na vi-visualized ko na agad ang magiging apo ko sa future." sabi ni papa-- este tito pala.

"masyado ka naman nagmamadali hon."

"kaya nga po tito. sobrang speed mo po. pero gusto ko po yan." segunda ko rin.

mas natawa sila sa sinabi ko at natigil lang ito ng dumating na si daisy. matapos namin kumain ay umuwi na sila. naiwan kaming tatlo ni freesia at daisy.

"tara manood tayo ng sine." pag-aya ko sakanila.

"okay!"

"libre mo kuya asher ha. wala akong pera eh."

"sino nagsabi sayo na sasama ka samin?" asar ko.

"ang pakla pakla ng ugali mo. daisy huwag mo tong sagutin ha. sobrang bastos ng bibig." hinampas ako nito sa braso.

"gago joke lang hoy." 

umirap ito at kinaladkad niya kami ni daisy papuntang sinehan.

para talagang bata to si freesia. nagtataka talaga ako kung bakit madaming nagkakagusto sakanya. pero sabagay maganda naman talaga si freesia. kung tulog nga lang.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now