Note 38

152 12 5
                                    

Pagkarating ko sa paaralan pinagtitinginan ako ng mga estudyante at alam ko na tungkol ito sa article na ipinost ng Aelin University

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkarating ko sa paaralan pinagtitinginan ako ng mga estudyante at alam ko na tungkol ito sa article na ipinost ng Aelin University. Nakita ko ang sari-saring reaction ng mga tao sa comment section. Madaming naghinayang at madami ding nag-iwan ng mga masasakit na salita.

Di ko maiwasang di masaktan sa mga commentong iyon lalong-lalo na kung sunod sunod ang pag iwan nila ng mga hate comments. Nag-iwan sila ng mga salita na para bang alam nila ang lahat ang nangyari. Na para bang saksi sila sa lahat ng sakit na naranasan ko.

Nakakahiya nga dahil sa may nakakuha ng video sa pangyayaring iyon. Magdamag akong umiiyak kagabi dahil sa hindi ko parin tanggap ang nangyari. Di ko parin magawang tanggapin na mawawala nalang ng parang bula ang pinagsamahan naming dalawang taon.

Nakayuko lang akong naglakad patungo sa classroom ko dahil nahiya ako sa ginawa kung scandalo kahapon.

"Kawawa naman si Daisy. I'm sure na umiyak siya ng magdamag. Namumugto kasi ang mga mata niya eh"

"Kaya nga girl eh"

"Bro, kung ako palang si Lawrence di ko na to ipagpapalit si Daisy kasi na sa kanya na ang lahat eh"

"Kaya nga bro. Sarap nga ipa ambush yung loko na yun eh"

"Duh bagay lang yan sa kanya no malandi kasi eh"

"True ka nga sis kala mo naman kung gaano ka ganda."

Rinig kung pag-uusap ng mga tao sa akin habang dumaan ako sa harapan nila. Di ko nalang iyon binigyan pansin at tinuloy ko nalang ang paglalakad.

Madaming gumagambala sa isipan ko ngayon kaya halong-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Gusto ko na nga lang magmukmuk sa higaan ko. Pero di ko magawa dahil baka masaktan lang ako ni mama at mapagsabihan na naman ng masasamang salita.

Tama na tung dinanas ko na sakit dahil parang ilang sandali nalang ay gusto ko nang bumitaw sa tali na aking pinagkakapitan. Pagkapasok ko sa classroom ay nabalot ng katahimikan ang silid na kanina ay punong-puno ng ingay. Pinagmamasdan nila ang bawat galaw ko patungo sa upuan ko.

Wala ba silang ibang magawa kung di pagchismisan ang buhay ng ibang tao? Di ba pwedeng mamuhay ako ng normal? Tao lang din naman ako na nasasaktan.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now