Note 20

211 17 7
                                    

Nandito kami ngayon sa stairways kung saan palagi naming pinagtatambayan magbarkada kapag breaktime

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito kami ngayon sa stairways kung saan palagi naming pinagtatambayan magbarkada kapag breaktime. Nakasanayan na namin dito dahil ang pwestong ito ay maaliwalas at di maingay kaya dito kami palagi.
Kalahati kasi sa aming magtropa ay di gusto ang maingay na lugar.

Pumumunta naman kami sa Cafeteria pero di gaano kadalas. Pumupunta lang kami doon kapag may bibilhin.

"Oi, ikaw Chester ah napapadalas na iyang pag stalk mo sa twitter ni Heather" panunukso ni Gavin kay Chester nung nakita niya ang ginagawa ni Chester sa cellphone niya. Magkatabi kasi silang nakaupo ngayon.

"Pota ha. Huwag mo naman ibroadcast yung pangalan baka marinig ng iba." Sabi ni Chester sa kanya habang akmang babatukan si Gavin pero nakaiwas ang loko.

"At bakit mo naman chine-check ang timeline ni Heather?" Tanong ko sa kanya na may halong panunukso ang tono.

Namula naman ang loko at umiling ito ng husto.

"Di ba kayo updated mga bro. Crush niya kaya si Heather" saad ni Sage sa aming lahat. At ang loko naman na Chester ay itinangi dahil di daw niya ito crush pero di kami naniwala kaya inasar pa namin ito.

"Hoi demonyo kayo. Di ko nga kasi siya gusto. Napadaan lang ako sa timeline niya dahil may niretweet siya na post." Pagpaliwanag niya sa amin.

"Sige maniniwala nalang kami. Para di halata na di kami naniwala." Tumatango na saad ni Vince sa kanya. Kaya tumango nalang din kami.

"Bahala nga kayo." Inis na saad ni Chester sa amin at pabadog na bumalik sa pag cecellphone

Tumawa lang kami sa inasal niya. At ilang sandali ay natahimik kami dahil napansin namin na may paparating na mga grupo ng kababaehan.

Noong malapitan na sila ay nakita ko na si Daisy pala ito at ang mga kaibigan niya. Masaya silang nagtatawanan at napansin ko din na iba-iba talaga ang personalidad nila mag kakaibigan. Pero kahit na ganon di parin ito naging hadlang upang maging magkaibigan sila.

Sobra nilang saya na umabot sa punto na di na nila napapansin na maraming nakatingin sa kanila. Napansin ko din na tahimik lang nakikitawa si Daisy sa kalokohan nila. Dahil sa nakikita ko ngayon mas makulit si Heather at Fressia. Naglalakad silang dalawa na parang zombie at nagmamake face at sinabayan naman ito ng malakas na tawa ni Gladiolus at Peony.

Narinig ko naman na tumawa ang mga kasama ko dahil kami lahat ay nakatutok na sa kanila na papunta sa gawi namin.

Di na ako magtataka kung bakit sila papunta dito dahil siguro dadaan sila dito na stairways. Kaya ang iba kung kasama na nakaharang sa hagdanan ay binigyan ng ispasyo ang gitna upang makadaan sila.

Nang malapit na sila ay napansin siguro nila na may mga tao na nakatingin sa kanila kaya napatingin silang lahat sa gawi namin. Natigil nila ang kanilang katuwaan at sila Heather at Fressia naman ay namula dahil sa hiya na maraming nakatuklas sa trip nila. Napatingin naman ako sa gawi ni Daisy at nakita ko din na napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako at sinuklian niya naman ito ng ngiti.

"Makikidaan po"

Mahinhin na saad ni Fressia at tumango naman kami at ngumiti. Kaya mag by pair silang dumaan sa gitna. Di din nakaligtas sa pandinig namin ang bagbulong ni Heather sa kay Iris na "omy mamshy nakakahiya" at sinuklian naman siya ni Iris ng "di ka dapat mahiya, dahil makapal mukha mo".

"Mamshy nakakasakit ka naman sa heart." Offend na sagot niya at kinurot si Iris sa kilid.

Ang pinakahuli na dumaan ay si Daisy na tahimik lang dumaan dahil wala itong kasabay. Pinagmasdan ko lang siya habang dumaan at napansin ko na namumugto parin ang mga mata niya.

Tuluyan na silang nakadaan at malipas ang ilang segundo at nanatili parin kaming tahimik. Hanggang sa binasag ni Dylan ang katahimikan.

"Hoy Chester bakit di mo binati crush mo" saad nito habang tinutusok sa tagiliran si Chester.

"Ano ba, di ko nga kasi siya crush" inis na bugaw nito sa kay Dylan. Tumawa lang sila habang ako at nanatiling tahimik. Bumabagabag sa isipan ko kung bakit talaga umiyak si Daisy sa park kahapon at parang ang dami niyang problema na dinadala.

"Sa kay Asher naman tayo para kasi ang dami niyang problema eh" sabat ni Vince sa kanila.

"Hoi bro, bakit ang lalim yata ng iniisip mo. Share naman diyan baka malunod ka eh" saad muli ni Fletcher

"Nag aalala lang ako kay Daisy" sabi ko habang nahihiyang kinakamot ang batok ko.

"Yung pinakahuling dumaan?" Tanong ni Fletcher

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Bakit naman?" Takang tanong ni Chester sa akin.

"Nakita ko kasi siyang umiiyak sa Park ng subdivision namin. Kaya nag-aalala ako." Sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"Magpakilala ka na kasi. Para may masasandalan na siya kung may problema siya. Diba?" Ani ni Sage sa akin at Tumango naman ang iba.

"Di pa kasi ako handang magpakilala sa kanya. At natatakot din ako." Malungkot na paliwanag ko sa kanila.

"Dahil ba to sa kanya?" Singit ni Vince

"Oo, Di ko gustong masira ang relasyon namin." malungkot kung puna

Nang dahil sa usapan namin ay naging seryoso ang atmosphere na kanina ay binalot ng kasayahan.

"Pero di ba ikaw ang unang nagkagusto kay Daisy? Pero bakit naging sila ng kuya mo?" Takang tanong ni Dustin.

"Pinaubaya ko kasi siya kay Kuya dahil akala ko magiging masaya siya kung si kuya ang kapiling niya. Pero nagkakamali pala ako."

Itutuloy.....

Adore (Falling Flower Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon